Chapter 8

1150 Words
HANNAH Napaungol ako nang maramdaman sa aking paa ang lamig. Mas sumiksik ako sa mainit na bagay na nakadikit sa akin. "Ang lamig." May mga brasong humigit sa akin palapit. "Huwag kang malikot." Napasinghap ako nang maamoy ang pamilyar na pabangong panlalaki. Unti-unti akong dumilat. Dahan-dahan muna akong tumingala at nakita ko ang mukha ng pinakamamahal ko. "Apollo?" Bulong ko. Pinagmasdan ko ang lugar kung nasaan kami. Nakagat ko ang aking ibabang labi nang matanto na hindi kami umuwi at nanatili kami sa opisina nito. Malamang ay nakatulog na ako sa kanyang kandungan kagabi at ito na mismo ang naghiga sa akin sa sofa. Nakakumot sa akin ang suit nito at ang kanyang braso ay nakapalupot sa aking bewang. Nakadantay rin ang aking hita sa kanyang binti at ang aking ulo naman ay nakahiga sa braso nito. Napahinga ako ng malalim at hindi ko namalayang gumuhit ang ngiti sa aking labi. Sumiksik ako sa kanyang dibdib at sinulit ang pagkakataon. Malalim pa rin ang paghinga nito tanda na payapa pa rin itong natutulog. "Apollo, baby." Inangat ko ang aking kamay at idinikit ang aking hintuturo sa dulo ng ilong nito. "Hmm." He moaned. "Good morning." I whispered sweetly. "Hannah!" Nagulat ako nang bigla itong bumangon. Dumulas ang likod ko sa sofa at hindi ko namalayang wala ng sasapo sa akin. "Ah!" Agad na isinaklalay ni Apollo ang kanyang braso sa aking bewang at hinila ako para hindi malaglag. "Are you alright?" Tumango ako. Umupo ako at naglaglag sa aking kandungan ang suit nito. Umupo rin ito sa aking tabi at sinuklay ang magulong buhok. "Hi. We slept together." Napatingin ito sa akin at nagsalubong ang kanyang kilay. "What the fuck." "Apollo, anong ginawa mo sa akin? Pwede na ba kitang pikutin?" Pag-arte ko. "You're still dressed, are you crazy?" Tumayo ito at inayos ang nagulong polo. "Nakatulog ka kagabi at wala akong time para ihatid ka." "You do care about me, don't you?" Tumaas-baba ang aking kilay. Umirap ito. "Naawa lang ako sa'yo kaya hinayaan kitang matulog dito." Tumayo ako at niyakap ang kanyang bewang. "Kaya tinabihan mo din ako." "I should have threw this witch in the river when I had the chance."  "It's so good to be true!" Sabi ko habang binabaon o ang ulo ko sa kanyang dibdib. I can feel his hot body on mine. "You stink!" "We both stink! That's why we're meant to be." Matamis kong sabi. "You crazy woman." "Oh my gosh! You didn't deny it! You didn't! I'm gonna kiss you!" Tumalon-talon ako habang nakayakap sa kanya. Dahan-dahan niya akong tinulak. "Brush your teeth. I have a spare in the cabinet, then I'll take you home." "Okay." Nakangiti kong sabi. Binigay ko sa kanya ang suit nito at naglakad papunta sa banyo. Nakita ko sa aking relong pambisig na ilang minuto nalang ay ala-sais na. After ko mag-CR ay ito naman ang sumunod. Habang hinihintay ko ito ay nagtipa muna ako ng mensahe para sa aking best friend na si Adonis upang ikwento ang nangyari. Sigurado akong magagalit ito sa akin dahil sa kalokohan ko ngunit huli na ang lahat. Nang umilaw ang aking phone ay agad kong tiningnan iyon. From Adonis: Never do this stunt again. If you got pregnant before marriage, your paps will never forgive me. I sent another message. Got it, brother-in-law. Don't worry, sagot ko ang lapida mo. :) Naalis ang tingin ko sa aking phone nang magbukas ang pinto ng banyo, lumabas si Apollo at tanggal na ang dalawa butones sa  kanyang damit at ang necktie nito ay wala na sa pagkakabuhol at nakasabit nalang sa magkabilang balikat nito. Nakagat ko ang aking ibabang labi habang pinagmamasdan ito. "Ihahatid na kita sa apartment mo." Malamig nitong sabi at inalis ang necktie sa kanyang balikat. "Okay." Napangiti ako. "Love you." Huminga ito ng malalim at napailing. "Let's go." Naglalakad na kami palabas sa opisina nito. Kumapit ako sa kanyang braso at laking tuwa ko nang hindi niya iyon alisin. Sumakay kami sa elevator papuntang parking area. Dinukot ni Apollo ang susi sa kanyang bulsa nang makalabas na kami sa elevator. "Miss Ramos?" Napahinto kami sa paglalakad nang may narinig akong tumawag sa akin. Lumingon kami at nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. "S-Sir Zander! Good morning." "Hindi ka umuwi?" Sabi nito habang pinagmamasdan ang aking kasuotan. "N-Nakatulog po kasi ako sa office ni Apollo." Namumula kong sabi. "Oh." May mapanuksong ngiti na sumilay sa labi ni Sir Zander. "Ang bilis mo, Miss Ramos." I heard Apollo cussed under his breath. "Good morning, Apollo. You're still gloomy as ever." Bati ni Sir Zander sa kanya. "And you're still a trashy jerk as always." "Bye, Sir. Baka po ma-late ako kapag 'di pa ako hinatid ni baby." Kumaway ako kay Sir Zander para magpaalam. Nagsimulang maglakad si Apollo at natangay ako dahil nakakapit ako sa kanyang braso. Pinatunog nito ang kanyang sasakyan at tiningnan ako. "Sakay na." Utos nito. Bumitaw ako sa kanya at binuksan ang pinto ng passenger seat. Pinaandar nito ang sasakyan at inilabas sa parking area. "Why are you so quiet?" Basag ko sa katahimikan. "Why are you so talkative?" "Sige lang, Apollo. Mas lalo kang nagiging kaakit-akit kapag nagsusungit ka." Nakangiti kong sabi. Nakarating na kami sa building na kinaroonan ng tinitirhan ko. Nilingon ko siya. "Bumaba ka muna para makapagkape ka." "I need to go. May meeting ako ng eight." Malamig nitong sabi habang nakatingin sa kanyang relo. "Please?" Natigil ako nang tumunog ang cellphone ko. Hinanap ko iyon sa loob ng aking bag at agad na ainagot nang makitang si Adonis ang caller. "Hello, Adonis?" Bungad ko. "Hannah---" Nailayo ang aking cellphone sa tenga ko nang may maingay akong narinig. "Ano?" Sabi ko ngunit paputol-putol na ang mga salita nito. "Hello, Ado? Choppy ka. Ano'ng sabi mo?" Tiningnan ko si Apollo at nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. "Adonis? Hello, Adonis? Adoooonis. Adonis----" Nagulantang ako nang kinuha ni Apollo sa akin ng cellphone ko. Magkasalubong na rin ang kanyang kilay. He pressed the end call button bago ibigay sa akin. "Bakit mo pinatay?" "Baba." Mariing utos nito. "Huh?" "Bumaba ka na." Tinanggal niya ang aking seatbelt at pati ang kanya. Pagkatapos ay dumukwang ito para buksan ang pinto sa aking gilid. Tinitigan ko ito at nakita ko ang inis sa kanyang mata. Para hindi na lumala ang inis niya sa akin ay bumaba na ako. Pinanatili kong nakabukas ang pintuan. "What did I do wrong, Apollo?" "Close the f*****g door. You pissed me off." Oh, no. Huwag niyang sabihing...... Ngumisi ako at biglang tumaas ang kanyang kilay. "Apollo, sorry na. Huwag ka ng magalit. Hindi ko naman gustong pagselosin ka, e." Napaawang ang kanyang labi. Nagdidiwang ang aking kalooban sa nakitang reaksyon sa mukha nito. "Drive safely, okay? I love you." Matamis kong sabi bago isara ang pinto. ----------------  UPLOADED: 4.25.15 REVISED: 12OCT2020
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD