Kabanata 6
Nang makarating ako ay agad din naman
akong bumaba sa aking kabayo at itinali ang lubid nito sa malaking puno ng kahoy.
Napalinga-linga pa ako sa aking paligid. Humakbang pa akong ng limang beses bago ako tuluyang nakaapak sa malaking bato. Agad na natanaw ng mga mata ko si Kanyue na naliligo sa may batis. Nakatalikod ito at walang damit na pang- itaas. Nakatukod sa mga bato ang dalawang kamay nito habang patuloy na rumaragasa sa buong katawan niya ang tubig na nagmumula sa bundok.
Napabuga ako ng hangin dahilan para lumipad ang ilang hibla ng aking buhok na natatakip sa aking mukha. Hindi ko maipagkakaila sa aking sarili na magandang lalaki rin ito. Saktong-sakto ang laki at brusko ng pangangatawan nito. Bumagay din sa kanya ang mahabang buhok, lalo na ang kulay berde nitong mga mata.
Bigla naman itong pumaling paharap kaya agad na nagsalubong ang aming mga mata.
"Ano ang iyong sadya Hollian?" anito at bahagya pang lumayo sa tubig na rumaragasa sa kanyang katawan. Nang hagurin ko ito ng tingin ay agad akong napalunok. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanyang tiyan, pababa sa kanyang puson. Diyos ko! Bakit ba masiyadong pinagpala ang lalaking ito. Daig niya pa ang isang modelo.
Napalunok akong muli at sinalubong ang kanyang pagkakatitig sa akin.
"Iyong tungkol sa alok mo sa akin," panimula ko.
"Ang akala ko ba ay ayaw mo?" Tila yata ay parang nanunuya ito sa akin. Nakuyom ko ang aking mga kamao.
"Apektado at nadadamay ang mga tauhan ko kaya wala akong pagpipilian."
"Ganoon ba? Sige. Agad kong mamanduan si Kaloy para hakutin ang mga gamit mo. Titira ka na sa akin, simula sa araw na ito."
Napaatras ako.
"Agad!?" mangha ko pang reaksyon.
Tinaasan naman nito ako ng kanyang kilay at pilyong ngumiti.
"May angal ka ba ro'n Hollian?"
Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi. "Wala," mariing sagot ko.
Buwesit! Bakit nga ba ako nagrereklamo gayong alam ko namang sa umpisa pa lang ay ito na talaga ang mangyayari.
Tumalikod na ako ngunit biglang may humawak sa aking kanang kamay. Nang pumaling ako sa kanya ay nagitla ako. Paano nakapunta agad sa akin si Kanyue gayong malayo naman ang puwesto nito mula sa akin.
"A-ano k-ka b-ba t-talaga?" nauutal kong
tanong.
"Hulaan mo," hamon pa nito sa akin.
"Puwede ba Kanyue, hindi ako manghuhula!
Ano ka ba talaga? Bakit ba lagi kang sumusulpot gayong kitang-kita ko naman kung gaano ka kalayo sa akin. Hindi ako bulag Kanyue at mas lalong hindi ako mangmang!" Nanginginig ang buo kong kalamnan habang sinasabi ko iyan sa kanya.
"Masiyado kang maraming iniisip Hollian."
Natampal ko ang aking noo at marahas na nagpakawala ng malalim na hininga.
"Aalis na ako," nasabi ko na lamang ngunit maagap ito muli sa paghila sa akin.
"Samahan mo akong maligo," aniya. "Nahihibang ka na ba?"
"Magiging asawa na kita Hollian. Dapat lang siguro na sabayan mo ako," aniya.
Nailing ako. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko mula sa kanya. Padabog ko itong tinabig at bumaba sa malaking bato. Humakbang pa ako ng konti at hinubad ang aking bestida.
Napipilitan man ngunit wala akong magawa. Lumusong ako sa tubig at agad na guminhawa ang aking pakiramdam. Kailangan kong pagtiisan ang mga nais niya, alang-alang sa mga trabahador ko sa aking asyenda. Halos nasa tatlong daan din ang mga tauhang mayroon ako at masakit para sa akin na pati
sila ay madadamay dahil lamang sa kalokohan ng lalaking ito.
Nang pumaling ako kay Kanyue ay nakalusong na ito sa tubig kaya bahagya akong lumayo sa kanya ng konti.
"Hollian," tawag nito sa akin.
"Mahal kita," aniya pero hindi naman nakatingin sa akin.
Natulala ako saglit dahil sa aking narinig.
"M-minahal mo ako sa sandaling panahon lamang?" Napatawa ako.
"Hindi ako naniniwala sa iyo." Napahalakhak naman ito.
"Anong nakatatawa?" inis kong sambit.
"Ikaw. Parang hindi mo naranasang magmahal Hollian. Walang pinipiling oras, araw, linggo, buwan at taon ang isang pagmamahal.
Kusang tumitibok ang puso mo kapag nararapat na sa iyo ang isang tao. At isa pa'y hindi nagkakamali sa pagpili si Luna para sa amin. Takasan mo man ang kapalaran mo'y hahanap at hahanap ito ng pagkakataon, mangyari lang ang nakasaad sa iyong kapalaran."
Hilaw akon napatawa. Tama ito sa kanyang sinabi pero hindi pa rin ako naniniwalang iniibig niya nga ako.
"Hindi tunay na pag-ibig ang nararamdaman mo sa akin kaya tigilan mo ako," utas ko rito.
Lumapit naman ito sa akin kaya muli akong napaatras ngunit hindi ko na makuhang umurong pa ng todo dahil malaking bato na ang mayroon sa aking likuran. Iniharang pa nito sa akin ang kanyang dalawang braso para makulong ako sa pagitan nito.
"Titigan mo ako Hollian at sabihin mo mismo sa aking harapan kung ano ang iyong nakikita."
Bumigat ang aking paghinga at sa pakiramdam ko'y mas lalong lumamig ang tubig sa batis. Nag-iwas ako ng aking paningin ngunit maagap nitong nahawakan ang aking mukha at muling pinaharap sa kanya.
"Sabihin mo sa akin Hollian," utos nito.
Nagitla ako. Sa unang tingin ko sa kanyang mga mata ay kulay pula ito ngunit ng kumurap ako'y naging berde itong muli. Namamalikmata ba ako o hindi?
"Hollian," malumanay nitong untag sa akin.
Napalunok ako. Nakuyom ko ang aking mga kamao. Bakit nakikita ko sa mga mata niya na hindi nga siya nagsisinungaling patungkol sa nararamdaman niya para sa akin.
Itinulak ko siya. "Hindi!"
Laglag naman ang magkabilang balikat nito.
"Itinatanggi ng iyong sarili, maging ang lumalabas sa iyong bibig ngunit kilos mo naman ay taliwas sa iyong mga salita."
Napaawang ang aking mga labi. Ngunit bago ko pa maitikom ang aking bibig at agad nitong akong ginawaran ng isang mapusok na halik. Hindi ako nakagalaw at mas lalong hindi ako nakatugon sa mga halik niya.
Nang hindi pa rin ako tumugon ay kusa itong lumayo at tinalikuran na ako. Umahon na ito at tinungo ang kubo. Nakagat ko ang aking labi.
Tama ba ang aking ginawa sa hindi pagtugon sa halik nito sa akin? Napangiwi ako. Ngunit nagulat lamang ako kaya ganoon ang aking reaksyon.
Sumama kaya ang loob nito? Napaungol ako.
Naiinis ako sa aking sarili. Ang dami kong mga tanong dito sa utak ko kaya lang ay hindi ko naman mailabas lahat. Natampal ko ang aking noo.
Umahon na rin ako at sumunod kay Kanyue sa kubo. Hindi ko alam kung bakit apektado ako pero parang pakiramdam ko ay nagkasala ako dahil sa ginawa ko kanina.
Itinulak ko ang pinto. "Kanyue," tawag ko rito.
Napahinto ako. Abala ito sa pagpupunas ng kanyang sarili at nakapagpalit na rin ito ng damit, maliban na lang sa wala na naman itong suot na damit pang-itaas.
Hindi nito ako kinibo at parang wala ako sa kanyang likuran.
"Kanyue," utas kong muli.
Bahagya niya lang akong nilingon at muli ay sa labas na ng bintana itinuon ang kanyang paningin.
"Magbihis ka na at baka'y magkasakit ka pa," malamig niyang utos sa akin.
Bumuntong-hininga ako. Kinuha ko ang aking damit sa labas at bumalik din naman ako agad sa loob ng kubo.
"Galit ka ba?" alanganin ko pang tanong sa
kanya.
Muli ay hindi niya ako sinagot. May konting kirot kaagad akong naramdaman sa aking kaliwang dibdib. Tila yata ay nagtatampo ito. Hula ko lamang ngunit base sa aking nakikita ay parang ganoon nga at ayaw ko itong kirot na nararamdaman ko sa aking dibdib. Para bang tinutusok ito at hindi ko malaman kung bakit.
Lumakad ako at nahinto sa kanyang harapan. Halata sa kanyang mukha ang pag-iwas at ayaw man lang ako tapunan ng tingin. Nakagat ko ang aking ibabang labi.
Bigla akong hindi na sanay na ganito ang pagtrato niya sa akin. Malamig. Sing lamig ng tubig sa batis. Marahas akong napabuga ng hangin at matapang na tumingkayad upang mahagkan ang kanyang labi. Nagulat ito sa aking ginawa, maging ako ay natauhan din ngunit huli na ako. Agad nitong hinuli ang aking mga labi. Gumalaw ang mga braso nito para yakapin ako at tumugon sa bawat halik na iginawad ko sa kanya. Bigla niya pa akong binuhat dahilan para tuluyan akong makaupo sa kanyang kandungan. Hindi ko man lang namalayan na nakaupo na pala ito sa kamang gawa sa kawayang pinagtagpi-tagpi. Napaungol ako. Sa kabila ng aking utak ay naghuhumiyaw na mali ang aking ginagawa ngunit ang kalahati naman ay mas masiyadong malakas para tuluyan akong magpadala sa bugso ng aking damdamin. Wala akong makapang kaba sa aking sarili, bagkus ito'y naghuhumiyaw ng matinding pag-ayon sa agos.
"Hollian," utas nito sa aking mga labi habang panay yapos sa aking likurang bahagi. Tanging pag-ungol lamang aking naging tugon.
Wala akong masabi at walang kahit anong salita ang gustong umalpas sa aking bibig.
Mas lalo pa itong naging mapusok dahilan para masugatan aking labi. Nagsimula na itong magdugo at nalalasahan ko na ito. Ngunit para kay Kanyue ay parang sarap na sarap pa ito sa kanyang ginagawang paglapastangan sa aking mga labi.
Itinukod ko ang aking mga palad sa kanyang matipunong dibdib at ako na mismo ang kumalas para pahiran ang dumudugo kong labi. Tinabig nito ang aking kamay at muli akong hinagkan. Bumaba ang mga halik nito sa aking leeg at dibdib.
Nagulat pa ako sa biglaang pagpunit nito sa aking panloob na kasuotan. Agad na kumawala ang malulusog kong hinaharap sa kanyang mga mata.
Napaungol akong ng puntiryahin ng kanyang bibig ang aking dalawang korona. Napasinghap ako nang ito'y kanyang kagatin.
"Kanyue!" sambit ko.
Kumapit ako sa kanyang batok at mas lalong idiniin ang kanyang mukha sa aking dibdib.
Gumalaw ang kanang kamay nito para abutin ang aking huling saplot sa katawan. At gaya nga nang ginawa nito kanina at pinunit niya rin ito.
Binuhat naman nito ako ng konti at nang maibaba ako'y laking gulat ko dahil sa isang bayo lang ay agad nitong napasok ang aking hiyas.
Napahiyaw ako at napaluha dahil sa matinding sakit na aking naramdaman. Sa pakiwari ko'y may napunit sa loob ko at aminado akong mahapdi ito.
Dahil sa mabilisang pangyayaring iyon ay hindi ko
maiwasang mapakapit sa kanyang magkabilang balikat dahilan para bumaon ang aking mga kuko sa kanyang likuran. Halos masabunutan ko pa ito nang gumalaw ito ng konti. Mataman nitong hinaplos ang aking baywang at unti-unti nitong iginalaw ang aking balakang. Bahagyang nawala ang sakit sa pagitan ng aking mga hita. Hindi ko man lang napaghandaan ang biglaan niyang pagsugod sa akin. Masiyadong mapusok at agresibo si Kanyue. Hindi ko inakalang ganoon pala ito kalaki. Hindi lang pala ito magandang lalaki, may ibubuga rin palang nakatago.
Iginiya naman nito ako at parang mawawasak na ang higaang gawa sa kawayan.
Konting bayo pa nito ng malakas ay paniguradong matatanggal ang mga pako rito.
"Kanyue," anas ko.
Kusa nang sumabay ang pag-indayog ng aking balakang sa bawat bayo na kanyang
ginagawa. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Parang may kung anong bagay sa loob ko ang sasabog.
"Ahh!" Napasinghap ako.
Patuloy ito sa pagbayo sa akin habang nakaupo ako sa kanyang kandungan paharap. Patuloy lamang ito sa pagsulong hanggang sa tuluyan nang sumabog itong kaloob-looban ko. Narinig ko ang pag-ungol ni Kanyue. Pero laking gulat ko dahil tuluyan ng bumigay ang kamang inuupuan namin.
Napatungo ako at hindi ko maiwasang mapahagikhik.
"Sinira mo ang kama," anito.
Nahampas ko naman ito sa kanyang balikat. "Kasalanan mo iyan!" Ito naman ang
napatawa.
"Hollian," sambit nito kaya agaran kong sinalubong ang kanyang mga mata.
Hinaplos nito ang aking leeg. Bigla namang nagbago ang kulay ng kanyang mga mata. Natulala ako. Namalayan ko na lamang na kagat-kagat na nito ang aking leeg.
Napaliyad at napasinghap ako. "Kanyue," halos pabulong ko ng sambit.
Tuluyan akong napabitaw sa pagkakapit sa kanyang batok dahil sa biglaang panlulumo ng aking katawan. Biglang dumilim ang aking paningin at maging ang pandama ko'y naging walang silbi.