Chapter 4

1022 Words
HANNAH Naabutan ko si Apollo na nag-aayos ng gamit at files niya para ilipat sa dati niyang opisina. Malapit na kasing umuwi si Boss Zander upang magtake-over muli sa company. Pumunta ako sa mini kitchen at isinagawa ang plano ko. Pagkatapos kong gawin ang kape na may special ingredients ay lumabas na ako at kumatok sa pinto. Dahan-dahan akong pumasok. Matalim niya akong tiningnan. "Coffee, Sir?" Ibinaba nito ang papel na binabasa. "Panglimang alok mo na sa akin 'yan, Miss Ramos. Still, my answer is 'no'." He thundered. "Sige na oh, may pagmamahal ko 'to." Pilit ko sa kanya. "I'm starting to worry. What's is your plan?" Iritadong saad niya. "I just want you to relax. I noticed that your too edgy today." "And the coffee helps?" "Yeah." Napasimangot ako. Leche, malapit ng maubos yung pills na binili ko. Kaninang umaga hanggang ngayon, hindi pa rin niya iniinom ang kape ko! Lumapit ako sa kanya at inilapag ang kape sa kayang tabi bago ilagay ang aking kamay sa aking bewang. "Sige na, gusto lang naman kitang pagsilbihan." "Kung gusto mo akong pagsilbihan, itikom mo ang bibig mo." "Do you want your woman quiet?" "No. But I want a peaceful working place. Please!" "Drink this and you'll have your peaceful working place in no time." Masungit na ininom yung coffee. "Happy?" Napangiti ako nang lumunok ito. "More than happy." Haggang sa makalabas ako ng office niya ay hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. Pagkatapos ng isang oras ay pumasok ulit ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang madatnan si Apollo na nakadukdok sa kanyang lamesa. Nilapitan ko ito at hinaplos ang kanyang malambot na buhok. "Time for marking my man." Matagumpay kong sabi. Hinila ko ang katawan ni Apollo para mag-iba ang pwesto nito. Naisandal ko siya sa swivel chair nito at binuksan ang bawat butones ng kanyang long sleeve polo. Sinimulan kong lagyan ang kanyang leeg at balikat pababa sa kanyang matigas na dibdib. Halos sumabog ang puso ko sa excitement na nararamdaman ko.Pagkatapos kong isagawa ang plano ay binalik ko sa pagkakabutones ang kanyang damit at binalik ito sa kanyang pwesto na parang walang nangyari. Hanggang sa makauwi ako ay parang nakalutang pa rin ang aking mga paa. Hindi mawala sa aking isip ang lasa at anyo ng katawan ni Apollo. Sa sobrang saya ko, hindi ko na yata alam ang pakiramdam ng magalit. Pagkadating ko sa bahay ay agad kong tinawagan si Mama. "Good evening, Mama. How's Papa?" "He's fine now. Marami lang siyang iniinom na gamot, baby. He misses you so much." Halata ang ligaya sa kanyang salita. Umupo ako sa sofa at sinandal ang aking ulo sa headrest. "Sa Saturday na ang flight ko. Just wait for me." "Okay. Mag-ingat ka. Have you marked your man?" "Yes, 'Ma. Walang kapalag-palag." I giggled. "Is that so? He really loves you then." "How I wish, Mama." "Masarap ba?" "Naku, Mama, walang maihahalintulad. Hindi ko na nga nakuhang kumain ng lunch, e. Nabusog agad ako. Ang tigas at ang laki." Natatawa kong sabi. "Aba, iba yata ang kinain mo!" Sigaw nito ngunit may bahid ng biro. Napasapo ako sa aking mukha."'Yung muscle niya ang tinutukoy ko, Mama! Calm down." "Good." "Okay, I have to go. Medyo napagod ako sa dami ng gawain sa opisina." "Hindi ka pa nagfa-file ng resignation?" Huminga ako ng malalim. "I can't pa, Mama. I just want to work there for two months more." "But—" "Please, 'Ma, let's not argue about this." Gusto ko pang makita si Apollo. "Just two months, Hannah Era." "Just two months. I promise." "Okay. Good night, darling." Masarap ang tulog ko ngayong gabi. Kinabukasan ay naalimpungatan ako dahil sa tunog ng aking doorbell. Sino ang puchang sumira ng panaginip ko?! Anak ng patola naman! "Kung sino ka mang umistorbo sa pagtulog ko, itatali kita—" Napatigil ako nang makita ko ang lalaki na laman ng aking panaginip. "Itatali kita sa puso ko." "You bitch." Napangiwi ako sa sinabi nito. "Oh." He towered me. Napalakad ako patalikod nang masyado na kaming magkalapit. Isinara nito ang pinto sa kanyang likod at hinubad ang itim ang v-neck t-shirt. Napanganga ako nang masilayan na naman ang magandang katawan nito. Hindi mawala ang aking tingin sa maskuladong dibdib niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko. He's stripping? Oh my gosh. "How dare you mark me like I'm yours." Napalunok ako. "I don't know what you're saying." Inosente kong sabi. Nangangati na ang kamay ko na mahawakan ulit ito. Napakaganda naman ng umaga ko. "You made me drink your coffee with sleeping pills and manage to gave me multiple hickeys." "I... I..." Hindi ko alam kung saan ako titingin. Sa mata niya o sa pandesal. Juskolord, ito po ba ang almusal ko?! "Eyes up, woman!" Galit na saad niya. "Tell me, why did you do this?" "Aalis kasi ako. Gusto ko lang makasiguradong walang babae na makakalapit sa'yo." Mahina kong sabi. Is he torturing me? Naghubad siya sa harap ko tapos tatanungin niya ako. Paano ako makakapag-concentrate?! "Saan ka pupunta?" Malamig niyang sabi. "Sa Cebu. May sakit kasi ang Papa ko. Sa sabado na ang alis ko." Iniwas ko ang mata mula sa katawan niya dahil nanghihina na ako. "At 'yung one month deal natin. Pwede bang i-pause muna? Tapos ituloy nalang kapag nakabalik na ako?" He smirked. "You're one demanding woman." "Please? Pananagutan kita dahil sa ginawa ko sa nakakatakam mong katawan." Sabi ko habang pinagmamasdan ang katawan nito. "Kung gusto mo, sumama ka nalang sa akin. Malapit ng dumating sila Ma'am Tallia 'diba? At nangako sa'yo si Boss na bibigyan ka niya ng one week leave?" "Okay." Nanlaki ang mga mata ko. "Really?! Sasama ka sakin?!" Tumalon ako at niyakap ito. "Yieeeh! Magtanan na tayo!" "Hindi tayo magtatanan. Magbabakasyon lang ako." "Magbabakasyon ka na kasama ako? Ang sweet mo talaga. Ang bango mo pa." Nilayo nito ang mukha ko sa kanyang leeg. "Ang sabi ko, magbabakasyon ako sa Cebu pero hindi ko sinabi na sasama ako sa'yo." "Sa'yo ang Manila, akin ang Cebu. Walang lugar na hindi kita mahahanap roon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD