Kabanata 7

1230 Words
Kabanata 7 "Kanyue!" sambit ko at agad na napabangon. Agad din naman akong natauhan at natampal ang aking noo. Sinuklay ko pa ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Agad kong inalala ang namagitan sa aming dalawa ni Kanyue. "Nakipagniig ako sa kanya?" na itanong ko pa sa aking sarili. Agad ko rin namang sinipat ang aking katawan. Nakabalot lamang ng makapal na kumot ang aking katawan. At ang ikinagulat kong muli ay narito ako sa bahay ni Kanyue. Sa mala-hardin niyang tahanan. Agad ko ring kinapa ang aking leeg dahil sa pagkakatanda ko kanina ay kinagat ako ni Kanyue. Naghagilap ako agad ng salamin sa aking paligid nang makababa ako sa kama. "May hinahanap ka?" Agad kong nasapo ang aking dibdib. Hindi ko namalayang napabitiw pala ako sa pagkakahawak ko sa kumot, dahilan para ito ay malaglag. Nalantad sa mga mata nito ang aking kahubadan. Namilog ang aking mga mata at akmang pupulutin ang kumot pero naunahan ako ni Kanyue. Siya na mismo ang nagtakip sa aking katawan. Agad akong nakaramdam ng panlalamig at tila yata'y bigla akong pinagpawisan. Siguro dahil ito sa sobrang kahihiyan. "Anong hinahanap mo Hollian?" muli ay tanong nito sa akin. "Sa..." Tumigil ako at tumikhim. "Salamin," muling wika ko. "Para saan?" Napalunok ako at pinaglaruan ang aking mga daliri. "Kaninang tanghali," panimula ko. Agad na uminit ang aking magkabilang pisngi nang maalala ko ang nangyari sa amin kanina sa kubo. "Kung ang inaalala mo ay ang mga sugat mo sa katawan. Namamalik-mata ka lamang Hollian," aniya. Napaatras ako. "Paano mo nabasa ang mga iniisip ko?" gulat kong tanong. "Hindi ko binabasa ang iniisip mo Hollian. Alam ko lang na iyon ang dahilan kung bakit ka naghahanap ng salamin." "Sabihin na nating ganoon nga pero hindi ako puwedeng magkamali sa aking mga nakita kanina. Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin kung ano ka talaga." Bigla naman niyang hinapit ang aking baywang. "Bakit Hollian? Tatakbo ka ba kapag nalaman mo ang totoo?" Bahagya naman akong napaisip at kumikit- balikat kalaunan. "Hindi ko alam," sagot ko. "Kung pipilitin mo lang ako ay wala kang makukuhang sagot mula sa akin." "Pero…" Naputol ang aking pagbigkas dahil bigla nitong hinagkan ang aking labi. Nang kumalas ito sa akin ay parang nabitin ako sa ere. Tama ba itong naiisip ko? "Mag-ayos ka na at may lalakarin pa tayo. Nasa tukador ang iyong mga damit. Ang iba pang mahalagang bagay sa iyo ay ihahabol na lamang." Bahagya itong lumayo sa akin at iniwan na ako. Nabatukan ko ang aking sarili. Nababaliw na yata ako dahil una'y pumayag ako sa alok nitong kasal, maisalba ko lang aking asyenda. Pangalawa'y nakipagniig ako sa kanya ng ganoon kabilis. Pangatlo? Tuluyan na nga akong titira sa mala- harding bahay na ito. "Ugh! Ano ba itong mga desisyon mo Hollian!" litanya ko sa kawalan. Nahilot ko ang aking sintido at piniga ang pagitan ng aking mga kilay. Tinampal-tampal ko pa ang aking pisngi. Parang nawawala na yata ako sa aking sarili sapagkat ang ganitong mga bagay ay hindi ko lubos maisip na magiging ganito kabilis. "Hollian," tawag nito. Agad akong pumaling kay Kanyue. Parang ibig yatang tumulo ang aking laway. Mabilis kong naitikom ang aking bibig. Nakabihis na kasi ito ng damit na pangkasiyahan. At talaga nga namang bumagay ito sa kanya. Litaw na litaw ang aking kakisigan nito. "May okasyon ba?" tanong ko. "Oo," tipid nitong sagot. "Puwede naman siguro akong hindi sumama." "At sa anong dahilan naman?" Kumikit-balikat ako. "Magbihis ka na," utos niyang muli at may ibinigay sa aking maliit na kahon. Napatingin muna ako sa kanya bago ko binuksan ang kahon. Isang magarang damit na kulay itim ang laman nito. "Bilisan mo Hollian," aniya at naghila pa ng silya upang upuan ito. "Sa harapan mo ako magbibihis!?" gulat kong tanong. "Bakit Hollian? Nahihiya ka pa rin ba? Nakita ko na ang lahat ng mayroon ka ng dalawang beses. Pangatlo ngayon kung hindi ako nagkakamali. Kung tutuusin nga'y higit pa sa pagtanaw ang nagawa ko sa iyo." Tila yatang nanunuya pa ito sa bawat bigkas niya ng mga salita. Naningkit ang aking mga mata. "Baliw ka na ba!?" Mataman lang niya akong pinagmasdan at ibig ko na yata ang sumabog. "Sinabihan na kitang magbihis ngunit naabutan pa rin kita sa ganyang ayos. Gusto mo bang ako pa ang magbihis sa iyo, Hollian?" Napaawang ang aking mga labi at agad akong napalunok. "H-hindi!" agarang tanggi ko. "Magbihis ka na," muli niyang utos sa akin. Napakunot na lamang ako ng aking noo at walang nagawa kundi sundin ang nais nito. Ngunit mas wais yata ako! Magbibihis ako habang ang makapal na kumot ay nakabalot sa aking katawan. Panay pa ang buga at hugot ko sa aking hininga. Ito ang unang beses na napahiya ako at mas lalo na ang magbihis sa harapan ng nilalang na 'to. Panay ang pagpipigil ko sa aking sarili, huwag lamang ako makairap kay Kanyue. Napanguso ako at hindi maiwasang mapataas ng kilay. Nasa kanya na nga halos lahat ng katangiang hinahanap ng isang babae sa isang lalaki. Ngunit masiyado itong presko at antipatiko. Pabago-bago rin ang ugali nito. Dinaig pa nito ang babaeng may regla o 'di kaya'y kahuli- hulihang regla ng isang matrona. Marami pa itong ayaw at gusto, animo'y parang buntis na naglilihi ng kung anu-ano. Muli akong napabuga ng hangin. Nang maisuot ko lahat ang aking damit ay bahagya akong natigilan. Nahirapan ako sa pagbutones sa aking damit, sa bandang likod nito. Bigla namang tumayo si Kanyue at humakbang palapit sa akin. "Ako na," presinta nito. Ayaw ko man ngunit minabuti kong hayaan na lamang ito dahil aminado naman akong hindi ko kaya ang ikabit ito ng mag-isa. Ikinulong ko ang aking mga buhok sa aking dalawang kamay at itinaas ito upang hindi maging sagabal. Ngunit nang matapos ito sa pagkabit ng mga butones sa aking damit ay bigla nitong dinampian ng halik ang aking batok. Agad na gumapang ang kakaibang kiliti sa aking mga kalamnan. "Hinding-hindi ako magsasawang sambahin ka Hollian," bulong nito sa aking punong-tainga. Buwesit! Ibig ko na yata ang sumabog dahil sa biglaang pag-init ng aking magkabilang pisngi. Maging ang pagkalabog ng aking puso ay biglang bumilis. Oh Kanyue! Ano ba ang ginawa mo sa akin at kung bakit nagkakaganito ako!? Wala akong naisagot kay Kanyue. Hindi ko alam na ganito pala katindi ang pagnanasa niya sa akin. Hindi ko alam kung tama bang magpasalamat ako dahil sa pagiging tapat nito. Gumapang naman ang kamay nito sa aking baywang at pinaharap ako sa kanya. "Huwag kang lalayo sa akin mamaya Hollian," bilin pa niya. Tanging tango lamang ang nasagot ko. Hindi ko mawari sa aking sarili kung nalunok ko ba o naputol ko ang aking dila sa aking biglaang pananahimik. Wala akong masabi! Kinayag naman niya ako hanggang sa tuluyan kaming makalabas ng bahay. Isang Volkswagen na sasakyan ang bumungad sa akin. Agad akong napalapit dito. Ito ang unang beses na makasasakay ako sa isang luma ngunit hindi ito basta lang isang pipitsuging sasakyan. Dahil ang ganitong sasakyan ay nagmamahal ng presyo kapag dinaanan na ng ilang taon. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto at inalalayang makapasok sa loob. "Kaninong sasakyan ito?" tanong ko kay Kanyue nang maupo ito sa aking tabi. "Sa akin at hindi lang ito ang mayroon ako Hollian, higit pa sa inaakala mo." Napanganga man ngunit nag-iwas na lamang ako ng aking tingin at huminga ng malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD