Kabanata 12

1102 Words
Kabanata 12 Nang marating ko ang bukana ng asyenda ni Kanyue ay agad na hinanap ng mga mata ko si Kaloy. "Kaloy!" sigaw ko. Ngunit walang sumasagot sa akin. "Kaloy! Ano ba!?" muling sigaw ko ngunit wala pa rin akong naririnig na tugon muli sa kanya. Lumakad pa ako palapit hanggang sa tumapat ako sa bahay ni Kanyue. Itinulak ko ang pinto. Nagulat ako sa aking nakita. Ang salaming bubong ay nabasag. Ang mga taniman ng mga bulaklak ay nasira. Ang mga plorera ay basag at nagkalat sa kung saan-saang parte ng bahay. Wasak din ang kama, maging ang sementong sahig na kinalalagyan ng kama. Agad kong nakita si Kaloy. "K-kaloy?" Nilingon naman niya ako. Umiiyak ito ay may sugat sa kanyang tagiliran. Agad akong napatakbo palapit sa kanya. "Anong nangyari? Sino ang may gawa nito? Nasaan si Kanyue?" sunod-sunod ko nang tanong. "Inatake ho kami ng mga Seltzer no'ng umalis po kayo. Hindi ko po alam ngayon kung saan naroon ang senyorito Kanyue. Lahat po sila ay biglang nawala pagkatapos nang pagtutuos na nangyari rito," paliwanag niya. Agad na lumipad sa aking bibig ang aking kanang palad. Napatayo ako. Gigil na gigil akong napakuyom ng aking mga kamao. "Bakit ngayon pa!?" sigaw ko sa kawalan at lumabas ng bahay. Napatakbo ako sa kuwadra ng mga kabayo. Hahanapin ko si Kanyue! Pumasok ako sa loob ng kuwadra ngunit bago ko pa man makuha ang isang kabayo ay may biglang humampas sa aking batok dahilan para ako'y mapaluhod at mahimatay. Napaungol ako nang bumalik ang aking ulirat. Nang gumalaw ako'y laking gulat ko nang nakakadena ang aking dalawang kamay, pati na ang mga paa ko ay ganoon din. Ang itsura ko ay parang nakapako sa malaking krus. Inikot ko ang aking leeg dahil pakiramdam ko'y parang namanhid ito. Matapos kong pagtuunan nang pansin ang aking sarili ay inilibot ko ang aking mga mata. Hindi ko alam kung saan ako naroroon. Madilim ang aking paligid at puro sulo ang mga nakikita kong nakasabit sa pader. Napapalibutan ako nito at sa harapan ko ay ang malaking pinto. Dumagundong ang matinding kaba sa aking dibdib. Hindi ko mawari kung bakit ganito na lamang katindi ang aking kaba. Bigla namang yumanig ang sahig. Nahigit ko ang aking hininga nang biglang may umakyat na malaking krus din. Namilog ang aking mga mata at parang tumigil ng sampung segundo ang aking hininga. "Hindi!" malakas kong hiyaw. "Ugh! Kanyue! Hindi! Ah!" Nagpupumiglas ako sa aking kinalalagyan. Hindi ko kaya ang nakikita kong itsura ni Kanyue. Puno ng itim na likido ang kanyang katawan mula sa kanyang mga sugat. Ang iba'y kusang naghihilom ngunit ang iba'y halos ayaw gumalaw dahil yata sa lalim ng kanyang mga sugat sa katawan. Napahagulhol ako ng matindi habang patuloy na nagpupumiglas. "Kanyue! Ano ba!? Gumising ka riyan! Nasaan ang tapang mo! Ano ba!?" pagwawala ko. Hindi siya gumagalaw. Nanatili lamang na nakayuko ang kanyang ulo. "Kanyue! Isa! Kapag hindi ka pa gigising diyan, hindi mo na ako makikita!" umiiyak kong banta sa kanya. Ngunit nanatiling walang tugon akong natanggap mula kanya. Halos mapaos na ako at maubusan ng lakas dahil sa ginagawa kong pagsigaw at pagpupumiglas. Bigla namang bumukas ang pinto. "Ang ingay mo naman Hollian," inis nitong simangot sa akin. "Hayop ka! Pakawalan mo ako rito! Hindi ka patas kung maglaro!" gigil na gigil kong sigaw sa walang kuwenta kong inang si Shaurine. "Masiyado ka namang sabik mahal ko," aniya. "Hayop ka! Hayop!" singhal ko. "Hayop? Ito talaga ang hayop Hollian." Namilog ang aking mga mata nang bigla niyang saksakin sa tagiliran si Kanyue. "Ah! Walanghiya ka! Kanyue!" hiyaw ko nang pagkalakas. Biglang nabasag ang mga salaming bahagi ng bubong. "Hayop ka! Ulitin mo ulit iyan at hindi ako mangingiming paslangin ka," mariing banta ko sa kanya. Malakas siyang napatawa. "May magagawa ka ba para pigilan ako? Kahangalan!" "Hayop ka! Papatayin kita!" Malakas na tawa ulit ang kanyang pinakawalan. Muhing-muhi ako sa pagkatao niya. Hindi ako makapaniwalang naging ina ko siya! "Hayop! Demonyo ka! Pakawalan mo ako rito! Lumaban ka ng patas!" "Patas!? Naririnig mo ba ang sarili mo Hollian? Hindi mo alam kung ano ang ginawa ni Kanyue at nang pamilya niya sa kapatid kong si Eiran! Walang awa nilang pinatay ang kapatid ko! Hindi mo alam kung paano gumuho ang mundo ko! Mas hayop ang mga Zoldic! Wala silang sinasanto!" Napalunok ako. Wala naman akong alam sa nangyari sa pagitan ng pamilya ng mga Zoldic at kay ina. "Bakit? Sa ginagawa mo ba ngayon, santa ka? Kung kademonyohan man ang nagawa nila sa kapatid mo, hindi na ako magtataka dahil mas demonyo ka sa kanila!" Galit na galit siyang sumugod sa akin at sinampal ako. Agad na pumutok ang aking labi. Para akong nahilo dahil sa lakas ng kanyang sampal sa aking mukha. "Magdahan-dahan ka sa pagbuka ng iyong bibig Hollian," mariin niyang wika. Dinuraan ko siya. Muli niya akong sinampal at sinikmuraan. Pinigil ko ang aking hininga at napaungol ng malakas. Napasuka ako ng dugo. "Masakit ba? Tsk!" Hindi ako makasagot. Sa tindi ng sakit ng aking sikmura ay agad na nanghina ang aking mga tuhod. Kung hindi pa ako nakatali, malamang ay kanina pa ako bumagsak sa sahig at namimilipit sa sakit. Muli siyang lumakad palapit kay Kanyue at sinaksak ito sa tiyan. "Ah! Tama na!" malakas na sigaw ko ngunit tanging malakas din naman na halakhak ang tugon niya. "Ang baboy mo Hollian! Pumatol ka sa sarili mong ama!" "Hindi totoo iyan!" sagot ko habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. "Bawiin mo ang sinabi mo!" "Gaga ka ba? Bakit ko naman babawiin ang isang katotohanang matagal nang naukit ng panahon? Hangal!" "H-hindi totoo iyan! Hindi!" Gusto kong takpan ang aking dalawang tainga. Ayaw kong maniwala ngunit paano ko malalaman ang totoo gayong wala namang malay si Kanyue. Siya lang ang makasasagot sa akin ng totoo. Nangako ako sa kanya na siya lang ang paniniwalaan ko. Siya lang. "Gusto mo pa ba Hollian?" nakangiti niyang hamon sa amin. Itinapat niya ang punyal sa leeg ni Kanyue. Nanginginig ako sa takot. "Huwag! Pakiusap ina!" "Marunong ka naman pa lang makiusap Hollian pero pasensiya ka na anak ko. Mas malaki ang utang ng lalaking ito sa akin. Hindi kayang tumbasan ng kahit ano, kahit pa ikaw!" Akma niyang itatarak ang punyal sa kaliwang dibdib ni Kanyue ngunit bigla na lamang may bumalibag sa kanya. Gulat na gulat ako sa aking nasaksihan. Mula sa madilim na parte ng silid ay may biglang lumitaw na isang lalaki. Nakapamulsa pa ito habang dahan-dahan na humakbang sa nakasalampak na katawan ng aking ina sa sahig. "Tama nga si ama, wala kang kuwenta ina," aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD