Six years ago... Mina's POV "MINA! Mina!" Nabitin ang pagkagat niya sa hotdog na nakatusok sa stick kasama ng marshmallow. Napatingin siya sa kaibigan niya na hinihingal habang tumatakbo palapit sa kanya, hawak hawak nito ang laylayan ng pink na dress nito na abot sa talampakan, hindi niya alam kung kinaliitan na yon ng mga Ate nito o malaki lang talaga sa kaibigan niya ang dress, may suot pa itong party hat na binigay sa kanila ni aling Tasing; Nanay ng kapitbahay nila na may anak ng may birthday. Hinihingal na napahawak ito sa tuhod nang huminto ito sa harapan niya. "Bakit kaba sigaw ng sigaw?" tanong niya dito. Huminga pa ito ng malalim bago nagsalita ng putol-putol, tagaktak din ang pawis nito. "Yung... Nanay m-mo... hina... hinahanap ka... galit na galit may dalang pamatpat.