chapter 30

2046 Words

Pagkatapos umihi ay napagpasyahan kong maligo na rin kaya sinilip ko muna sandali si Vlad upang ipaalam sa kanya. Tulad nang inaasahan ko ay nakatayo pa rin siya sa labas ng pintuan at hinihintay ako. Nang sabihin ko sa kanya ang plano ko ay gusto pa sana niyang sabay kami pero mabilis akong tumanggi dahil alam ko na kung ano ang susunod na mangyayari. Ayokong dagdagan ang nararamdaman kong pangingirot! Matapos ang ilang sandaling pakikipagmatigasan ay napapayag ko rin siya sa gusto ko. Mabilis kong sinara ang pinto upang magsimula nang maligo bago pa magbago ang isip ni Vlad. Mukhang regular na ginagamit ang silid na kinaroroonan namin dahil kumpleto sa gamit pampaligo ang banyo. Mayroon ding malinis na tuwalya at bathrobe na nakalagay sa towel rock na narito. Malaki ang bathrobe at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD