Gustong-gusto ko iyong mga kuha sa'kin ni Vlad kaya kahit nakapasok na kami sa mansion ay nasa cellphone niya pa rin ang atensiyon ko. "Pwede ko ba itong i-post sa social media?" tanong ko habang binalik-balikan ang mga larawan ko sa cellphone niya. "Pwede naman," balewala niyang sagot. "Paano kung mag-viral 'to at kakalat ang post dahil sa Dragon Fountain?" tanong ko ulit. "It's just a fountain," kibit-balikat niyang sagot. "Pero hindi ba, restricted sa mga taga-media kumuha ng larawan niyon?" pangungulit ko. "Bakit , kasapi ka ba sa media?" balik-tanong niya sa'kin. "Pribado ang Dragon Fountain at hindi pwedeng kumuha ng larawan nito ang kahit na sino pero hindi ibig sabihin niyon ay pinagbabawal namin iyon sa mga taong nakatira mismo rito sa Fariol Manor." "Pwede pala akong mag-p