Nang sumunod na mga araw ay naging abala si Vlad sa maraming bagay. Kailangan niya kasing tutukan iyong tungkol sa bagong project ng kompanya nila at sinasabay niya roon ang paghahanda para sa concert appearance. Pero kahit gaano siya ka-busy ay hindi niya pa rin nakalimutan na maglaan ng oras para sa akin. Lagi naman kaming magkakasama sa lahat ng mga lakad niya pero iba pa rin iyong kaming dalawa lang. Akala ko noon ay magiging awkward na kami sa isa't isa dahil sa namagitan sa'min pero kabaliktaran iyong nangyari. Nagiging mas kampanti ako kapag kasama ko siya at nawala na iyon tensiyon na nararamdaman ko kapag nariyan siya sa paligid. Ngayon ay mas lumawak iyong pag-intindi ko sa pabigla-biglang pagbabago ng emosyon niya tuwing may mga bagay na hindi umaayon sa kagustuhan niya. Sa m