Kabanata 11

1303 Words
Kabanata 11 "Wala akong maintindihan," umiiyak kong saad. "Hindi lahat ng katanungan sa mundo ay kailangang may kaakibat na sagot. Minsan Hollian ay mas mabuting maging mangmang nang sa ganoon ay makaiwas ka sa makasariling mundong iyong ginagalawan." Hindi ako nakasagot. Sa lalim ng mga katagang binibitiwan niya ay parang sasabog na ang aking utak. Wala akong maintindihan. Sino ba si Luna? Anong itinakda ang kanyang pinagsasabi? Sumasakit ang aking ulo dahil sa kaiisip ng kanyang mga binibitiwang mga salita. Naninikip ang aking dibdib dahil sa mga ginagawa ni Kanyue. "Natatakot ka ba sa akin Hollian?" Natigilan ako at mataman siyang pinagmasdan. Bumalik na siya sa dati niyang anyo. "Sa iyo hindi pero sa magagawa mo'y oo." "Kung ganoon ay pansamantala muna akong lalayo sa iyo ngunit hindi naman ako tuluyang mawawala Hollian, lagi pa rin akong nasa iyong tabi." Kumunot ang aking noo at pinilit ang aking sarili na makatayo. Paika-ika akong humakbang palapit sa kanya. "Hindi. Ayaw ko. May batas din ako Kanyue. Kapag sinabi kong ayaw ko'y ayaw ko talaga. Hindi mo ako iiwan. Dito ka lamang sa aking tabi." Nang makalapit ako sa kanya ay tuluyan na akong yumakap. "Wala man akong maintindihan, ngunit isa lang ang alam ko Kanyue. Kung nadungisan man ang iyong mga kamay nang dahil lamang sa akin ay magpapakabulag ako para sa iyo. Sabi nga nila'y nakabubulag ang umibig at paninindigan ko ang mga katagang iyon. At kung natatakot man ako'y dahil iyon sa ayaw kitang mawala sa akin." "Te amo, caritas mea," sambit niya sa aking punong tainga. Kinarga naman niya ako at sa isang iglap ay iniuwi niya ako sa mala hardin niyang bahay. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ang magpalipat-lipat ng lugar ngunit nakararamdam naman ako ng matinding pagkasabik. Ibinaba niya ako sa kama at iniangat ang aking kanang binti. "Hollian," bigla niyang tawag. "Ano..." Malakas akong napadaing. Bigla niya kasing hinila ang aking paa dahilan para tumunog ang mga buto ko sa aking binti. Nginitian naman niya ako. "Hindi na ba masakit?" tanong ko. Umiling ako bilang pagsang-ayon. "Paano nga pala ang katawan ni Lorry?" naitanong ko bigla kaya mataman naman niya akong tinitigan. "Si Kaloy na ang bahala doon. Maligo ka na Hollian." Itinaas ko ang aking kamay upang abutin ang braso nito. Kumuha ako ng suporta sa kanya upang tuluyan akong makatayo. "Wala akong damit na dala," imporma ko pa sa kanya. "May naiwan ka rito. Hindi mo pa ba kayang maglakad?" Bahagya akong tumango sa kanya. Mabilis naman niya akong kinarga at dinala sa kanyang paliguan. Agad ko rin namang itinapat ang aking sarili sa umaagos na tubig. Agad na guminhawa ang aking pakiramdam. Iniisa-isa kong hinubad ang mga saplot ko sa aking katawan hanggang sa tuluyan kong nahubad itong lahat. Nang lumingon ako sa aking likuran ay halos mapalundag ako sa matinding gulat. Nakatayo lamang si Kanyue sa aking likuran. "Hindi ka ba aalis?" nahihiya ko pang tanong sa kanya habang ako ay nakatalikod. "Hindi pa. Masama ba ang pagmasdan ka?" "Naiilang lamang ako," sagot ko. Nilingon ko siyang muli at dumako ang aking mga mata sa kanyang kanang kamay. Natuyo ang maraming dugo sa kanyang kamay kung kaya't ito'y aking kinuha at binasa ng tubig habang inaalis ko ang mga nakadikit na dugo sa kayang palad. "Sa susunod ay huwag mong hayaang madumihan ang iyong kamay Kanyue." Humakbang naman siya palapit sa akin at idinikit ang aking likuran sa mapalad na bato. Marahan naman akong napasinghap dahil tila yata ay nagwawala ang aking puso dahil sa mabilis na pagkarera nito. Biglang bumigat ang aking paghinga. "Bakit ngayon ka lang umuwi?" tanong ko. Napatungo pa ako dahil hindi ko kayang makipaglabanan ng titigan sa kanya. "Bakit Hollian? Lubos ka bang nangulila sa akin?" Agad na uminit ang aking magkabilang pisngi. Mas lalo akong napayuko. Tila yata ay bigla akong tinuhog ng aking hiya. Ikinulong naman niya ang aking mukha sa kanyang mga palad. Bahagya niyang inangat ang aking ulo dahilan para pumantay ang aking mga paningin sa kanyang mga mata. "Kanina lamang ay inamin mong mahal mo ako, ngayon naman ay bigla kang nahiya dahil lamang sa hindi mo maamin na nangungulila ka sa akin." Napaawang ang aking mga labi. Bago pa man ako makaisip ng isasagot ay agad na niyang nasakop ang aking mga labi. Agad ko rin naman itong tinugon at napakapit sa kanyang batok. Mabilis niya akong kinarga at mas lalong idinikit sa malapad na bato ang aking likuran. Mas lalo akong napakapit sa kanyang batok. Hinahabol ko ang aking hininga. Parang ayaw nitong paawat at kay pusok ng bawat mga halik na binibitiwan niya sa aking mga labi. Hindi ko maiwasang mapaungol at mapaliyad nang gumapang sa aking manipis na baywang ang kanyang mga palad, pababa sa aking kaibuturan. "Kanyue," anas ko. Gumapang ang kanyang mga labi sa aking leeg, pababa sa aking hinaharap at tinudyo ang bawat korona nito. Halos mapugtuan ako ng aking hininga nang bigla niyang ipinasok ang kanyang galit na sandata sa aking kaibuturan. "Ah!" marahas kong pag-ungol. Bumilis ang paggalaw ng kanyang katawan upang bayuhin ako. Marahan ngunit maingat ito sa bawat kanyang paggalaw. Muling dumapo ang mga labi niya sa aking leeg at laking gulat ko nang kanya itong kagatin. Biglang bumigat ang aking paghinga nang biglang may sumabog sa aking kaloob-looban. Ngunit hindi nakaligtas sa aking pandama ang ginawa nitong pagkagat sa aking leeg. "Kanyue," utas kong muli. Nang humiwalay ito sa aking leeg ay duguan ang kanyang bibig at kulay pula ang kanyang mga mata. Napalunok ako at napatanga lamang sa kanya. "Bakit..." Hindi ko na itinuloy ang aking naudlot na tanong dahil lalabas lamang na isa akong tanga, o mas tamang sabihin ay nagtatangahan lamang ako. Alam ko mismo sa aking sarili kung anong nilalang talaga siya ngunit nagbubulag-bulagan lamang ako. Ayaw kong isipin na hindi siya normal. "Patunay lamang na pati ikaw ay hindi normal Hollian." Kumunot ang aking noo. "Ano ang ibig mong sabihin?" Nakakaloko itong ngumiti at muli akong siniil ng halik sa aking mga labi. Napaungol akong muli at napakapit sa kanyang batok. Muli itong bumayo at para akong idinuduyan sa hangin dahil sa kakaibang kiliti na aking nadarama. Napaungol ito at kasabay niyon ay ang paghampas ng kanyang palad sa malapad na bato. Agad itong nabiyak at nahulog ang mga bitak nito sa lupa. Mukhang tuluyan na nga nitong naabot ang kanyang sukdulan. Sa isang kisap muli ng aking mga mata ay nakalapat na ang aking katawan sa kanyang kama habang ito ay nakapaibabaw pa rin sa akin. Hindi na ito gumawa ng anumang kilos pa at nanatili lamang sa kanyang puwesto na nakadagan sa akin . Nakasubsob ang kanyang mukha sa aking leeg. Payapa ang paghinga nito at nakapikit pa ang kanyang mga mata. Napatitig naman ako sa malawak na kalangitan at sa mga bituing kumikislap-kislap sa kalangitan. Marahas ang aking paghinga. Hanggang ngayon ay patuloy pa ring gumagambala sa aking isipan ang aking mga nasaksihan ngayon araw na ito. Maraming alam si Kanyue tungkol sa aking pagkatao at labis ko iyong ipinagtataka. Marami siyang mga salitang binibitiwan na may ibig na kahulugan ngunit hindi naman siya sumasagot sa tuwing ako ay nagtatanong. Ramdam na ramdam ko sa bawat salita na kanyang sinasambit. Punong-puno ito ng kasiguraduhan. Walang alinlangan sa kanyang mga mata. Ngayon ay napapaisip ako kung kagaya niya ba ako? Sa aspeto, bagay, ugali at ano pa ay hindi ko mahanapan ng sagot sa sarili kong paraan. Pakiramdam ko tuloy ay para akong isang basag na salamin na kay hirap buuhin. Parang ang dami kong sekreto ngunit wala akong hinala kung ano ang mga ito. Para bang lumalabas na hindi ko kilala ang aking sarili. Nayapos ko si Kanyue at pinagapang ang aking mga daliri sa kanyang mahabang buhok. "Sino ka ba talaga Kanyue Oruiseas Zoldic sa buhay ko?" sambit ko sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD