Chapter 5

2163 Words
Hindi nakatulog si Dominique ng maayos kinagabihan dahil inaalala pa rin niya ang isang copy ng libro niya. Malakas ang kutob niyang may kinalaman si Jess sa pagkawala nito. Kahit kulang sa tulog ay mabilis na kumilos siya para maghanda ng sarili. Papungas pungas pa rin siya habang pababa ng apartment. Nag-toothbrush at nagpunas lang siya ng mukha. D'yan lang naman siya sa malapit kakain. Wala siyang tiyaga magluto lalo na sa umaga. Maagang nagluluto ang karinderya kaya paniguradong may makakain na siya. Nagulat pa si Erick at si Nana Lucing ng makita siya. "Abay himala maaga kang nagising, Dominique," nakangiting bugad ng matanda sa kanya. "May bago kasing trabaho, Nana kaya kailangang maaga," sabi niya at itinuro ang pagkaing gustong kainin. Sinangag, itlog, ham at daing ang pinili niya. Wala pa kasing gulay na luto si Nana dahil masyado siyang maaga. Sadyang binilisan niya ang pagkain dahil 5:20 na. Kaya niyang kumilos ng mabilisan. Mahigit pitong minuto lang siyang naligo at mabilis na nagbihis na. Nagsuot ng jeans at semi crop na shirt. Wala namang sinabi si Caleb na may uniform ba o wala kaya hindi na siya nag-abalang magsuot ng matino. Iniisip pa niya kung makakarating sa condo ni Caleb bago mag alas-siete. Basta sisikapin niya, sana 'di traffic. Sabagay mag-MRT naman siya. Pasalamat siya dahil nagsisimula pa lang dumami ng pasahero sa MRT. Nasa unahan na siya nakapila habang naghihintay na ng tren sa platform papuntang Guada. Pagdating sa Guadalupe ay naghintay pa siyang mapuno ang jeep na biyaheng BGC. Kaagad na pinindot niya ang doorbell pagdating sa tapat ng unit ni Caleb. Twenty minutes na lang bago mag alas-siete. Medyo excited siyang makita ang binata. Ikaw na maging personal assistant ng crush mo. Kinikilig pa rin siya hanggang ngayon. Unang araw niya pa naman. 'Di pa niya alam kung ano ba ang ginagawa ng PA nito. Pati kay Jess, excited din siya. Excited siyang balatan ito ng buhay dahil sa pagkuha nito sa libro niya ng walang paalam. Nakadalawang pindot na siya sa doorbell pero wala pa ring nagbukas ng pinto. Pinuwesto niya ulit ang kamay sa button para diinan ito nang biglang bumukas iyon. Bumulaga sa kanya ang nakatapis lang na si Caleb. Bagong paligo ito kaya ang mabangong sabon nito ang agad na nalanghap niya pagbukas. Napako ang tingin niya sa dibdib nitong may kaunting balahibo. Basta 'pag nakikita niya si Caleb, si Adam Levine ang nakikita, minus the tatoo. Napalunok siya ng gumalaw ang namumutok na dibdib nito. Sayang nag-almusal na siya. Gusto na niyang matawa dahil sa naiisip. Akmang ibaba niya ang tingin sa tapis ng magsalita ito kaya napatingin siya sa guwapong mukha nito. "Stop molesting my body, please! Ang aga aga pa," anito at nilakihan nito ang awang ng pinto saka tumalikod na. So pwede mamayang gabi? Pilyang tanong niya sa sarili kaya natampal niya ang ulo. Hinintay siya nito sa sala na nakapameywang. Wow, ganda naman talaga ng view, Eve este Dominique! sigaw niya sa sarili. Tumitig siya dito, ganon din ang binata nakatitig sa kanya. Sinuyod pa nito ang kabuuhan niya mayamaya ay nakakunot-noo ito. "What the hell are you wearing, Dominique?" malakas ang boses na tanong nito. May narinig siyang humagikhik kaya hinanap ng mata niya iyon. Sinamaan niya ng tingin si Jess na nakaupo sa dulong bahagi ng sofa. Mamaya ka lang bwisit ka! parang gusto niya isigaw kay Jess. Binalik niya ang tingin kay Caleb. Ayaw ba nitong magbihis bago siya kausapin? Naasiwa siya kahit papaano. Kung si Eve siya ngayon, okay lang. Kaso si Dominique siya sa araw. "Bakit may sinabi ka ba kung anong klase ang susuotin ko, boss? Wala diba?" sabi niya at nakiupo na din sa sofa. Kaya ngayon nakatingala na siya sa boss na walang suot na pang-itaas. Napalunok siya ng magawi sa panggitna nitong nakaangat. Kaagad na iniwas niya ang tingin dito at ibinalik sa mukha nitong maasim na. "Kilala mo at kung sino ako, right? Common sense na lang, Dominique!" naiinis na sabi nito at tumalikod ito papuntang kuwarto. Iningusan na lang niya ang binata pagkuway tumingin kay Jess na nakangiti. "Hoy, ikaw! Ibalik mo sa akin ang isang libro. Hindi akin 'yon!" sigaw niya dito. "What? Anong libro?" nagmaang maangan nitong tanong. "Bwisit ka! 'Yong laman ng box ko na hawak mo kahapon. Di'ba binuksan mo iyon? Don't me sabi nga ni Maja!" "Hindi, ah! May ebidensya ka ba?" "Wala, pero narinig ko ang pagbukas ng box. Sigurado akong ikaw ang kumuha!" sabi niya at lumapit dito. Tumingin siya sa bag na hawak nito. Akmang kukunin niya iyon para tingnan nang biglang nagsalita si Caleb. "Wear this, Dominique," sabi nito at nilapag ang dalang paper bag sa upuan. Tumingin siya sa kabuuan nito, sayang may damit na. Inabot niya ang paper bag at tiningnan ito. Dalawang klase iyon, isang nude dress na may sleeve na sa tingin niya hahakab sa katawan niya. Hindi siya sanay doon kaya tinapon niya ito sa kabilang gilid ng sofa at pinili ang army green chiffon short sleeve shirt na kapares ang khaki na pants. "Gusto ko 'to," sabi niya at tumingin sa binata. Tumango lang ito at pumunta ng kusina. Lumingon siya kay Jess na nagbubuklat ng magazine. "Saan ang banyo dito, Jess?" tanong niya kaya napaangat ito ng tingin. "Doon!" Sinundan niya ang tinuro nito. Lumukot ang mukha niya ng tinuro nito ang kuwarto ng boss. "Seryoso ka? Kuwarto 'yan ni boss, hindi CR!" inis na sabi niya. "Oo nga, kuwarto nga 'yan ni boss. Sira ang pinto ng banyo sa kabilang kuwarto kaya doon ka na lang magbihis. Magpaalam ka muna kay boss," sabi lang nito na nakatutok ang tingin sa magazine. Napa-tsk na lang siya sa sinabi nito at tinungo ang kusina. Nadatnan niyang kumakagat ng sandwich si Caleb habang nagkakape. Napatingin siya sa labi nitong may kaonting mayo. Lumapat doon ang daliri nito at pinahid ang mayonnaise pagkuway dinilaan ang daliri na may mayo. Sunod-sunod ang lunok niya, feeling niya ang seksi niya sa ginagawa nito. Sumimsim din ito ng kape. Bakit ganon ito uminom ng kape? Walang sound? Bakit 'pag siya ang ingay? Mayaman talaga. Napansin siguro nito ang presensya niya kaya tumingin ito sa gawi niya. Itinaas nito ang sandwich na kinagatan na nito. "You like?" tanong nito. Umiling na lang siya. "Then, why are you here? Dito ka ba magbibihis sa harap ko? Do you need my help?" anitong nakangisi sa kanya. "No!" mabilis na sagot niya. "Magpapalam lang po ako na makigamit ng banyo mo sa kwarto. Sira daw kasi ang pinto sa kabila eh," sabi niyang nahihiya pa. Napakunot-noo naman ito at tumingin sa gawi ng sofa. Mayamaya ay nagsalita ito. "Okay. Banyo lang ha?" anito at sinipat ang mukha niya. "Opo. Promise!" sabi niya at tinalikuran na ito. Akala mo naman may tinatago ito sa kuwarto nito. Akmang hahawakan niya ang door knob nang may pumigil doon. "Let me in first and wait for my call," anito at mabilis na pumasok at sinarado iyon. Narinig niyang tumawa si Jess kaya tumingin siya dito. "May something ba sa loob na ayaw makita ng kung sino?" tanong niya dito. "Meron, dalawa," anitong natatawa. Nacurious siya kaya lumapit siya dito. "Dalawa? Dalawang babae ba?" aniyang parang chismosa. "Hmm, dalawang bagay pero parang ganon kasi pag-aari ng babae yon eh," "Bra? Panty?" biglang tanong niya kaya napahalakhak ito. "Ano nga?" "Secret! Baka mawalan pa ako ng trabaho!" sabi nito at ibinalik ang tingin sa magazine. Napalingon siya sa pinto nang marinig si Caleb. "Makikipag-chismisan ka ba o magbibihis? Malelate na tayo, Dominique!" sabi nito at tumalikod na. "Ayan na papasok na, boss," pasigaw na sabi niya para marinig nito. Pagpasok niya ay nakita niya itong nakaupo sa couch na nakatingin lang sa sa hawak nitong cellphone. Nilibot niya ang tingin. Kasing linis yata nito ang silid nito. Parang nakadikit na sa kuwarto nito ang natural na amoy ng binata. Napakalaki din ng kama nito, parang nang-aanyaya na matulog na. Siguro napakalambot niyon. Luminga-linga siya at hinanap niya ang pinto ng banyo. May dalawang pinto siyang nakita pero di niya alam kung alin sa dalawa. Niilapitan niya ang unang pinto at binuksan. Napa-Oh siya ng makita ang mga naggagandahang damit pambabae at panlalaki sa loob. Kasing laki yata nito ang kuwarto niya sa apartment niya. Closet lang nila ito? Pero bakit ang daming mga damit pambabae? Sayang talaga tong boss niya taken na pala. Baka may babae din sa loob? Tanong niya sa sarili. Hindi pa niya sinasara ang pinto ng marinig ang baritonong boses si Caleb sa likod niya kaya napapitlag siya. "Akala ko ba banyo lang?" Biglang nilingon niya ito. Halos isang dangkal na lang ang pagitan nila kaya hindi siya agad nakapagsalita. Umatras siya dahil feeling niya ang lapit-lapit na nito sa kanya. Nawala sa isip niya na bukas pa ang pinto ng closet nang umatras siya. Kaya naman muntik na siyang mabuwal. Buti na lang at nasa harap pa niya ang binata. "Ops!" ani ni Caleb at bigla siyang kinabig palapit sa katawan nito. Napahawak siya sa dibdib nito. Ang kaliwang kamay nito ay nakapulupot sa beywang niya. Eto ang kauna-unahang may yumakap sa kanya ng ganon. Nagdulot iyon ng kiliti sa buong pagkatao niya. Tumingin siya sa labi nitong nakaawang pa rin. Parang ang lambot lambot naman ng labi nito. Kaagad din niyang binawi sa isip bago pa umandar ang makamundong isipan niya. Mabilis na kumalas siya sa pagkakayakap nito. "Hinahanap ko kasi ang banyo. Sorry, mali pala ang nabuksan ko," mahinang sabi niya at tinungo ang isa pa'ng pinto saka dali-daling binuksan iyon para pumasok. Pagpasok sa banyo ay mabilis na isinara niya iyon at nag inhale, exhale na rin siya. Ni-relax niya muna ang sarili bago nagbihis. Mga ilang minuto din siya sa loob. Sinigurado niya munang maayos ang hitsura. Pinkish pa rin naman ang labi niya dahil liptint ang gamit niya doon. Dumukot siya sa sling bag ng fresh powder at naglagay. Pagkatapos ay sinipat niya ulit ang sarili. "Bagay na kami ni boss," bulong niya sa sarili nang masiyahan sa repleksyon. Maganda din naman siya kapag naayusan kaso tamad lang siya mag-ayos. Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag niya saka lumabas. Paglabas niya ay nakabihis na din ang binata. Nakaharap ito sa salamin kaya hindi siya nito nakita. Kasalukuyang naglalagay ito ng necktie. Ang pogi naman talaga ni Adam, este ni Caleb. Sarap iuwi! aniya sa sarili. Yumuko siya at dahan-dahang humakbang papuntang pintuan para hindi siya nito mapansin. Pero napapitlag siya ng tawagin nito. "Dominique!" anito at hininto at hawak ang necktie pa rin. "Come, help me with this, please." Tukoy nito sa hawak hawak na tie. Marunong din naman siya mag-ayos ng necktie dahil pinag-aralan niya iyon dahil kailangan minsang i-describe kung paano ito suotin ng mga tauhan sa mga sinusulat niyang nobela. Lalo na kapag ang bidang babae ang gagawa noon sa para sa asawa or nobyo nito. Lumapit siya sa binata. Umatras ito para magkaroon ng space sa unahan nito. Bali nakatalikod siya sa salamin. Hindi niya abot ang leeg nito kaya ito na ang naglagay ng tie na tinanggal kanina. Hinawakan niya ang magkabilang dulo ng necktie. Pero, napako ang tingin niya sa isang frame na nasa wall. Isa iyong wedding picture. Bigla siyang nalungkot. May asawa na pala ito. Hindi na lang niya ito pinansin. Sinimulan na niyang ayusin ito at sa hindi sinasadya ay bumukas ang bibig niya. "Asawa mo yon?" Nguso niya sa frame na nasa likod nito. Hindi niya napansing napahigpit ang paghila niya sa necktie nito habang nakatingin sa mukha nito dahilan para mapa-aray ito. "Ouch, dahan-dahan naman!" "Sorry," labas sa ilong niyang sabi. "Yes, she's my wife," anito at nakatitig na din sa kanya. Kaya pala ang daming damit sa closet nito na pambabae. Sayang talaga. Tumigil siya sa ginagawa at tumingin ulit sa mukha nito. "Ah, okay. Bakit wala siya dito. Dapat siya ang nag-aayos nito," Bigla itong nalungkot. Nakaramdam tuloy siya ng konsens'ya. Pinagpatuloy na lang niya ang ginagawa. "She died, four years ago," malungkot na sabi nito. Natigilan siya. Kaya pala. Nakaramdam siya ng tuwa kahit papano. "Di'ba till death do us part? Bakit di ka sumunod sa kanya?" pabirong sabi niya. Ewan basta lumabas na lang sa bibig niya. Natigilan naman ito sa sinabi niya. Mayamaya ay sumama ang timpla ng mukha nito. "Why, gusto mo bang sumunod na ako?" tanong nito at mahigpit na hinawakan ang kaliwang kamay niya pagkuway pinisil pa iyon. "Hey, I'm just joking. Sayang naman ang lahi mo kung susunod ka agad." Nginitian niya ito at hinila niya ang kanyang kamay na hawak nito pagkuway mahinang hinampas sa dibdib nito. Ang awkward. Natawa ito ng mahina sa sinabi niya. Ewan parang ang seksi nung tawa niya. Isa pa please? sabi niya sa isip. "Talaga? Sayang ang lahi ko? So, may possibility na magpapalahi sa akin?" Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi nito. Natigilan siya sa sinabi nito. Parang mali yata ang nasabi niya sa binata. Pinatulan pa siya tuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD