Chapter 9

1250 Words
HANNAH "Freya, pangit ba ako?" Tanong ko sa aking kaibigan habang nakatingin sa kawalan. Dahil weekends, inaya ko na magliwaliw ang aking kaibigan upang maalis sa isip ko si Apollo. "Malinis ang kalooban mo. Mabait ka. Matulungin." Sagot nito. I glared at her. "Isa akong simpleng mamamayan, hindi ako kumakandidato." "Alam ko." Ipinatong ko ang aking braso sa mesa. "Bakit hindi ako magustuhan ni Apollo, e ang ganda-ganda ko." Nainsulto ako sa tawa ni Freya. "Buti nalang kaibigan mo ako, Hannah." "Ako kaya ang Miss Campus Sweetheart n'ung highschool tayo!" "Oo na. Maganda ka na. Ilibre mo na ako." Walang gana niyang sagot. "Kaya ako nakipagmeet sa'yo ay para pagaanin ang loob ko, bwisit ka." Sabi ko at itinaas ang kamay para um-order. After kong sabihin ang mga gusto naming kainin ay itinuloy na namin ang kwentuhan. "Alam mo, tigilan mo na 'yung paghabol mo sa kanya. Sinasaktan mo lang ang sarili mo." "May pag-asa ako kay Apollo, I can feel it." Pagpipilit ko. "Hannah, he's not interested to have a relationship with you. As you said, he is in love with someone else." "He maybe rude with words but he never hurt me physically." Naihilamos ni Freya ang kanyang kamay sa mukha pagkatpos marinig ang sinabi ko. "Oh my god! You sound like an idiot!" "Hey, hey, don't be too loud." "Hannah, I hope this month deal ends the soonest. Because honestly, you're making yourself a fool for that man." Napangiwi ako. "Is that really bad?" "In my perspective, yes. I know na modern generation na tayo and pati babae ay pwede ng manligaw. Pero, Hannah, 'wag naman sa ganitong level." Nalungkot ako ngunit hindi ko pa rin talaga kayang bitiwan ang nararamdaman ko para kay Apollo. "Thank you for the advice, Freya. Can we change the topic?" "Sure. Ah, wait, do you know Adonis' ex-girlfriend back in college?" "Oh, uhm.." Sandali akong nag-isip sapagkat hindi ko na masyadong matandaan ang pangalan ng babaeng iyon. "Was her name Polliandra?" "Elizandra." Pagtatama nito. "Nabalitaan ko na na-bankrupt na 'yung Pharmaceutical nila. And humihiram siya ng malaking halaga sa parents ko para masalba iyon." "I talked to Adonis yesterday, hindi naman niya nabanggit si Eliza." "I don't know, baka nahihiya. Hindi rin naman maganda ang breakup nilang dalawa." "Adonis was really wasted that time. Muntik na siyang hindi makasabay sa atin sa pag-graduate." "That's the truth." Pagsangayon ni Freya. Lumapit ang waiter at ibinaba ang mga pagkain namin. I thanked him before he left. I turned my head to Freya and continued our discussion. "But come to think of it, Eliza wasn't that bad. Hindi rin naman siya ma-attitude like the other girls na na-date ni Adonis. She was the best of them." I said before sipping my juice. "Kaso, 'yun nga lang, she was seduced by Damon." "I can't blame her, Damon was the hottest guy in the campus." She said while twirling the end of her hair. "Wait, 'diba niligawan ka dati ni Damon?!" "I rejected him because I don't feel his sincerity. And one more thing that I dislike ay 'yung pagiging f**k boy niya." I commented. Halos hapon na rin nang maghiwalay kami ni Freya. Pagkatapos ng busy season niya ay ngayon nalang kami ulit nagkausap kaya't na-excite kami na magbonding. Naglalakad ako sa harap ng restau bar nang may mapansin akong pamilyar na pigura. Huminto ako at inaninag iyon. Those broad shoulders and firm ass. That's Apollo's! Matamis akong ngumiti at sinigaw ang pangalan nito. "Apples!" Lumingon siya at patakbo ko itong nilapitan. Kumapit ako sa kanyang braso. "Apples, we meet again!" "Your endearment sucks." I giggled. "Everywhere I go, I see you. I am so blessed." Kumunot ang noo nito nang bumaba ang tingin niya sa akin. "Your cheeks are flushed, did you drink?" "No. I always blush when I see you. You should get used to it." "I need a serious answer, woman." "Isang baso lang. Pero okay pa ko, malakas ang tolerance ko sa alak." Nagwawala ang puso ko dahil sa bahid ng pag-aalala sa boses nito. "What are you doing here?" "I'm going to meet some friends." He answered. Binitawan ko ito at bahagyang lumayo. "Oh, I'm sorry I stopped you. Sige, pasok ka na. I'll just wait for a cab." Tatalikuran ko na sana niya ngunit hinawakan niya ang aking kamay. Mas lalong nagwala ang aking puso sa ginawa nito. "No, I'll drive you home. Malapit ka lang naman dito, 'diba?" "Huwag na, baka naghihintay 'yung mga friends mo sa loob." Pagpapakipot ko. Ano ba girl, isang pilit nalang. "It's fine. Come." Hindi pa rin nito binibitawan ang aking kamay kahit na naglalakad kami sa parking lot. Hindi ko mapigilan na mapangiti sa gestures nito. He is worried. Ah, what happening? Dininig na ba ng Diyos ang mga dasal ko? "Uhm, Apollo, sinasagot mo na ba ako?" Napatigil ito at binitawan ang aking kamay nang makabalik ito sa realidad. Tumingin siya sa akin at nagbago na rin ang kanyang ekspresyon. Wala na ang pag-aalala sa mga mata nito. "What makes you think that I did?" Napanguso ako. "Kailan mo ba ako sasagutin? Dumating na ang tamang panahon ng AlDub, kailan ba ang tamang panahon natin— wait. Ang corny ng linya ko." Nagulat ako nang biglang tumawa si Apollo. Hindi ko alam kung gaano ko siya katagal na tinititigan. This is the first time I saw him laugh freely. "Damn. You're right, that's terrible." "You can laugh, huh." Hindi ko makapaniwalang sabi. Kumunot ang kanyang noo. "I'm not a robot." "I like your laugh. You're more handsome when you laugh." Napatigil ito at tumikhim. Bumalik sa dati ang kanyang mukha, walang buhay at ekspresyon. Sumakay na kami sa Land Cruiser nito at pinaandar niya iyon. Buong biyahe ay nakatingin lamang ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na napatawa ko ito ng ganoon. Hindi ito nagrereklamo na halos tunawin ko na siya sa kanyang kinauupuan dahil sa pagtitig ko sa kanya. "Apollo." Mahinahon kong saad. "Hm?" "Date tayo bukas." "I'll think about it." Walang ganang sagot nito. "Is that a 'yes'?" "It's a 'maybe'." "So it's not a 'no'?" He sighed. "Fine. Parang hindi mo rin naman tatanggapin kung aayaw ako. Para wala ng kulitan, sige." "Bakit ang bait mo sa akin ngayon? Ikaw ba talaga si Apollo?" "Kung pwede lang makipagpalit sa iba para lang 'di na kita makita." Hindi ko pinansin ang sinabi nito at nanatiling nakatingin sa kanya. "Apollo." "What?" "If a star fell for every time I thought of you, the sky would be empty." Hindi ito umimik hanggang sa maramdaman ko na tumigil ang sasakyan nito. He sighed. "We've reached your home. Bumaba ka na." Pumikit ako upang itago ang sakit dahil sa hindi nito pagsagot. Nang buksan ko ang aking mata ay binigyan ko ito ng matamis na ngiti. "Thank you, Apples. I'll see you tomorrow?" "Sa condo ko tayo magkita." Namula ako at humagikgik. "Ang bilis naman ng mga damoves mo, hindi ako makasunod. Kaunting hinay naman." Naisuklay nito ang kamay sa buhok. He looks so hot when frustrated. Muntik na kong maihi ng kaunti— hindi joke lang. "Good night, Hannah." "Good night, Apples." "Still, your endearment sucks." Bumaba na ako at isinara ang pinto ng Land Cruiser. My hand formed a heart shaped as I mouthed 'I love you'. Umiling-iling ito bago paandarin ang sasakyan. Bago pumasok ay hinintay kong makalayo ang kanyang sasakyan. "I hope you don't remember that I only have a five days to love you, Apollo." I whispered sadly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD