Chapter 3

1303 Words
HANNAH Lumapit ako sa kanya at ipinatong ang aking kamay sa mesa niya para magkalapit ang aming mukha. "Anything else, sir?" I said seductively. "Yes." He always stays on guard. Inabot ko ang kanyang necktie at nilaro iyon. "Tell me what it is and I'll get rid of it immediately." "Get rid of yourself, please." Malamig niyang sabi at binawi ang necktie niya. Inabot niya sa akin ang flashdrive. "Email the files to Ong Industries." Padabog kong kinuha ang flashdrive at tumalikod. Nairita ako sa sinabi niya. Halos matulog ako sa salon pero kulang pa rin?! Pagkatapos ng office hours ay mas nauna na akong umalis. Nagtatampo ako sa kanya. Hindi siya marunong tumingin ng maganda. Inaya ko si Freya, college friend namin ni Adonis, sa isang bar. "Kamusta ang panliligaw mo?" Tanong niya. "Eto, walang improvements." Sabi ko habang hinahalo ng straw ang aking juice. "Siguro, kailangan ko ng gamitan ng dahas." "Dahas? Itatali mo ba? Saan? Pwedeng manood?" Naitikom ko ang aking bibig nang may pamilyar na pigura akong nakita. Parang si Apollo iyon ngunit may kasama itong babae. Dali-dali akong tumayo sa aking upuan. "Wait. Si Apollo." "Nasaan?" Iniwan ko si Freya at tiningnan kung saan nagpunta ang taong iyon. Dinala ako ng aking mga paa sa madilim na bahagi ng bar. Halos madurog ang aking puso bang makita na hinahalikan niya ang babae habang nakadiin ito sa dingding. "Apollo?" Hinaklit ko ang kanyang balikat at napatigil sa ginagawa niya. Nakayakap pa rin ang babae sa kanyang balikat. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. "What are you doing here?" Nanggigil ako. We have a deal, a-hole! Mabuti nalang at mababaw ang luha ko, madali akong umiyak. "How dare you! Akala ko nagtatrabaho ka. Iyang babae ba na iyan ang dahilan kung bakit mo kami iniwan ng anak mo? Walang kwenta kang ama." Mas ginalingan ko pa ang aking acting skill para mas convincing. Lumayo siya sa babae at tuluyang humarap sa akin. Magkasalubong ang kanyang kilay. "What are you saying?" Tumingin ako sa babae na ngayon ay litong-lito sa nangyayari. "Miss, alam mo bang may asawa na ang kinakalantari mo at may pamilya kang sinisira?" "I-I'm so sorry. Ang sabi niya sa akin single siya!" Wow! Madaling maniwala ang babaeng ito. Napatakip ako sa aking bibig nang lumipad ang palad nito sa pisngi ni Apollo. Tangkang aalis na ito nang hawakan ni Apollo ang kanyang braso. "Wait, Shara." Sinampal niyang muli si Apollo. "My name is Sharmaine, asshole!" Tuluyan nang umalis ang babae. Matalim akong tiningnan ni Apollo. Mariin niyang hinawakan ang magkabilang braso ko. Napangiwi ako sa sakit. "Do you know what you have done?!" "It's your fault. We have a deal! Nakakainis ka na! How can I make you fall if you're flirting with other girls?!" Inis kong sabi. "I'm a man with needs!" He roared. "At akala mo hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo? Kaya ko!" "Prove it." Tumingin ako sa paligid. Madilim man sa bahaging ito, marami pa ring tao. Napalunok ako at ibinalik ang titig kay Apollo. "H-Here?" Narinig ko siyang nagbuntong hininga. Ikinusot nito ang hinlalaki at hintuturo sa mga mata dahil sa iritasyon. Naglakad siya palayo ngunit sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa harap ng sasakyan niya. "Don't wear that dress again." Tiningnan ko ang aking damit. "Bakit? Hindi ba bagay? Hindi mo ba nagustuhan?" Hindi siya umimik. "Hindi ba ganito ang sinusuot ng mga nagugustuhan mong babae?" "You're different, Hannah." I bit my lower lip. "Is it because you won't like me even if I wear something like this?" He sighed. "Let's stop this. Masasaktan lang kita." "Nasasaktan na ako, Apollo. But I won't give up on you." Desedido kong sabi. "Tama na, Hannah." Umiling alo at iniikot ang aking mga braso sa kanyang bewang. "Ayoko." "Hindi na tama itong ginagawa mo." "Wala akong pakielam." "Stay away from me, please." Umiling ako. Halos na manakit ang aking lalamunan dahil sa pagpipigil ng luha ko. "Don't say that, Apollo. I love you so much." Pilit niya akong nilalayo sa kanyang katawan. "Pinagmumukha mo lang tanga ang sarili mo." "Kahit na ano pa ang sabihin mo, hindi kita bibitawan." "Hannah.." "Ako nalang ang mahalin mo, Apollo. Hindi kita iiwan. Pangako. Hindi kita sasaktan. Mamahalin kita ng buong-buo. Ibibigay ko sayo lahat." "Hindi ko kailangan ang lahat. Ang kailangan ko lang ay ang taong mahal ko." Ang mga salitang iyon ang tumusok sa aking puso. Lumayo ako sa kanya. "Hindi ka niya kayang mahalin, Apollo!" Nag-iwas siya ng tingin. "Go home, Hannah." Nanlabo ang aking mga mata. "Sige, magtataxi nalang ako. Pasensya nga pala kasi.. pinaalis ko 'yung babae na dapat ay kasama mo ngayon. Hindi ko lang kasi matanggap na kaya mong hawakan 'yung mga babae na ngayon mo lang nakilala samantalang ako, ni dulo ng daliri ko ayaw mong hawakan. Bye. Mag-ingat ka sa pag-uwi." Mabilis na tumalikod para hindi niya makita ang luha sa aking mga mata. Kapag nailuha ko na ang lahat, bukas okay na ako. Hindi ako mabilis susuko dahil si Apollo lang ang minahal ko ng ganito. Pumunta ako sa tabi ng daan para mag-abang ng taxi. Halos mapatalon ako nang may huminto na itim na sasakyan sa aking harapan at bumukas ang pinto ng passenger seat. Dumungaw si Apollo. Walang ekspresyon sa kanyang mukha. "Get in." "Hindi na. Salamat." "Get. In. Don't make me say it twice." Mariin niya sabi. Sumakay na ako at minaneho na nito ang sasakyan. Tumingin lang ako sa labas para hindi nito mapansin ang pamamaga ng aking mata. Napalingon ako sa kanya nang may dumikit sa aking braso. Inaabot niya sa akin ang isang box ng tissue na agad ko namang tinanggap. "Salamat." Tipid kong sabi. Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay tumingin ako kay Apollo. "Dahil binigyan mo ako ng tissue, bati na tayo." He smirked. "Pambihira." "Apollo, date tayo bukas." "Marami akong gagawin." Sabi nito na hindi tumitingin sa akin. "How about dinner?" "May dinner meeting ako with Yang Enterprises." "Eh, the next day? Day off mo 'yun." Pangungulit ko. "Iyun na nga lang ang araw na hindi mo ako makukulit, ipagkakait mo pa." Prangka niyang saad. "Sige na nga, huwag nalang." "Good thinking." Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng building. "Bumaba ka na." "Mag-ingat ka sa pag-uwi. Mamahalin pa kita." Sabi ko at isinara na ang pinto ng kotse. Nakangiti ako hanggang sa makapasok ako sa aking condo. Hindi ko napansin na kanina pa pala tumutunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon sa aking bag at tiningnan kung sino ang caller. Nang makita kong si Mama iyon ay agad itong sinagot. "Napatawag ka Mama?" "Mag-resign ka na sa pinagtatrabahuan mo." Bungad nito. Umupo ako sofa. "Why would I?" "Your Papa's sick." "I'm not a doctor, Mama." Alam kong dahilan lang iyon para umuwi ako sa Cebu. Kay Mama ko natutuhan ang mga pag-arte ng ganoon. "Honestly, he wanted you to manage our business. Come home now. Please, Hannah." "Pero, 'Ma, inaakit ko pa ang mamanugangin mo." "Ipagpaliban mo muna. Mark him before you left." Napaka-supportive ng Mama ko. "Okay, fine. Isusuko ko ang bataan bukas." "No! Are you nuts?! That's not what I meant! Mark him, I mean, give him a hickey or something." Halos mailayo ko ang aking cellphone dahil sa lakas ng boses nito. "A hickey? Is that effective? Eh, paano kapag pumalag?" "Uh, In some circumstances. Kapag pumalag, itali mo." Ngumiti ako. "Okay. Uuwi ako jan sa makalawa." "Good night, Hannah." "Good night, Mama." Pagputol ko ng tawag ay agad kong hinanap ang numero ni Freya at tinawagan ito. Pharmacy ang tinapos niya kaya alam kong marami siyang alam sa gamot. "Hannah! Where are you? Hindi kita mahanap kaya umuwi na ako." Bungad niya. "Nakauwi na ako, don't worry. I just wanna ask if may alam kang gamot na pampatulog?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD