HANNAH
"Hannah!" Pabigla kong naitulak si Apollo nang marinig ang malakas na boses ni Papa.
"P-Papa! You're not sick!" Tumakbo ako at yumakap sa kanya.
Tumawa ito at sinuklian ang aking yakap. "I am taking my meds daily."
Lumayo ako ng kaunti at humalik sa kanyang pisngi. "I missed you, Papa."
"Who is he? Is he your boyfriend? Please say yes, because I saw what happened." Seryoso nitong sabi.
Napakagat ako sa aking labi at tumingin kay Apollo. He looks so displeased. Hindi naman ito parte ng aking plano ngunit siguradong ikakagalit ni Apollo kung sasabihin kong boyfriend ko siya.
"H-He's just a friend, 'Pa."
"Dili ako kombinsido."
Nalaglag ang aking balikat. Wala akong choice kundi ang sabihin ang totoo. "Niligawan ko siya."
"Ngano nanguyab ka? Ikaw ang babae." Gulat na saad ni Papa. Matalim nitong tinginan si Apollo. "Ngano nanguyab ang akong anak nimo? Pero kung makahalok ka, murag gusto nimo siya ut-uton."
"I-I don't understand the city's dialect. I'm sorry." Wari'y hindi alam ni Apollo ang kanyang gagawin.
"What do you think of my daughter? Are taking advantage of her emotions?"
"No. No, sir. What happened was just a spur of the moment."
"I saw your tongue entered her mouth. Was that a spur of the moment too?"
Hinwakan ko ang kamay ni Papa upang mapakalma ito. Unti-unti na rin kasi kaming nakakaagaw ng atensyon. "Papa, he's right. And I was the one who initiate the kiss. Please don't be mad at him."
"Wala na ko kasabot nimo, Hannah. Kini ba ang imong nahibal-an sa imong pipila ka tuig nga pagpuyo sa Luzon?" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya.
Nilapitan ko si Apollo at kinuha ang aking gamit na nasa paanan nito. "I'm sorry, Apollo. I'll call you tomorrow, please answer it."
"I'm on vacation."
"Let me rephrase it. You're on vacation with me."
"You're so persistent."
"See you."
Hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag nitong muli ang aking pangalan. "Hannah."
Lumingon ako. Nakapaluob ang isang kamay nito sa kanyang bulsa habang ang kabila at may naglalarong ngiti sa kanyang labi.
"I enjoyed it, by the way."
Namula ang aking pisngi at mabilis na naglakad palayo. Baka kasi kung ano pa ang gawin ko kung magtatagal ako na magkasama kami. Nakita ko agad ang bodyguard ni Papa na si Giaco sa Parking space kaya agad kong nalaman kung saan nakapuwesto ang sasakyan. Pumasok ako sa loob at niyakap si Papa.
Kahit nagtatampo ito or naiiinas ay ikinuwento ko pa rin sa kanya ang mga nakakatawang karanasan ko sa Luzon. Nakikinig naman ito at nagkokomento na parang walang nangyari kanina.
Pagkabukas ko palang ng pinto ng bahay namin ay bumungad na sa akin si Mama. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa aking pisngi. "My baby! I'm so glad you look so happy and fresh!"
"Hello, Mama. You missed me this much?" I giggled.
"You have no idea." Lumayo siya sa akin at pinagmasdan ko ang kanyang itsura.
Wala pa ring nagbabago sa kanya, simpleng-simple pa rin ito manamit. Kahit na may sarili kaming business at ang aking ama ay Mayor ng siyudad ay hindi pa rin nito inalis ang pagiging simple. Ni wala itong palamuti sa kanyang mukha kundi ang matamis nitong ngiti.
"Where's the guy you're exclusively dating?" Sabi niya sa akin na may halong pagtatampo. "Hindi mo ba siya ipapakilala sa amin?"
"Nakilala ko na siya." Singit ni Papa sa usapan. "Guwapo, parang ako. Matangkad, parang ako. Babaero, hindi katulad ko."
Natawa ako sa sinabi nito. "Tatawagan ko po siya if makakapunta siya. May plano na po kasi kaming puntahan bukas."
"You must bring Giaco, sweetheart. Malapit na ang eleksyon, mahirap na." Mama said.
"Pero hindi naman na po kakandidato si Papa 'diba?"
Tumango si Mama. "Kahit gusto pa ng taong-bayan ay hindi na maaaring tumakbo si Papa. Ngunit may sinusuportahan kaming candidate."
"Okay. I'll bring Giaco. He'a my personal bodyguard after all."
Ilang oras pa kaming nagkwentuhan at pagkatapos ay umakyat na ako sa aking kwarto para makapagpahinga. Paghiga ko ng kama ko ay agad kong kinapa ang aking cellphone at hinanap ang numero ni Apollo bago tawagan.
"Akala ko ba'y bukas ka pa tatawag." Bungad nito gamit ang malamig na boses.
"Hey, Sweet sugar apple pie." Hindi ito nagsalita kaya nagtuloy-tuloy ako sa aking sasabihin. "My family wants to-"
"No."
"Woah. Hindi pa nga ako tapos, No na agad?" Natatawa kong sabi.
"I know all your tricks, Hannah."
"Hmm." Hinablot ko ang aking unan at niyakap iyon na parang ito si Apollo. "Not all of it, Apollo."
Hindi na ito sumagot pa at basta nalang pinutol ang tawag.
Ang sinunod kong tawagan ang taong mapagkakatiwalaan ko sa mga ganitong sitwasyon. Isang ring palang ay sumagot na ito. "Good evening."
"Giaco, contact all the five star hotels here in Cebu. Tanungin mo kung may nag-stay sa kanila na ang pangalan ay Apollo Bustamante."
"Understood, miss." Mahinay na sabi nito. "Will that be all?"
"Yes, thank you so much! Let's meet tomorrow, I brought you some souvenirs from Luzon." Pinitol ko na ang tawag.
Kinabukasan ay nakuha ko kaagad ang impormasyon na kailangan ko. Sumakay na ako sa backseat ng Mercedes Benz.
Binati ko si Giaco at ngumiti lang ito ng tipid sa akin. Ang itim na damit nito ay humahapit sa kanyang katawan dahil sa laki ng kanyang mga muscles. Matagal ko ng bodyguard si Giaco kaya kilalang-kilala na niya ako. Dati itong nasa Navy ngunit umalis din dahil sa desisyon ng kanyang asawa, hindi na kasi kaya ng asawa niya ang sobrang pag-aalala. Kinuha siya ni Papa na bodyguard ko dahil sa ganda ng kanyang records.
I tapped my fingers on my thighs dahil parang ang layo na ng binabiyahe namin. Ngunit agad ring lumaki ang ngiti ko nang gumarahe kami sa harap ng isang kilalang hotel.
"Room 603, right?"
Tumango ito. "Yes, miss."
"Thank you, Giaco. Tatawagan nalang kita kapag uuwi na ako."
"Miss, I will give this to you." Inabot nito sa aking ang pepper spray. "You don't want to bring me with you so you have to at least protect yourself."
"Thank you!" Agad akong lumabas na may ngiti sa aking labi. Baka si Apollo pa ang gumamit nito sa akin.
Tuloy-tuloy ako sa pagpasok sa magarang hotel at sumakay sa elevator. Bumaba ako sa sixt floor at masayang naglalakad.
"601... 602.... oh! 603." Pinindot ko ang doorbell at pagkatapos ay kumatok ng kaunti.
Bumukas iyon at bumuka ng kaunti ang labi ni Apollo. "What the heck! How did you— Geez!"
Pinasadahan nito ng kamay ang kanyang buhok. Nakasuot ito ng itim na sando at tight boxer shorts. Napansin ko rin na basa ang buhok nito. Hot mess! Ngumisi ako.
"Looking good, baby." Masaya kong sabi. "Hindi mo ba ako papapasukin?"
Sumimangot ito. "No. You're not allowed to enter my room."
"Kahit sandali lang?"
"Go away!" Malakas nitong isinara ang pinto.
Plan B.
"Aray! Aray! My fingers!" Hiyaw ko habang hawak ang aking mga daliri.
Bumukas ang pinto at bumungad sa aking ang nag-aalalang mata ni Apollo. "I'm sorry! Hindi ko napansin!"
Hinatak niya ako papasok at iniupo sa isang mahabang sofa.
"My fingers!" Pineke ko ang aking pag-iyak at halos mamatay ito sa guilt na nadarama.
Halos madapa-dapa itong kumuha ng bimpo at nagmamadaling nilagay ang nga ice cubes doon. Mabilis siyang tumakbo papunta sa akin. Lumuhod siya sa aking harap.
"Let me look at it! I'm really-"
Mabilis kong inabot ang kanyang batok at hinalikan ang labi nito. Tinulak niya ako at napatayo ito. Hindi ito makapaniwala sa aking ginawa.
"Ayan.. hindi na masakit."
Salubong ang kanyang kilay nang malaan ang ginawa ko. "You liar. Damn it. Do you know what you've done?"
"Yep. I caught you."
"I'm trying not to get too close to you because you might lure me again. Umalis ka na hangga't kaya ko pang pigilan ang sarili ko. Ayoko ng mangyari ang nangyari kagabi sa airport. " Mariin niyang saad.
"Kumain ka na ba ng dinner? Gusto mo bang ipagluto kita ng porkchop?"
Napahilamos ito sa kanyang mukha. Magsasalita pa sana ako ngunit narinig kong nag-ring ang kanyang phone. Kinuha niya iyon at agad nagpalit ang ekspresyong nito.
"Tallia.." Tumalikod siya sa akin habang kausap iyon.
Parang may karayom na tumusok sa aking puso. Buhay pa rin ang apeksyon nito kay Tallia.
"I told you not to cry when I'm with you... Cebu.... Zander? What do you mean? Please calm down a little, I'm getting worried."
Binuksan nito ang pinto ng balcony at lumabas roon. Nagtago ako sa gilid ng pader upang marinig ang usapan nila.
"So he left, huh? He left again.... if you'll approve, I can take his place, Tallia. I will take care of you." His voice was soft and gentle. "Yes... I did told you that.... "
Ang sakit kasi 'yung pagmamahal na gusto kong makuha mula kay Apollo ay ibinibigay nito sa iba.
"I could booked a flight right now just to hug and console you, Tallia.... Yes, I will." Nang ilayo nito sa tenga ang cellphone ay agad akong tumakbo papuntang living room at umarteng nanunuod ng palabas sa telebisyon.
Nagulat ako nang kuhanin nito ang bag at iayos ang mga gamit niya.
"Apollo.." Tawag ko sa kanya ngunit hindi nia ako pinansin. Lumapit ako at hinawakan ang balikat nito. "What are you doing?"
"I will book a flight back to Manila tomorrow morning."
"Pero isang linggo ang bakasyon mo."
"She needs me."
"No, Apollo. You think she needs you."
Matalim niya akong tiningnan. Umupo ako sa ibabaw ng kama at pinagdikit ang mga palad. Hindi ko alam kung magagalit ba ito sa sasabihin ko.
"Apollo, don't go." I said softly. Hindi pa rin ito tumigil sa pag-aayos. "You're not the one she needs, Apollo. Kahit anong gawin mo ay hindi ka niya mamahalin sa paraan na gusto mo."
"You shut your f*****g mouth, Hannah. Don't make me mad."
"She is just a selfish bitch." Inis kong saad.
Napatigil ito at hinarap ako. "What did you say? Did I heard it right?"
"It's the truth. Hahanapin ka lang naman niya kapag wala si Zander, 'diba? Hindi mo napansin? She has a bad habit of calling you when she's alone. You're just his substitute."
"Hannah, I warned you."
"You are just Zander's substitute. Kapag bumalik siya, itatapon ka lang ulit ni Tallia!"
"Hannah, shut it!"
"Nagagalit ka kasi totoo! Alam mo pero ayaw mo lang gawing reyalidad! Kasi mahal na mahal mo siya!" Hinayaan kong bumuhos ang aking emosyon.
"Hindi mo naiintindihan!"
"Magkatulad lang tayo, parehas nating binubuhos ang oras sa mga taong binabasura lang tayo! Kaya huwag mong sabihin na hindi ko naiintindihan!"
"Kahit ano pang sabihin mo ay hindi mo na ako mapipigilan na bumalik."
"Then what about me?" Matapang kong saad.
He smirked at me. "What about you? I don't give a shit."
*************
UNEDITED.
UPLOADED: 4.19.15
REVISED: 10Oct2020
SWEETKITKAT