Halos hindi na ako humihinga habang hinihintay kung ano ang gagawin ni Vlad. Pero anumang pinapangambahan ko ay hindi nangyari dahil tumayo siya. Hindi ko alam kung saan nanggaling panghihinayang na nakapa ko sa'king puso gayong wala naman akong inaasahan. May umasa ba? Wala naman! Mas mabuti ngang ito ang nangyari dahil walang magaganap na live show! Medyo wala pa ako sa tamang huwisyo nang igiya ako ni Vlad papunta sa swimming pool kaya kusa akong napapasunod. Ngayon ay alam ko na kung ano ang pakiramdam no'ng babaeng tumalon sa lighthouse dahil sa pang-uudyok ni Vlad. Parang may orasyon kasi siyang ginagamit kung saan ay parang nakokontrol niya ang katawan ko. Kahit anong gawing pagtutol ng isip ko ay wala talaga itong nagagawa laban sa panghahatak ng karisma ni Vlad. Iyong alam m