Halos ilang oras din iyong ginawa naming paglilibot ni Ate Gina sa buong mansion. Humihinto pa kasi kami at nakikipag-usap sa bawat katulong na nadadaanan namin. Naging close na nga kami ni Ate Gina nang tuluyan niya akong maihatid sa magiging silid ko. Nasa second floor iyong silid ko habang nasa ikaapat na palapag naman iyong kay Vlad. Sir Vlad ang tawag ng lahat ng mga katulong kay Vlad kaya nakiki-sir na rin ako kapag kausap ko sila. Ayokong mailang sila sa'kin kapag marinig akong tinatawag sa pangalan ang amo namin. Hindi ko nga masabi kung nakakabawas ba sa nerbyos na first name basis kami ng amo ko o nakadagdag pa iyon sa nararamdaman kong pagkailang tuwing kausap ito. Pero di bale na dahil sanay naman akong makipag-usap sa iba't ibang personalidad, nataon lang talagang kabad