Kabanata 13
Nang tuluyan kong makita ang kanyang mukha ay halos pigtasin ko ang aking hininga.
"E-emil?" anas ko.
Tinitigan niya lang ako. Pero agad na kumunot ang aking noo nang magbago ulit ang kanyang mukha.
"K-kaloy!?" halos pasinghap ko nang
sambit.
"Pasensiya ka na Hollian ngunit ugali namin ni ama ang magpalit ng mukha sa paningin ng iba. Kumabaga'y isang ilusyun," aniya hanggang sa tuluyang magbago ulit ang kanyang mukha at halos kahawig na niya si Kanyue.
"Pasensiya ka na kung nalinlang kita Hollian. Patawarin mo ako kung iniwan kita bilang si Emil, iyon ay dahil hindi naman talaga ako ang nararapat para sa iyo. Pagpasensiyahan mo na rin kung hindi kayang magpahiwatig ni Kaloy sa iyo iyon ay dahil nakikita kong masaya ka na kay ama."
Wala akong masabi. Ni ayaw bumuka ng aking bibig.
"At sino ka namang hayop ka!" sigaw ni ina. Agad akong napabaling sa kanya.
"Keyne Lockley Zoldic, ang totoo mong
anak."
Napakurap ako sa aking narinig. Ang pangalang Kaloy ay kinuha niya sa kanyang totoong pangalan. Nakakabaliw na ito! At mas lalo pa akong napakurap. Hindi ko mawari kong nabingi ba ako o totoo ang aking narinig. Siya ang totoong anak ni ina? Ngunit paano!?
"Kahibangan!"
Humakbang siya palapit kay ina.
"Ako ang pinabayaan mo at inihulog sa bangin. Natatandaan mo pa ba? Mabuti na lang talaga at nailigtas ako ni ama. Hindi sana kita makikita ngayon," anito at may kasama pang pag- ismid.
"Sinungaling! Babae ang anak ko!"
"Dahil iyon ang gusto mong maging anak.
Ibinalik nga sa iyo ni ama ang sanggol ngunit pinalitan niya ito. At iyon ay si Hollian. Galing siya sa isang bahay ampunan. Nakakaawa ka naman.
Ang asawa mo lang pala ang may alam tungkol sa sekretong iyon."
Napaawang ang aking bibig. Kaya ba malayo ang loob ni ama sa akin ay dahil hindi naman pala niya ako tunay na anak. Agad na nag- unahan sa pagtulo ang aking mga luha. Natutuwa ako na nalulungkot. Hindi ko ama si Kanyue at mas lalong hindi ko naman tunay na ina si Shaurine dahil ang totoo'y isa lamang akong ampon.
"Hindi kita anak!" sigaw ni ina at biglang sinugod si Keyne.
Ngunit agad siyang naawat ni Keyne at nahawakan sa leeg.
"Sana'y pinaslang ka na lang ni ama kaysa naman makita kitang ganito. Nakakaawa."
"B-bitiwan m-mo a-ko!"
Panay ang pagpupumiglas niya kay Keyne ngunit ayaw nitong matinag.
"Ipararamdam ko sa iyo kung paano lapastanganin ng isang demonyo."
Bigla niyang inangat si ina at sinakal ng mariin. Nang hindi pa siya makuntento ay ibinalibag niya ito sa pader. Nabutas pa ang pader at nagkabitak-bitak pa ang mga semento dahil sa lakas ng epekto nang pagkakatama nito sa pader.
"Ayos ka lang ba ina? Sabik na sabik akong makita kang nahihirapan."
Halos ayaw kumurap ng aking mga mata habang humahakbang palapit si Keyne kay inang Shaurine. Panay ang pag-igting ng panga nito at halatang galit na galit.
"Huwag mo akong tatawaging ina! Hindi kita anak!"
"Aray," ani Keyne. Umarte pa siya na para bang nasasaktan ngunit nakangisi naman. Ibang-iba siya kay Emil at mas lalong walang bahid bilang si Kaloy.
Bigla naman siyang sinugod ni ina ngunit agad din naman siyang nakaiwas. Ibinalibag niya itong muli at sa isang kurap ko lamang ay agad niyang napulot ang punyal at biglang itinarak sa dibdib ni ina.
"Dugo man kita at laman ngunit hindi ko kayang makita kang pakalat-kalat sa lugar na ito ina. Minsan ka nang nabuhay ngunit sinayang mo ang pagkakataong mamuhay ulit ng tahimik.
Ngayon ina, pagbayaran mo ang lahat ng iyong kasakiman."
Nang hugutin nito ang punyal ay biglang bumagsak si ina sa sahig. Umagos ang kulay itim nitong dugo mula sa kanyang sugat hanggang sa unti-unting nangitim ang kanyang balat.
Namimilipit siya sa sakit hanggang sa bigla na lamang itong naging abo.
Tulala lamang ako. Lumapit naman siya kay Kanyue at tinanggal ang pagkakaposas nito. Parang wala lang sa kanya ito dahil nagkadurog-durog pa ang bakal. Nang matanggal niya ito'y diretsong bumagsak si Kanyue sa sahig. Ako naman ang binalingan ni Keyne. Tinanggal niya ang pagkakatali sa akin. Nang matanggal niya ito ay agad akong lumapit kay Kanyue.
"Mahal ko, gumising ka," umiiyak kong ani.
Bigla namang hinila ni Keyne ang aking kanang palad at agad na lumabas sa akin ang itim na tangkay ng isang rosas. Bigla niyang hiniwa ang aking palad at itinapat sa bibig ni Kanyue.
"May ginawa si Shaurine sa kanya kaya siya nagkakaganyan. Huwag ka mag-aalala Hollian.
Dugo mo naman ang makakagamot sa kanya. Pakisabi nga pala kay ama. Wala na akong utang sa kanya. Pasalamat siya at iniligtas ko siya."
Sa pagkasabi niyang iyon ay bigla na lamang itong nawala. Grabe. Ang presko niya at ang yabang. Anak nga talaga siya ni Kanyue.
Tinuyo ko ang aking mga pisngi at hinintay na magkamalay si Kanyue.
Mataman ko lamang siya na pinagmasdan hanggang sa unti-unting gumalaw ang kanyang mga daliri.
"Kanyue," anas ko.
Narinig ko ang marahan niyang pag-ungol. Piniga ko ng husto ang aking palad at ibinuka ang kanyang mga labi. Muli siyang umungol hanggang sa tuluyan na itong napadilat. Muli akong napaluha.
"May masakit ba sa iyo, ha?"
Bumangon naman siya at umupo sa harap
ko.
"Ano ang nangyari?"
"Ha? Wala kang maalala?" Umiling naman ito.
"Nagkahiwalay tayo at pinauwi kita sa inyo.
Iyon lang ang natatandaan ko."
Nakagat ko ang aking labi at agad akong napayakap sa kanya.
"Baliw ka talaga! Pinag-alala mo ako ng husto! Ang akala ko'y mapapatay ka na ni Shaurine. Mabuti na lang talaga at dumating si Keyne."
"Keyne? Ang anak ko?"
Tumango naman ako. Nahimas naman nito ang kanyang batok.
"Ang tigas talaga ng batang iyon," naiiling pa nitong wika.
"Totoo ba talagang anak mo siya?"
Sumeryoso naman ang mukha nito at tumitig sa akin.
"Oo," walang gatol niyang sagot sa akin.
"Hindi ako tunay na anak ni Shaurine?" tanong kong muli.
"Hindi. Kinuha lang kita sa bahay ampunan. Patawarin mo ako Hollian kung hindi ko masabi sa iyo ang totoo. Hindi kita kayang saktan."
"Ayos lang ang importante sa akin ay hindi totoo ang lahat nang iyon. Halos madurog ang puso ko nang marinig ko ang kasinungalingang iyon Kanyue. Ni ayaw tanggapin ng buong sistema ko. Hindi ko kaya Kanyue."
Niyapos niya ako.
"Nasabi ba sa iyo ni Keyne ang tungkol kay
Emil?"
Kumalas ako sa pagkakapulupot ko sa
kanya.
"Oo, nasabi niya sa akin at naipaliwanag niya. Subalit kahit pa nalaman kong buhay si Emil ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa iyo Kanyue. Hinding-hindi."
Ikinulong naman niya ang aking mukha sa kanyang mga palad.
"Mahal na mahal kita Hollian." "Sobra rin kitang iniibig Kanyue." Hinagkan niya ako.
"Tanggap mo pa rin ba ako kahit na alam mong may anak na ako sa ibang babae?"
Matamis akong napangiti.
"Mahal kita Kanyue at ang pagkakaroon mo ng anak sa ibang babae ay hindi mahalaga sa akin. Wala ako noong mga panahong iyon Kanyue. Hindi kita masisisi kung may minahal kang mas una pa kaysa sa akin. Nagmahal din naman ako ng iba noong hindi pa kita nakikilala. Walang mali roon, ang importante ay ang ngayon. Mahal mo ako at mahal kita. Iyon ang pinakamahalaga para sa akin."
Hinagkan niya naman ang aking noo.
"Magiging mabuti kang ina sa magiging anak natin Hollian."
Napasinghap ako sa kanyang sinabi. "Ano ang ibig mong sabihin Kanyue?" "May napapansin ka ba sa iyong sarili?" Bahagya pa akong napaisip.
"Noong nag-away kami ni ina, malakas ko siyang naitulak. Ang akala ko nga'y anak niya nga akong talaga at namana ko sa kanya ang ganoong lakas."
Pilyo naman siyang tumawa.
"Dahil iyon sa sanggol na nasa sinapupunan mo Hollian."
Namilog ang aking mga mata at agad na lumipad ang aking kanang palad sa aking bibig.
"Ikaw ba'y hindi nagbibiro Kanyue?"
Isang malaking iling ang kanyang tugon sa
akin.
"Diyos ko! Pinasaya mo ako ng husto Kanyue!"
Muli ko siya niyakap ng mahigpit.
"Gusto kong ipangalan sa kanya ang nais ko sana ay para sa kapatid kong lalaki kung nagkaroon man sana ako," hiling ko.
"Ano iyon mahal ko?"
"Kaileigh Ywain Zoldic," sambit ko. Natawa naman siya sa akin. Napanguso ako.
"Pinagtatawanan mo ba ako Kanyue!?" "Hindi mahal ko, maganda siya." "Mukha kang napipilitan."
"Hindi," tanggi niya pa.
"Talaga? Gusto mo ang naisip ko?" Tumango naman ito at hinagkan ako. "Kung ikasasaya mo Hollian, lahat ay
sasang-ayon ako."
Kinabig ko siya at hinagkan ng mariin.