Mina ONE WEEK after Kristoff's graduation ang araw ng kasal nila. And its exactly only two weeks from now. Magiging Mrs. Kristoff Sandoval na siya. It's so overwhelming for her, too fast for her to sink in that she's going to be Kristoff's wife. Napakabilis ng lahat. Ang pamamanhikan ng mga Sandoval. Mula sa paglilista ng mga ninong at ninang sa kasal nila hanggang sa motif ng wedding nila ay plantyado na ang lahat. Wala na silang ibang gagawin kundi antayin ang araw ng kasal nila at magpalitan ng I do's. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Para siyang nasa loob ng isang mahabang panaginip. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang isang nobody na katulad niya ay magugustuhan ng isang Kristoff Sandoval? Hindi lang basta nagustuhan kundi inalok pa ng kasal! Kaya naman nak