Chapter 7

1458 Words
HANNAH Napaupo ako sa sofa nang marinig ko ang malakas na kalabog ng pinto, tanda ng nakaalis na ito. Nangilid ang aking luha habang inaalala ang pag-uusap namin ni Apollo. Mapapagod din siguro siya sa kakahabol kay Tallia. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at tumingin sa kisame upang mapigilan na ang pagtulo niyon. "Unsa man ang problema nako? Dili ko baho." (Ano bang mali sa akin? Hindi naman ako mabaho.) "Hoy, ang imong sagol nga batasan. Kinahanglan ka pa magmalipayon tungod kay adunay usa ka anghel nga nakagusto kanimo. Demonyo ka." (Hoy, ang sama-sama ng ugali mo. Dapat nga matuwa ka pa kasi may anghel na nagkagusto sa'yo. Demonyo ka.) "Hay, gusto kong magsabi ng maraming masasamang words!" Gigil kong sambit habang kinakausap ang sarili. "Muse kaya ako since Grade 1 up to Grade 6, ibig sabihin ay hindi ako pangit." "Ah! Baka minamalas ako sa lovelife ngayon ay dahil sa mga chain messages na hindi ko pinasa sa labing-limang tao!" My god, Hannah! Naputol ang mga iniisip ko nang tumunog ang aking phone. It was Giaco. I answered it immediately. "Hi." "Miss, is everything alright? I saw your boyfriend leave but you're not with him." "Uh, I'm okay. Nandito pa ako sa room." "Did he... dump you?" "Hey! Giaco! Bakit ka nananakit?" Biro ko sa kanya. "Should I dispose him?" Napatayo ako dahil sa sinabi nito. "Huwag! Baka tumanda akong dalaga." "Miss, you have a lot of suitors, disposing him won't make any difference in your life." He sounds so serious! "No! Iba siya. Iba si Apollo." I heard him sighed. Para tuloy extension ni Papa si Giaco dahil sa pagiging overprotective nito. Pinutol ko ang tawag at inilagay sa bag ang cellphone. Inayos ko na ang aking sarili bago isarado ang kwarto ni Apollo dahil alam kong hindi na ito babalik. Huminga ako ng malalim para kontrolin ang bugso ng aking damdamin. Nakauwi ako at naabutan sila Mama na nanunuod ng telebisyon. Hawak ni Papa ang kamay ni Mama at hinahalikan ang likod ng palad nito. Tumikhim ako at nakuha ko ang kanilang atensyon. Lumapit ako sa kanila at umupo sa kanilang gitna. "Hi, Mama, Papa." Sabi ko habang hinalikan ang kanilang pisngi. "Kumusta ang pagbisita mo sa kanya? Bakit mukhang malungkot ka." Nag-aalalang sabi ni Papa. "I visited him and we had a fight." Dahilan ko. "A fight?" Mama asked. "Yeah." Napatayo si Papa at makikita ang pagpipigil nito ng galit. "I knew it. Hindi siya ang para sa'yo, Hannah. I think, what you have is a one-sided love." "That's not true, Papa." It is. Duh. "We should dispose him." "You think like Giaco." I commented. "Because I sponsored Giaco's trainings!" "He's the one for me. Mare-realize rin niya na ako ang taong makakapagpasaya sa kanya." Napayuko ako at naramdaman ang paghagod ni Mama sa aking likod. Pangatlong araw ko palang dito sa Cebu ay nami-miss ko na si Apollo. Ilang beses ko na siyang tinetext pero hindo siya sumasagot. Kapag naman tumatawag ako, pinapatay lang niya iyon at pagkatapos ay cannot be reach na. Kumatok ako sa kwarto nila Mama at dahan-dahan kong binuksan iyon. Napabangon sila dahil sa ginawa ko. Nag-inat si Mama at si Papa naman ay humikab. "Ma.." "Why, Hannah? Nagka-bad dream ka ba ang unico hija namin?" Malambing na saad ni Mama. Lumapit ako sa kanila at humiga sa gitna nila. Humiga na rin si Mama at niyakap ako sa bewang.  "Hindi ka pa rin ba makatulog na hindi kami katabi ng Mama mo, anak? O may kailangan ka kaya ka naglalambing?" Inaantok na tanong ni Papa. "Gusto ko ng bumalik sa Manila." Mahina kong sabi. Naramdaman kong nagulat si Papa sa aking sinabi. "Bakit? Hindi pa naman tapos ang vacation leave mo, a." "Namimiss na ng anak natin si Apollo." Putol ni Mama. Nag-buntong hininga si Papa. "If that's what you want." "Thank you, Papa." Saad ko at nagsimula ng hilahin ng antok. Magkakayakap kaming natulog ng araw na iyon. Kinabukasan ay nag-empake na ako ng aking mga gamit na dadalhin sa Manila. Binitbit ko lang ang mga kaya kong bitbitin dahil marami pa naman akong gamit sa condo ko. Pagkatapos niyon ay lumabas na ako at bumaba sa aking kwarto. Nilapitan agad ako ni Mama at niyakap ang aking braso habang bumababa kami sa hagdan. "Mag-iingat ka sa Manila, okay?" Matamis na saad ni Mama. "Tawagan mo kami kapag nandoon ka na." "Opo, Mama." "Huwag kang lalabas kapag gabi na. Delikado doon." Bilin ulit ni Mama. "Opo, Mama." "Kapag may kailangan ka, tawagan mo kami. Kumain ka ng tama sa oras. Huwag kang mag-da-diet, kasi sexy ka naman. Kapag sinaktan ka niya, sabihin mo sa amin. Ikakadena ko siya at babarilin sa Luneta." "Opo, opo, opo, opo, Papa." Natatawa kong sabi. Binigay ko kay Giaco ang aking bag at inilagay niya iyon sa loob ng kotse. Hinalikan ko ang noo ni Mama at pisngi ni Papa bago ako pumasok sa aking sasakyan. Kumaway ako sa kanila bago pinaandar ni Giaco ang sasakyan. Nang makauwi ako ng Manila ay hindi muna ako pumasok. Gumawa muna ako ng mga plano sa loob ng aking condo. Alam kong paglapit ko kay Apollo, hahanap ito ng paraan para makalayo sa akin. Kinabukasan ay dumiretso agad ako sa President's office. At nagulat ako nang makita si Sir Zander roon. Akala ko'y umalis ito?! "S-Sir Zander!" "Hi. You looked surprised." "I.. I thought.." Parang nabasa nito ang nasa isip ko kaya agad siyang ngumiti. "May alam ka kung ano ang nangyari sa amin ni Tallia at Apollo, huh." "I'm sorry sa panghihimasok sa buhay niyo, Sir Zander. Akala ko ay iniwan niyong muli si Miss Tallia." "It's just a misunderstanding. Pero nagkaayos na kami kahapon." I hesitated for a minute. "And Apollo?" Bumaba ang tingin nito. "I don't know what's going through his head right now, Hannah." "Pumasok ba siya, Sir?" "Yes. He glared at me when we bumped at the hallway." "Gusto ko siyang puntahan pero hectic ang schedule natin ngayon, Sir." Natawa ito. "I just saw the calendar invites, hindi mo man lang ako pagpapahingahin." "Kailangan niyong bumawi, sobrang dami na pong nagpapa-schedule na client meetings." "Can I go home by 5PM?" "You have a dinner meeting with San Agricultures." "Damn, I should inform my wife how demonic my secretary is." "Sir Zander." Tumingin ito sa akin. Humigpit ang hawak ko sa dala kong planner. "Please don't let her go again." "I won't. I promise." Tumango ako at bumalik na sa sarili kong table upang ayusin ang schedule nito. Alas-sais na nang matapos ako sa aking ginagawa at si Sir Zander naman ay nagpunta na sa dinner meeting nito. Napag-isip-isip ko na dumaan sa office ni Apollo upang kumustahin ito at pasiyahain. Kumatok ako at dahan-dahang binuksan ang door nito. Nakita ko itong nakasandal sa kanyang swivel chair at may hawak na papel sa kanyang kanang kamay, ang kaliwa naman ay humihilot sa kanyang noo. "Hey?" Nakuha koang kanyang atesyon. Sinara ko ang pinto at lumapit sa table nito. "Overtime?" "What are you doing here?" "I want to lighten up your mood." "I don't need a clown at this moment, so please leave." "Fine, I just want to talk to you." "If this about how you're infatuated with me, go home. I have no need of another headache." Malamig nitong sabi. "Masakit ang ulo mo?" "I'm fine, go home." Sabi nito habang patuloy na naka-focus ang mga mata sa mga papel. Umikot ako at pumuwesto sa kanyang likod. "Do you want a massage?" "Yes. If it's not you." Inirapan niya ako. "Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko? Umuwi ka na, Hannah." Lumamlam ang aking mga mata. Bakit lagi niyang pinaparamdam sa akin na hindi niya ako kailangan? Samantalang ako, halos sumabog na sa sobrang pagka-miss sa kanya. Mabilis akong kumilos para kumandong sa kanya. "Hannah!" Nanlaki ang mata nito. "You can use me, Apollo." Iniyakap ko ang aking mga braso sa kanyang leeg. Isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang balikat. "As a rebound. I'm willing to do this for you." "I won't." Sabi nito habang pilit na inaalis ang mga braso kong nakakapit sa kanya. "Hindi ako ganoong klaseng lalake, Hannah." I know, Apollo. "Ilang beses mo ako tinaboy pero paulit-ulit pa rin akong babalik sayo. Kahit masakit, kahit nagmumukhang-tanga na ako, ikaw pa rin ang unang naiisip ko sa tuwing gigising ako sa umaga." Pinilit kong patatagin ang aking boses. Ayokong maging mahina sa mata ni Apollo. "Hannah, I don't need your love." He whispered. "Tell me what you need, so I can give it to you." "You don't have it." I am so sad that it physically hurt inside. Pumikit ako. "What can I do to be good enough?" ************** UPLOADED: 4.20.15 REVISED: 11OCT2020 SWEETKITKAT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD