Nang mapansin ko na masyado nang matagal iyong pagtitig ko sa gwapong mukha ni Vlad ay mabilis kong hinamig ang sarili. Kailangan kong maghunos-dili at mag-focus sa mas importanteng mga bagay maliban sa kung gaano kalambot tingnan ang mga labi niya! Natikman ko na iyon kaya dapat ay immune na ako pero ang nangyari ay lalo ko pa yata itong pinanabikan. Ano nga ba iyong pinag-uusapan namin ni Vad? "You're funny," biglang pahayag ni Vlad. "I can almost hear your thoughts, they're all over your face." Namilog bigla ang mga mata ko. Huwag niyang sabihin na alam niyang pinagnanasahan ko ang kanyang mga labi? "Ano bang pinagsasabi mo?" Pilit kong pinagtatakpan ang nararamdaman kong pagkataranta. Agad kong iniwas ang mukha ko at baka meron pa siyang ibang mapansin dito! Wala namang naku