Mina "WHEN will you introduce me to your parents?" tanong ni Kristoff sa kanya habang nagmamaneho. Pabalik na sila ng Manila. "Kakausapin ko muna si Daddy. H-Hindi pa kasi niya alam na boyfriend na k-kita," nahihiyang pag-amin niya. Nangunot ang noo nito at saglit na nilingon siya, "Why?" "Humahanap pa kasi ako ng tamang tiyempo," katwiran niya. Pero sa totoo lang nahihiya siyang magsabi sa daddy niya. Baka kasi isipin nito na pinababayaan niya na ang pag-aaral niya. "Would you like me to accompany you?" suhestiyon nito. Umiling siya at nginitan ito. "Ako nang bahala." Nilingon siya nito at nginitian. Ginagap ng isang kamay nito ang kamay niya at dinala iyon sa mga labi nito. Buong pagmamahal na tignignan niya ito at pinagmasdan habang nasa kalsada ang atensiyon nito. Hanggang