Life is so unfair!
Iyan ang paulit-ulit na sinisigaw ng utak ni Jay Marie habang nagmamaneho ng sasakyan. Pauwi na siya galing sa kanilang family attorney at mahigpit na naman nitong pinapaalala ang kailangan niyang gawin.
"Your uncle is preparing for a conference Hija. The board of directors are starting to asked about who's the real next President and CEO of the Company. Of course, they need to make it sure that their investment are safe and still intact lalo na ngayon na wala na ang mga magulang mo."
"Of course I am the next CEO, attorney!" maagap niyang sagot na may halong inis.
"You'll never know, Ms. De Ramos. Hangga't hindi ka naikakasal ay hindi ka pwedeng humalili sa pwesto ng iyong ama."
"Pero hindi pwedeng basta nalang ipamigay kay uncle ang pinaghirapan ng pamilya ko." she hissed. Kilala niya ang ucle Sebastian niyang iyon, matagal na itong may inggit sa papa niya kaya hindi malayong gustong-gusto nito ang nangyari sa mga magulang.
"Then get marry. That's all we could do right now, Marie."
Napailing nalang siya ng maalala ang pinag-usapan nilang iyon. Nagsimula na naman siyang tubuan ng stress sa katawan at ayaw niya ng ganon. Nang dumaan siya sa intersection ay saktong pula ang kulay ng traffic light. Kinuha niya ang red lipstick sa dashboard ng sasakyan at nagpahid niyon sa labi. Naisipan niyang ayaw niya pala munang umuwi, gusto niyang magpunta sa isang bar at pawiin ang lungkot na nararamdaman ngayon. She's f*****g lonely and all alone! Walang kapatid, walang magulang at walang masasandalan.
Bago paman nagpalit ng kulay ang traffic ay tapos na siya. Pinaandar niya ulit ang sasakyan at nagtungo sa isang Bar. Kailan nga ba ang huli niyang punta sa ganitong lugar? Hindi na niya maalala. Maybe in her teenage years at isang beses lang iyon dahil nayaya lang siya ng mga ka-klase niya sa college.
All her life she's been a very good girl. At ngayon niya pinagsisihan kung bakit hindi man lang niya nagawang pagbigyan ang sarili de sana ay nagkaroon man lang siya ng landi sa katawan at hindi na siya nahirapan humanap ngayon ng mapapangasawa.
Pagdating sa bar ay halos punuan na iyon. Alas dyes palang naman ng gabi pero buhay na buhay ang dugo ng mga taong nandoon. There were bunch of people in the dancefloor. May naghahalikan, may nagsasayaw sa saliw ng musika. Meron din sumasabay lang ang galaw sa iba't-ibang ilaw na ibabaw nila. Meron ding mga nakaupo lang sa gilid na gusto lang atang uminom. The pleace was nice and seemed decent. Halatang mga mayayaman ang mga nagpupunta doon.
Naupo si Jay Marie sa isang high chair malapit sa bar counter.
"Tequila please.." aniya. Nakaharap siya sa dance floor kaya hindi niya nakita ang bartender na nag serve ng alak niya.
Inilang lagok lang iyon ni Marie at nanghingi pa ulit ng isa, ng isa pa ulit at isa pa ulit hanggang sa hindi na niya mabilang kung nakailang shots na siya. Mga ilang oras din siyang nakaupo at ramdam na niya ang pag-ikot ng kanyang mundo. Nangingiti na rin siyang mag-isa at napapaindak na sa kinauupuan.
"I need more please." s**t. Wala naman siyang balak maglasing pero bakit ang sarap ng alak ngayon?
"Lasing na po kayo." anang bartender. Pamilyar ang boses nito at hindi niya maalala kung saan niya narinig.
"What? Bigyan mo pa ako ng isa, magbabayad ako." sikmat niya at pilit inaaninag ang mukha ng lalaking pakialamero. Pero dahil medyo madilim at hindi nakakatulong ang nagsasayaw na ilaw ay hindi niya mabistahan ng maayos ang mukha ng lalaki. Ang alam niya ay matangkad ito at masarap ang katawan.
Wait, did she just say, masarap? Lasing na nga yata siya.
"Wala po kayong kasama, ma'am. Baka po mapano kayo."
"I can manage. Who are you?" Naniningkit ang mata niyang tanong.
"Lasing ka na nga," napailing pang wika nito.
"Im not! Kaya ko pa. Bigyan mo pa ako bilis."
Binigyan nga siya nito kaya napangiti siya ng malapad. Namumungay ang mata niya habang nakatingin sa lalaki.
"Pst, Maganda ba ako?"
Shit Marie! What are you doing?
"Sobra ma'am." sagot naman nito. Ang sarap pakinggan ng boses ng lalaki.
"Sexy naman ako diba?" hinawakan pa niya ang dalawang dibdib at yumuko para makita nito ng bahagya ang cleavage niya. Matagal bago ito nakasagot. Kitang-kita niya kung paano umawang ang labi nito sa ginawa niya..
"Wala kang kasama tapos naglalasing ka." sa halip ay turan nito.
"Edi samahan mo ako." agaran niyang sagot. Gusto niya ng kausap! Bakit ba? Ngayon lang siya nawala sa sarili at sandali niya munang kakalimutan ang Jay Marie na nakasanayan ng lahat.
"Nagta-trabaho po ako."
"Trabaho? May trabaho akong i-aalok sayo. Gusto mo?"
"Anong trabaho?"
"Maging asawa ko!" aniya kasabay ng pagtawa niya ng malakas. Humahalo ang boses niya sa malakas na tugtog pero alam niyang narinig iyon ng kausap.
Napailing lang ito na inakalang lasing lang siya at hindi seryoso. Kahit nga siya mismo ay hindi maintindihan ang sarili.
"Asawa hanap mo?"
"Oo nga. Gusto mo mag apply?" nababaliw niyang tanong.
"Oo ba. Magkano sweldo?" anito, parang naaliw na rin sa kanya. Doon lang din niya nakita ng maayos ang pagmumukha ng lalaki at bahagyang napalaki ang mata niya ng makilala ito.
Ito iyong lalaki sa CASA! Wow ha! Mekaniko sa umaga at bartender sa gabi! Hindi bagay dito ang trabaho dahil masyado itong gwapo at pansinin. Kaya pala andami niyang katabing babae mula pa kanina. Nagpapa cute ang mga ito sa bartender na kulang nalang ay hilahin ng mga ito ang lalaki at mag lap dance sa harap nito. Ito yata ang pinaka gwapong mukha sa loob ng bar na iyon. Mas mukha kasi itong modelo lalo na dahil maganda ang hulma ng mga maskel nito sa katawan at braso. Ang itim na sando nitong suot ay hindi naman nakatulong upang matakpan ang mga iyon dahil hatalang nabusog ang mata ng kababaihan. Including Her!
"Malaki! Malaki ako magpasweldo!" nakangisi niyang sagot. Wala na talaga siya sarili dahil kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig niya.
"Sige ba." sagot nito agad kaya napangisi siya. Wala siyang pakialam kahit masama ang tingin sa kanya ng mga babae sa tabi nila.
"Ikaw iyong lalaki sa Casa, diba?" lasing niyang tanong.
"Ako nga, ma'am. Rogue at your service." malalim ang boses nitong sagot.
"Yeah right. My soon to be husband is hardworking!" nahampas pa niya ang matigas nitong braso habang natatawa kahit wala naman talagang nakakatawa.
Ang tigas ng braso, ugh!
Muli siyang uminom at tinitigan ang lalaki. Ilang sandali pa ay naduduwal na siya! Mabilis siyang tumayo at hinanap ang restroom at kahit kanda-buwal siya sa paglalakad ay nawalan siya ng pakialam. Muntik pa nga siyang masubsob sa sahig kung hindi lang siya nahawakan ng kung sino..
"Tsk! Hindi ka talaga dapat naglalasing sa ganitong lugar." boses ng bartender ang narinig niya kaya mapungay niya itong tinitingnan.
"Oh, you're so sweet.Take me to the restroom please.."
Dinala nga siya nito sa restroom at ipinasok sa isang cubicle. Pagdating doon ay nawala na ang pagduduwal niya pero naiihi siya! Dalawa sila sa loob ng cubicle dahil hawak parin siya nito ng mahigpit sa braso sa takot na bigla nalang siyang sumadsad sa sahig. At dahil sobrang tangkad nito at malaking tao ay nagiging maliit ang espasyo sa loob ng cubicle.
Walang pakialam na itinaas niya ang suot na skirt at ibinababa ang panty. Nakita niya ang pag-iwas ng tingin ng lalaki kaya napangisi siya.
"Tang-ina." narinig niyang mahinang mura nito.
"Hold my bag, please.." kinuha naman nito iyon nang hindi tumitingin sa kanya. Magkaharap lang sila habang nakatayo ito sa tabi niya.
Pagkatapos niyang umihi ay kinuha niya ang wet tissue sa bag na hawak nito at nagpunas ng flower niya. Ang problema lang ay hindi na niya kayang itaas ang panty dahil hilong-hilo na siya!
"C-can you..help me?"
"Ano?"
"Itaas mo please.."
"Ang ano?" bahagya lang itong lumingon sa kanya habang may pawis ang noo.
"Ang panty ko hindi ko kayang itaas..Shit I'm so drunk."
"Pasalamat ka at hindi ibang lalaki ang kasama mo, kung hindi baka na rape ka ng wala sa oras." bigla nitong turan kapagkuwan ay dumukwang ito payuko at mabilis na itinaas ang panty niya. Walang kahirap-hirap. Lace ang suot niya at sobrang nipis lang niyon.
Naririnig niya kung ilang beses itong nagmura at namumula ang tenga nito. Nang malakabas sila ay bumalik sila sa pwesto niya kanina.
"Dito ka lang muna ma'am. Hintayin mo ako at mag e-early out ako." turan nito sa kanya.
Tumango naman siya dahil wala na siya sa huwisyo magsalita. Nasusuka na naman siya.
Hindi niya alam kung bakit sa mga oras na iyon ay wala siyang nakapang kaba sa dibdib at nagtiwala nalang sa lalaki. Lumabas sila ng bar habang hawak-hawak siya nito.
"Saan ka ba nakatira ma'am? Ihahatid na kita."
"My car is there." tinuro niya ang sasakyan kung saan niya iyon pinarking kanina.
Nagtungo naman sila doon at inalalayan siya nitong makasakay. Ito ang nasa driver seat at nasa tabi siya nito.
"Ma'am?" tawag nito sa kanya.
"Hmm?"
"Saan ko ho kayo ihahatid?"
"Bakit ang gwapo mo?" sa halip ay tanong niya. Sobrang bango nito..
Bahagya niyang ibinukas ang mata at tiningnan ang hitsura ng lalaki. Walang pagbabago sa mukha nito mula nang una niyang makita sa Casa, ang pagkakaiba lang ay ang madumi nitong kamay noon na puno ng grasa. Pero ang pilyo sa mukha nito ay nandoon parin.
Para itong foreigner na napadpad lang sa pilipinas. Matangos ang ilong at pamatay ang panga..Nang dumako ang tingin niya sa labi ng lalaki ay napalunok si Marie.
Those lips are inviting her!
At dahil wala siya sa katinuan ay dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa lalaki at walang pasabing hinalikan ito sa labi!