Present time... Kenobi SINUNDAN niya si Mina at halos sapakin niya ang pinto ng elevator ng hindi niya ito maabutan. Ginamit niya ang hagdan at halos talunin ang bawat baytang para lang mabilis na makababa at mahabol si Mina. Nakita niya itong umiiyak. Nang makasalubong niya ang mga ata nito kanina, nakita niya ang sakit at pagkawala ng buhay sa mga mata nito. Halos hingal kabayo na siya ng makapunta sa ground floor. Nakita niya pa si Mina na tumakbo palabas ng elevator. Hinabol din ito ng receptionist pero tuloy tuloy lang ito sa pagtakbo hanggang sa makalabas ito at patakbong tumawid sa kalsada. Halos tumalon naman ang puso niya ng makita ang isang sasakyan na bumunggo sa kay Mina. Kitang-kita niya ang paghagis sa ere ni Mina at ang pagbagsak nito sa semento. Nanghina ang mga