CHAPTER 1

1772 Words
The loud click of heels echoed through the hallway of De Ramos Manufacturing Incorporated. Kasabay niyon ay ang pagtahimik ng mga empleyadong naglalakad din ng mga oras na iyon na parang takot ang mga ito nang makita siyang paparating. Jay Marie roled her eyes and continued walking with grace and confident towards the elevator. Sanay na siya sa ganoon sa totoo lang. Sa ilang taon niya bilang COO ng companya ng mga magulang ay ilag ang mga empleyado sa kanya. Siguro ay dahil nakikita siya ng mga tao sa paraan kung paano niya dalhin ang sarili and maybe the fact that she's the only daughter of the owner of the company. She's very perfectionist, independent and strict. Ganoon siya pinakalaki ng mga magulang kaya't normal lang para sa kanya ang mga ugaling iyon. And now that she's alone, mas lalo yata siyang naging aloof sa paningin ng iba to the point na akala ng mga ito ay bigla nalang siyang magagalit kahit wala namang rason. Two months had past since her parents died in that accident, na tila kahapon lang iyon nangyari dahil sobrang sakit parin para sa kanya. Dagdag pa ang iniwan ng mga itong problema- Yes, problema ang turing niya sa sinabi ng abogado sa last will ang testament. And she doesn't know how to solve that problem until now. Sumasakit lang ang ulo niya kapag naiisip kung saan siya hahanap ng pakakasalan. As if she would settle for whoever she could marry fast! Baka bigla nalang siyang e-salvage ng taong iyon dahil hindi na siya magkakaroon ng pagkakataong kilalanin pa ito. And infact, she only has three month left because she's been burrying herself with work for the entire month. Napabuga siya ng hangin at tumuwid ng tayo. Saktong bumukas ang elevator tanda na nasa tamang floor na ng opisina niya. Walang lingon siyang nagkalad palabas at deretsong pumasok sa kanyang opisina. Nasa labas niyon ang kanyang sekretarya na si Hanna kaya alam niyang malinis na sa loob. Ang tumatayong acting CEO ngayon ay ang nag-iisa niyang kamag-anak kaya hindi niya pwedeng pabayaan nalang basta na angkinin nito ang pinaghirapan ng pamilya niya. Ngayon pa na mukhang ini-enjoy na nito ang posisyon. Napahilot siya ng sentido nang makaupo sa swivel chair. Umaga palang ay hindi na maganda ang simula ng araw niya sa mga naiisip. Napaangat lang si Marie ng mukha nang sumilip sa pinto niya si Hanna, her twenty four year old secretary. "Ma'am, nasa Casa na raw po ang kotse ninyo sabi ni kuya Doming." Ang kotse na tinutukoy nito ay ang Honda Civic niya. She was driving the car yesterday when it suddenly stop in the middle of the highway. Mabuti nalang at agad niyang natawagan si kuya Doming bago paman siya abutan ng dilim sa daan. That car was her father's gift on her college graduation. Isa sa rason kung bakit hirap siyang i-let go ang sasakyan kahit medyo matagal na. "Nasa CASA pa? I thought, tapos na iyon kanina pa at nasa parking na?" umangat ang isa niyang kilay nang magsalita. Napakamot naman agad sa kilay ang sekretarya na halatang kinakabahan. "E-eh, kasi ma'am, hindi po pumasok si kuya Doming dahil nagkasakit daw po ang apo niya." mahina nitong sagot. Si kuya Doming ang driver ng papa niya noong nabubuhay pa ito. "At sinong kukuha ng kotse ko sa Casa?" aniya. "Pwedeng ako-" "Nevermind, Ako nalang ang kukuha mamaya. Please pakitawagan nalang." putol niya sa nais pa sana nitong sabihin. Wala naman siyang gagawin mamayang lunch at ayaw niyang magmukmok. "S-sige po maam, Okay po." mabilis na tumalilis palabas si Hanna. Nang mapag-isa ay huminga siya ng malalim at ginawa ang mga tambak na trabaho sa mesa. Sa sobrang seryosos niya ay hindi na niya namalayan ang oras. Alas 12 na nang maisipan niyang lumabas para kumain at kunin na rin ang kotse niya. Pwede naman niyang utusan si Hanna na ibili siya ng lunch pero dahil malapit lang sa paborito niyang resto ang Casa kung saan ang pinapaayos niyang sasakyan ay siya nalang ang gagawa. Wearing her usual stoic aura, naglakad siya sa lobby ng kompanya na parang pamamay-ari niya ang buong lugar; well soon, she will. Kung paano niya iyon gagawin ay bahala na. Nang makalabas ay agad siyang sumakay sa grab na pina-book niya kay Hanna. It was a fifteen minutes drive away from the company kaya mabilis agad siyang nakarating. Sa labas ay may nakalagay sa ibabaw na "Montes Dealership and Service Center. As she expected there are many cars outside. Ang iba ay mukhang tapos nang ayusin ang iba naman ay mukhang hindi pa. Papasok palang ay may babae nang sumalubong sa kanya. Sa kanyang tantya ay magka edad lang sila nito. "Good day, Ma'am. Magpapaayos ho ba kayo ng sasakyan?" Anang babae. Nakasuot ito ng puting tuck in polo. Hindi madumi ang kamay so she assumed na hindi ito ang mekaniko. "No, Kukunin ko na sana. Is my car already fixed?" "Ay sayo ho ba iyong honda Civic kahapon na pula? Mukhang patapos na po, ma'am. Tini-testing na ni Rogue. Pasok muna kayo." Hindi niya kilala kung sinong Rogue ang tinutukoy nito kaya nagkibit siya ng balikat at sumunod sa babae. Sa loob at may tatlong sasakyan ang nakahilera kasali doon ang kanyang Honda Civic na mukhang tapos na nga dahil mukhang maayos na. "Ma'am upo po muna kayo. Si Rogue po kasi ang maglalabas ng sasakyan dahil absent ho ang isa naming tauhan." ani sa kanya ng babae habang minumuwestra ang pahabang upuan sa gilid. Tumango lang siya at hindi nagsalita pa.Tahimik lang niyang inilibot ang mata at bahagyang nagdalawang isip kung uupo sa sofa. Mukha naman iyong malinis pero hindi parin siya sigurado. Her white hermes skirt and her valenciaga shoes are so expensive para lang madumihan sa talyer! So she remained standing there. "Rogue, nandito na iyong may-ari ng Honda. Kukunin na daw iyong sasakyan." Napaling ang tingin niya sa kausap ng babae. Nakatalikod ito sa kanya dahil may kung anong kinakalikot sa isang sasakyan. Likod lang nito ang nakikita ni Marie kaya hindi niya nabistahan ang mukha. Malapad na likod at halatang batak ang katawan, matangkad din ito kahit nakaupo dahil halos magpantay na sila noong babae kanina. "Malapit na 'to." maikli lang nitong sagot. Medyo nagulat pa siya dahil sobrang lalim ng boses ang nagsalita. "At Rogue, pagkatapos mo diyan pwede ka nang kumain. Pinadalhan ka ni nanay ng paborito mo kasi hindi ka raw sumipot sa birthday niya." "Sige, Des Salamat." sagot nito ulit sa sobrang lalim na boses. "At makikisabay na rin ako ah, wala kasi akong kasamang kumain, Rogue." maliit ang boses nitong sabi na parang pinipigilan lang kiligin. "Ikaw ang bahala, Des." muli ay maikli nitong sagot. Napataas ang kilay niya sa narinig na usapan ng dalawa. Tinitigan din niya ang babae na nakatitig sa lalaking nakatalikod. She's smiling from ear to ear at nagniningning ang mata nito habang hindi maalis ang tingin sa lalaki. Mga ilang segundo pa bago ito tumalikod at pumasok sa nag iisang pinto na naroon. Tuloy ay nagkaroon siya ng interest na makita ang pagmumukha ng lalaki. Gosh, Why is she suddenly curious about someone's lovelife? Inayos nalang niya ang pagkakatayo at huminga ng malalim. Hindi nga pala siya dapat magtagal dahil may babalikan pa siyang trabaho. At hindi pa siya kumakain! Kung alam lang niya na maghihintay pa siya ng ilang minuto eh di sana kumain muna siya kanina. "Matagal pa ba 'yan?" hindi niya itinago ang bahagyang inip sa boses ng tanungin ang lalaking nakatalikod. Busy parin ito sa kung ano mang ginagawa pero bahagya itong lumingon sa kanya. She's busy as hell at hindi siya dapat pinaghihintay- "Tapos na po ma'am. Pasensya na." Kunot ang noo nitong sabi. Tila sandali din itong natigilan sa kanya pero napalitan din agad iyon ng pilyong emosyon. Naputol ang litanya niya sa isip ng humarap ito sa kanya. "W-what? I mean.. Yeah, that's good." Really Marie? Anong nangyayari sayo? This man could pass as a runway model! Bakit may nagtatagong ganitong mukha sa talyer na ito? Kahit pa nakasuot ang lalaki ng rugged jeans at mucle tee na damit ay hindi maipagkakaila ang lakas ng dating nito na sa kabila ng madumi nitong kamay ay hindi man lang nabawasan iyon. He has this aura that can make anyone stop and stare at him for how long she don't know. Pati ang may kahabaan nitong buhok ay bumagay sa pangahan nitong mukha. May kamukha din itong Hollywood na sa ngayon ay nakalimutan niya ang pangalan. Kaya pala halos himatayin ang babae kanina. "Ma'am? Ma'am?" "What?" Parang wala sa sarili niyang sabi. "Ang sabi ko ay tumabi muna kayo para mailabas ko ang sasakyan ninyo. Alam kong gwapo ho ako pero pwede mamaya mo na ako titigan." Doon siya parang nagising at namumula ang mukha na napatingin sa lalaki. "What are you talking about?" Masungit niyang tanong. Hindi niya pinahalatang napahiya siya sa harap nito. Oh my God, Marie! Sa dami ng lalaking gwapo na nagpapalipad ng hangin sayo ay sa isang 'to kapa natulala! "Kung makatingin kasi kayo parang hinuhubaran mo na ako." Nakangisi pa na nitong sagot na para bang normal lang na sabihin iyon. Parang may kung anong umusok sa loob niya. "Excuse me?!" "Biro lang ma'am.Sobrang seryoso mo kasi. Sayang ang ganda kaya lang masungit." medyo mahina ang pagkakasabu nito sa huli. Napaismid siya at sinamaan ito ng tingin. Binabawi na niya ang sinabi kaninang gwapo ang lalaki dahil sobrang yabang nito. Nang makasakay ito sa kanyang sasakyan ay nandoon parin ang pilyo nitong ngiti. Samantalang si Marie ay hindi parin makapaniwalang natulala siya sa lalaking nag-ayos ng sasakyan niya. "Oks na ma'am. Pwede mo na ulit sakyan." anito sabay tapik sa hood ng sasakyan niya. Humugot naman siya ng pera sa bag at binigay sa lalaki ngunit imbis na tanggapin ay tumingin lang ito sa kamay niyang may hawak na pera. "This is your bunos. Tanggapin mo na." "Bayad na ho ang sasakyan ninyo, ma'am." "I know. I just want to give it to you..Pangkain or kahit pang date mo sa jowa mo." naalala niya ang babae kanina na halatang patay na patay sa lalaking ito. "Hindi na ma'am..Next time nalang." Tumaas ang isang kilay niya. "There will be no next time." masungit niyang saad. "Malay mo masira ulit tong sasakyan mo." "You wish." agaran niyang sagot ngunit muli itong ngumisi. "Salamat nalang ma'am pero kung pwede ibang bunos nalang ang hilingin ko." Bahagya siyang napakunot ng noo sa sinabi nito. "What?" "Ngiti mo ma'am. Ngumiti ka para mas lalo kang gumanda." anito bago siya iwan at tuluyang pumasok muli sa CASA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD