JAY MARIE DE RAMOS-
"WALA NA BA TALAGANG IBANG PARAAN ATTORNEY?"
Kung bibilangin ay sampung beses na sigurong naitanong iyon ni Jay Marie sa kanilang family attorney. Sumasakit na ang ulo niya at gusto niyang magluksa ng tahimik pero heto siya at hinaharap ang problemang iniwan ng mga magulang.
Para sa kanya ay problemang maituturing ang iniwan ng mga ito. Gusto niya tuloy itanong kung bakit siya pinapahirapan ng mga magulang gayong nag-iisa naman siyang anak.
Napakuyom siya ng kamao nang umiling ang abogado. Parang sinasabi na rin nito na wala na siyang magagawa pa para baguhan ang testamento.
"These was written before your parents died in that accident, Marie. Nagkataon lang na biglaan ang kanilang pagkawala kaya kailangan kong sabihin sa'yo ang lahat ng ito dahil may mga kondisyon ang testamento kapag hindi mo nagawa ang nakasaad." seryoso nitong bigkas na hindi mababakasan ng kahit kaunting biro.
Mas lalo siyang nanlumo sa narinig. Napaupo nalang si Marie habang iniisip kung bakit bigla siyang napunta sa ganitong sitwasyon. Her parents died in an accident a month ago. Nag-iisa siyang anak kaya walang ibang magmamana sa kompanyang tinatag nito kundi siya. Atleast that's what she thought, before she came here.
Ngunit parang bomba ang dating sa kanya ng last will and testament na iniwan ng mga magulang sa kanilang abogado na si Attorney Felipe Teodoro. Ayon sa nakasulat ay kailangan niyang mag-asawa bago sumapit ang kanyang ika 30th birthday niya makuha ang kompanya pati ang mga properties na iniwan ng mga magulang.
"You need to do everything that has written in these documents or else, the company will go to your uncle. Dahil bukod sa'yo ay siya ang pwedeng humalili sa pwesto ng kompanya. Isa din siya sa pinagkakatiwalaan ng mga magulang mo."
"But I'm their only daughter! Ilang taon akong naging COO ng kompanya at binuhos ko lahat ng talino at pagod ko para doon. But how come they're leaving me hanging like this?" hindi niya napigilang tumaas ang boses dahil sa labis na emosyon. Bago siya nagpunta ay inaasahan na niyang sa kanya lahat mapupunta ang iniwan ng mga magulang dahil nag-iisa siyang anak.
Isa pa, buong buhay niya ay naging mabuti siyang anak sa mga magulang. Lahat ng mga kagustuhan ng mga ito ay sinusunod niya..
"You have a choice, hija. Gawin mo ang lahat ng nakasaad at mapupunta sa'yo ang kompanya. Get marry fast until your time is up. Besides, you're almost leaving the peak of your life. Gusto lang ng mga magulang mo na may katuwang ka sa buhay at hindi ka nag-iisa."
"That's bullshit." iiling-iling na wika niya.
She's Jay Marie De Ramos. Nabuhay na walang lalaki sa halos sampung taon. Ni wala siyang boyfriend kaya impossibleng makakahanap siya ng asawa sa maikling panahon. Pihikan siya sa lalaki at maarte siya sa mayayabang. She dated before, but that was 10 years ago and she never did it again.
Para sa kanya ay masaya siyang nag-iisa. Ayaw niyang maging komplikado ang buhay dahil lang sa isang lalaki. Men are dominant. Gusto ng mga ito na palaging nasusunod sa lahat ng bagay at ayaw niya ng gan'on. She's an independent woman and beautiful. Hindi iikot ang buhay niya para sa isang tao dahil may sarili siyang buhay at desisyon.
"You have 4 months, hija. Ilang buwan nalang ay kaarawan mo na. Get marry and have a family. Kung hindi, bahay mo lang ang maiiwan sa pangalan mo at ang isang sasakyan na nakapangalan sa'yo. Good day, Jay Marie."
Umalis siya sa opisina ni Att.Felipe na masama ang loob. She's mad! Hindi niya alam kung ano ang gagawin habang nagluluksa parin siya sa pagkawala ng magulang. Sa dami ng inasikaso niya sa funeral ng mga ito ay hindi man lang siya nabigyan ng mahabang panahon para magbabang luksa.
Her parents was being unfair!
Hanggang sa sasakyan ay hindi parin makapaniwala si Jay Marie. Saan siya hahanap ng asawa?
Apat na buwan nalang ang natitira at siguradong masisiraan siya ng bait kakahanap ng lalaki na pwede niyang pakasalan. Her time is limited! Ni hindi niya alam kung impossible bang magpakasal kahit kakikilala lang. Everyone takes a year to get married!
Unless magbayad siya ng lalaki para magpakasal sa kanya.
Sa naisip ay parang may kung anong umilaw sa isip ni Jay Marie.
What if?
Why not?
Ang tanong ay kung saan siya hahanap ng lalaking papayag sa gusto niya? Isang lalaking madaling mauto at nasusuhulan ng pera!
Syempre hindi basta bastang kukuha nalang siya ng kung sino. Hindi niya makukumbinsi ang abogado kung maghaharap siya ng lalaking basta nalang niyang hinila sa kung saan.
Pagdating sa malaking mansion ay agad na dumeretcho si Marie sa kanyang kwarto. She felt so exhausted, she's tired and stressed. Ngayon lang niya naramdaman ang pagod sa buong isang buwan na walang maayos na pahinga. Nadagdagan pa dahil sa last will and testament na iyon..
Napamura siya sa isip..
Gusto niyang magpahinga kaagad pero hindi niya iyon magagawa kung hindi siya magbababad sa bath tub. She wanted to relax her mind para makapag-isip pa ng mga dapat na gawin.
Kumuha siya ng goblet at wine bago dinala sa kanyang malaking banyo. Napatigil lang siya sa paglalakad ng humarap siya sa malaking salamin at matitigan ang sarili.
In that reflection she saw a beautiful woman, but the sadness was filled in her beautiful round eyes. She's wealthy, she's bombshell, she's intelligent, she's independent, and confident- but she's alone.
Somehow, she got her parents point of view. Siguro ay gusto ng mga itong may nakasama siya..Pero dahil hindi niya nakikita ang buhay na may lalaking kasama ay mabigat at hindi madali para sa kanya ang gusto ng mga ito.
Napailing nalang siya sa sariling repleksyon at dumeretso na sa bath tub. Tinimpla niya ang tubig at nagsindi ng scented lavender candle. Nang handa na ang lahat ay hinubad niya ang lahat ng saplot sa katawan at lumublob sa loob ng bathtub. Medyo gumaan ang kanyang pakiramdam sa maligamgam na tubig na humahaplos sa kanyang balat.
Gusto niya munang magpahinga. Bukas na niya iisipin kung anong magiging sulosyon sa hinaharap na problema.