Nagising si Jay Marie na tila pinupokpok ng martilyo ang kanyang ulo. Sobrang bigat din ng kanyang pakiramdam na para bang may nakadagan sa kanya na malaking bato. Bahagya siyang uminat mula sa kinahihigaan at unti-unti lumingon sa paligid.
The walls, the painting above her headboard, her huge window. Lahat ng iyon ay hindi niya nakita. Wait-
Where is she? Oh God! Napabalikwas siya ng bangon sa matigas na kama!
Halos manluwa ang dalawang mata ni Marie nang matitigan ang kabuoan ng kwartong kinaroroonan niya. Mula sa puting kisame na may mga cobwebs na nakadikit. Sa wall na walang ibang nakalagay kundi ang wallfan na bumubuga ng hangin sa kanya sa mga oras na iyon.
"Where the f**k am I?" bulong niya na nanlalamig na kamay.
Sa unti-unti niyang paglingon ay natulos si Marie sa kinauupuan.
There she saw a man! Nakatalikod ito sa gawi niya habang nakadapa kaya ang malapad na likod lang ang nakikita niya!
"Holy s**t! f**k! oh my God!" Halos masambit na niya ang lahat ng mura pero hindi parin siya makapaniwala sa nakikita niya.
Did she just slept with a stranger?
Nasobraan ba siya ng inom at bigla nalang siyang sumama sa kung sino? Gusto niya lang sanang uminom sa bar at kalimutan sandali ang problema niya pero bakit napunta siya sa ganitong sitwasyon?
Sa naisip ay bigla niyang nasabunutan ang buhok. Doon lang din niya napansin na tila wala siyang suot na damit! Ang kulay puting kumot na nakatabon sa kanyang katawan at ang kumot na nakatabon sa bandang pwet ng lalaking nakatalikod ay iisa! Ilang beses ulit siyang nagmura bago tingnan ang ilalom ng kumot.
And confirmed. She's naked inside the blanket with her only panties on! Kinikilabutan na napasigaw siya bigla!
"Heeeelpp! Oh my God!" Malakas niyang tili dahilan upang biglang bumalikwas ng bangon ang katabi niyang lalaki.
"May sunog?! Nasaan!??" tila wala pa ito sa sarili dahil sabog ang malambot nitong buhok.
Hindi na siya nag-isip at bigla nalang niyang hinablot ang unan sa tabi at ibinato sa lalaki! Muli siyang sumigaw ng malakas nang makita niya ang malaking umbok sa suot nitong manipis na boxers short na tila ba babarilin siya anumang oras!
"You raped me! You pervert! I will sue you! You raped me!" sigaw niya na tila nagwawala. Gusto niyang kalmutin ang mukha nito pero natatakot siyang baka makita ang katawan niya kapag kumilos pa siya lalo.
"Hala! Ikaw nga itong nanghalik sa akin kagabi!" ganting sigaw ng lalaki kaya bigla siyang napatigil. Doon lang din niya nakita ng maayos ang mukha nito. Ito ang lalaki sa CASA at ang lalaking bartender kagabi.
"W-what did you say?"
"Ikaw. Ikaw ang nang raped sa'kin kagabi." nakangising aso pa nitong turan. Walang pakialam kahit wala itong suot na damit at nakabalandara sa harap niya ang malaki nitong katawan.
"Liar! Hindi ko magagawa iyon!"
"Ma'am may ebidensya ako na ikaw ang nanghalik sa akin kagabi." napakamot ito sa leeg kaya nag flex ang macho nitong braso at malaking muscle. Napasunod siya ng tingin doon ngunit agad ding binawi.
This man is your rapist, Marie! What the f**k are you thinking!?
Maya-maya ay may kinuha ito sa gilid ng kama at ibinigay sa kanya. Cellphone yata iyon ng lalaki.
"Tingnan mo iyan! Buti nalang talaga at naisipan kong magvedio." napailing nitong turan. Atubili niyang inabot ang cellphone sa kamay nito.
And to her horror, the vedio was really her! At tila may kung anong sumipa sa kanya mula sa kung saan nang makita ang sarili na hinahalikan ang lalaki. Nasa loob pa sila ng kotse niya habang ito ang nasa drivers seat.
"Oh C'mon, kiss me back."
"You said Im beautiful right? I want you to kiss me."
Nang mga sandaling iyon ay gusto nalang lumubog ni Marie sa ilalim ng lupa. Kitang-kita sa vedio na siya ang naunang humalik at halos malunod ang labi nito sa halik niya.
"Kita mo na? Wala akong kasalanan." ngumiti pa ito sa kanya na tila naaliw sa nakikitang pagkatulala niya.
"D-did we..Did we, uhm.."
"Ano?"
"Did w-we have s*x last night?" halos ayaw pang lumabas niyon sa kanyang bibig pero kailangan niyang malaman!
"Ano sa tingin mo?" napataas ang isang kilay nito.
"Just f*****g answer me!" gigil niyang turan pero tinawanan lang siya ng lalaki.
Wala siyang naalala ni isa man sa ginawa niya kagabi. Ni hindi niya alam kung bakit siya napadpad sa kwarto nito. ang huli niyang naalala ay nanghihingi siya ng alak sa bartender pero ayaw siyang bigyan.
"Hindi mo maalala? Kinalmot mo na ako't lahat kagabi, sumakit pa iyong katawan ko dahil sobrang wild mo pero hindi mo pala naalala." pilyo nitong pagkakasabi kaya mas lalo siyang nanlumo. Lalo na at nakita niya ang sinasabi nitong kalmot niya sa leeg at bandang dibdib ng lalaki!
"Oh God..So, we did it?"
Hindi pa nga niya natatapos ang isa niyang problema ay nadagdagan na naman ng isa. Ang ikinakatakot niya ay baka bigla siyang mabuntis! s**t!
"Did you used uhmm.."
"Ano na naman, ma'am?"
"Alam mo na yon! Gumamit ka ba?" medyo napalakas niyang tanong. Parang may mga kabayong nagtatakbuhan sa kanyang dibdib habang hinihintay ang sagot nito.
"Tapusin mo kasi, Ma'am."
"Don't s**t on me! C-condom! Gumamit ka ba ng condom?" pinanlakihan niya ito ng mata.
Kahit pa sobrang gwapo nito, sobrang tangkad at matipuno ay wala parin sa plano niya ang magpabuntis ng biglaan! Asawa lang ang hinahanap niya sa ngayon hindi anak.
At nang umiling ang lalaki ay nalaglag ang panga ni Jay Marie. Samantalang ang lalaki ay walang pakialam na tumayo. Mas lalo tuloy nadepina ang matipuno nitong katawan. Sobrang sexy tingnan ng tattoo nito sa kabilang braso paakyat sa leeg nito. Pati ang pwet nito ay mas humulma sa suot nitong boxers.
Napalunok si Marie at nag-iwas ng tingin.
"H-hindi ka ba talaga gumamit? Bakit?"
Hindi ba uso dito ang safe s*x? Malamang sa hitsura nito ay hindi malabong sanay ito sa iba't-ibang babae. Kahit pa nga wala itong gawin ay siguradong maraming babae ang didikit dito.
Nang lumingon ito sa kanya ay nasalo niya ang pilyo nitong mga mata.
"Hindi ko na din maalala, your honor." anito, bago pumasok sa maliit na pinto sa kabilang parte ng kwarto. Naiwan si Marie na natememe.
Shit.
Hindi siya siniseryoso ng lalaki kaya mas lalo siyang nainis. Napatili siya sa kama kapagkuwan ay kinalma ang sarili.
"Okay, relax Marie..This is not really you. Kailangan mo nang makaalis dito.This is a mistake." kausap niya sa sarili na parang tanga.
Pinakiramdaman niya ang sariling katawan. Bukod sa masakit na ulo ay walang masakit sa kanya. Kahit ang gitnang hita ay wala din. Tila ba walang bakas na galing siya sa matinding digmaan kagabi.
Naisip niya na baka maliit lang ang kaibigan nito sa baba kaya wala siyang sakit na naramdaman pero alam niyang imposible iyon. Kitang-kita niya kanina kung gaano iyon kahaba! Kapag iyon naipasok sa flower niya ay para lang naman siyang kinagat ng dinosaur!
Nasa ganoon siyang posisyon nang muling lumabas ang lalaki. Basa ang mukha nito at leeg. May suot na din itong jersey short pero wala paring pang-itaas na damit.
"Nasaan ang mga damit ko?" mahina na ang boses niya sa mga oras na iyon. Hindi makakatulong kung sisigaw pa ulit siya. Total ay kasalanan niya ang nangyari. Kung hindi siya naglasing edi wala siya ngayon dito.
Lumapit si Rogue sa isang plastic na lalagyan ng damit. Humugot ito ng white T-shirt at ibinigay sa kanya.
"Oh, basa ang damit mo kaya ito muna ang isuot mo."
"No!"
"Edi uuwi kang nakahubad, ma'am? Okay sige." akmang babawiin nito ang damit nang hinablot niya ulit iyon.
Ang totoo ay mabango at malinis ang damit. Kahit ang kama, unan at kumot ay mabango. Ang buong kwarto bagamat hindi ganoon kalinis dahil may mga damit na nakasabit malapit sa pinto ay hindi rin naman madumi tingnan.
Akmang tatayo siya dala ang kumot na kulay puti nang magsalita ulit ito.
"Walang nangyari kagabi, ma'am. Hindi kasi ako nakikipagsex sa babaeng lasing." pahayag nito kaya napatigil siya bigla.
"B-bakit wala akong damit?"
"Dahil nasukaan mo kagabi. Pati nga ako sinukahan mo eh."
"So hinubaran mo ako?!" namumula ang mukha niyang tanong.
"Malamang. Pero huwag kang mag-alala hindi ako tumingin, ma'am." seryoso nitong sabi pero hindi nito pwedeng itanggi ang kislap ng kapilyuhan sa labi at mata nito.
"Bakit mo ako dinala dito?" naniningkit ang mata niyang wika.
"Eh kasi ma'am, ilang beses kitang tinanong kung saan kita ihahatid pero wala, plakda ka na. Kailangan ko nang makauwi kagabi kaya dinala nalang kita dito sa bahay ko." paliwanag nito.
Hindi alam ni Jay Marie kung makakahinga siya ng maluwag o manghihinayang sa kaalamang walang nangyari sa kanila.
What are you talking about, Jay Marie?! Kanina lang ay halos tumagos sa bubong ang sigaw mo sa pag-aakalang pinagsamantalahan ka! sigaw ng isip niya.
Ipinilig niya ang ulo at tumingin sa lalaki. Naalala niya ang pangalan na binanggit nito kagabi;
Rogue..
Bagay na bagay ang pangalan ng damuho sa katauhan nito.
Nakatalikod na ito sa gawi niya at tila may hinahanap sa plastic na drawer. Nang lumingon ito sa kanya ay kinindatan siya ng lalaki dahilan kaya agad siyang nag-iwas ng tingin at humakbang na patungo sa banyo.
Hindi lang ata mukha niya ang namula, kundi pati buong katawan!