Chapter 6

2212 Words
Hanggang ngayon kinikilabutan si Dominique sa sinabi ni Caleb sa kanya. Hindi na siya umimik hanggang sa makasakay sila ng sasakyan. Parang natakot siya sa tanong ni Caleb kanina. Makamundong kaisipan 'yon para sa kanya. Alam niyang biro iyon pero 'di pala niya kaya ang mga ganoong biruan. Ni hindi pa nga niya kilala ang buong pagkatao niya lalo na ang pinagmulan niya. Tsaka wala pa sa isip niya ang mga gan'yan. Hindi pa nga siya nakapagtapos ng pag-aral, eh. Marami pa siyang pangarap sa buhay. Balak pa niyang mag-enroll sa susunod na taon. Isa pa napakahirap abutin ni Caleb. Kaya naman hanggang pagpapantasya lang siya. Magkatabi sila ngayon ni Caleb sa likod habang si Jess naman ang nagmamaneho. Parang nawalan siya ng lakas. Hinigop yata ni Caleb. Panira tuloy ng araw. Inilabas niya ang earphone. Pagkatapos ay ikinonekta sa cellphone at pumili ng kanta. Wala talaga siya sa mood makipag-usap. Napansin niyang panay ang sulyap ni Jess sa kanya na iniingusan niya lang kapag nahuhuli. Pangiti-ngiti naman ito kapagkuwan. Palipat-lipat din ang tingin nito sa kanila ni Caleb. Ah, basta ayaw niya munang lingunin ang katabi. Ilang sandali pa ay tumigil ang sinasakyan nila. Napatingin siya sa labas nang makita ang mataas na istraktura. Ito na marahil ang building na pagmamay-ari ng mga Moore. Wala pa siyang ideya kung anong klaseng business ang meron ang mga ito. Tinanggal niya ang kanang earphone at tumingin siya sa katabi. "We're here," anunsyo nito sa kanya na nakangiti. Akala mo naman konduktor ito. Bakit kailangan pang sabihin sa kanya. Ngumiti lang siya ng mapakla dito. Mayamaya ay pinagbukas ni Jess si Caleb sa kabilang side samantalang nanatili siya sa loob muna. Tinanggal niya ang earphone, inilagay sa bag at inayos ang sarili. Napakunot-noo siya ng makitang nagmamadali si Caleb na papunta sa gawi ng pinto niya. Parang magpapaka-gentleman yata ito. Ayaw niyang ito ang magbukas dahil boss niya ito. Ano na lang ang iisipin ng iba. Kaya bago pa nito maabot ang dahon ng pinto ay binuksan na niya ito, na ikinatigil naman at ikinasama ng timpla. Napangiti siya sa reaksyon nito. Halatang nainis kasi nakalabas na siya. Feeling niya napahiya ito dahil talagang ipagbubukas nga siya nito ng pinto. Gentleman din naman pala sana. Hindi na niya nakita ang sumunod na reaksyon nito dahil mabilis na humakbang na ito papalayo kasunod si Jess na lumingon pa sa kanya at sinabing bilisan. Sumunod naman siya sa dalawa ng makitang papunta na ito sa entrance ng building. Narinig niyang binati ang binata ng guwardiya. Hinintay naman siya ni Jess sa may entrance at isinabay siya nito papasok gamit ang card nito. Nasa 30th floor ang pinaka opisina ni Caleb kaya parang gusto niyang malula. Mayaman pala talaga sila. Nakita niyang sumakay ito sa executive elevator at hinintay si Jess. Si Jess naman ang humawak ng button para hindi sumara dahil hinihintay pa siya, na lakad takbo ang ginagawa. Na-amaze kasi siya sa disenyo ng entrance. Puro glas pa. Pati elevator, made of glass din. Hingal na hingal siya ng makapasok ng elevator. Ang lalaki din kasi ng mga hakbang ng mga ito. Pumuwesto siya sa pinakagilid at sa gitna naman si Caleb na busy sa cellphone. Dahil magkapantay sila ni Jess ng puwesto, tumingin siya dito na nasa tabi ng button. 'Di pa rin niya nakakalimutan ang nawawalang libro niya kaya nag-sign language siya. Hindi yata siya nito naintindihan. Mayamaya ay ngumuso naman ito papunta sa direksyon ni Caleb. Tinaasan niya lang ito ng kilay. Nahulaan niya ang sinasabi nito. Ang tinutukoy nito, 'yong nangyari kanina sa kotse. Baka nga napahiya talaga. Hindi na siya pinansin ng binata hanggang sa makarating sa opisina nito. Tiningnan niya ang binata na kausap pa ang magandang sekretarya nito. Itinuro pa siya nito kaya napalingon sa kanya ang sekretarya nito. Naghihintay din siya ng iuutos nito. Pero nalungkot siya dahil si Jess ang binubuntutan niya, hindi si Caleb. Naging sunod-sunuran lang siya kay Jess nang mga sumunod na oras. May mga pinapapirmahan ito sa ibang department na dapat ay sekretarya ni Caleb ang gumagawa noon. Hanggang ngayon kasi magkausap pa ang mga ito sa loob ng opisina nito. Akala pa naman niya PA siya ng binata. Hindi nito sinabing PA siya ni Jess. Napatingin si Jess sa kanya nang makitang natulala siya. "'Wag kang mag-alala, iniisip ka noon," nakangiting sabi nito. "Nino naman? Tsaka wala akong iniisip!" tanggi niya. Muntik na niyang batukan ito kanina dahil hanggang ngayon kasi hindi pa ito umaamin. Binulatlat pa nito ang itim nitong bag sa harapan niya pero wala siyang makita. Parang gusto niyang i-house raid ang bahay nito. Papasok sila sa opisina ni Caleb nang bigla niya itong tinanong. "Sa'n ka nakatira, Jess?" Tumigil ito sa paglalakad at binalingan siya. "'Wag ako, Dominique," sabi nito at ginaya si Maja. "Wow, tinanong lang kita kung saan ka nakatira, nag ala-Maja ka na agad. Naiisip ko ang naiisip mo, Jess. Hindi 'yon ang dahilan bakit ko tinatanong ang tinitirhan mo," litanya niya. "Bakit mo ba kasi tinatanong?" "I-house raid ko sana ang bahay mong bwisit ka para makita ko ang libro na pinapahanap sa akin!" pasigaw na sabi niya dito "Vlogger ka ba at may pa-house raid ka? Ano ba channel name mo at ng ma-subscribe ko," sabi nito na inilabas ang cellphone at binuksan ang youtube. "Sige search mo, caps lock, ha as in malalaking letra. S-I-N-U-N-G-A-L-I-N-G," inis na sabi niya dito na ikinatawa naman nito ng malakas. Napailing na lang siya dito. Nagmamaang-maangan na naman ito. "Muntanga lang," bulong na lang niya naiinis pa rin at umupo sa couch. Buti na lang kamo konti lang ang matured content sa librong iyon. Dahil kung hindi baka anong iisipin nito sa kanya. Napagod siya kakabuntot kay Jess, parang inikot na nila ang buong building. Hinanap agad ng mata niya si Caleb. Hindi niya ito makita kaya tinanong niya ang kasama. "Oh, nasaan si boss?" tanong niya dito. "Baka nasa meeting," sabi nito. "Ah okay. Ang boring, walang ibang magawang matino. Ganito ba trabaho talaga ng personal assistant niya? Eh, parang ikaw yata ang boss ko dito, eh. Lagit akong nakadikit sayo. Mamaya niyan magkapalit na tayo ng mukha," papalatak na sabi niya. "Bakit ayaw mo ba saken? G'wapo naman ako, ah! Ilang paligo lang ang lamang sakin ni boss, Dominique," tatawatawa nitong sabi. "Wow, lakas ng hangin, grabe! Ayoko na sa earth talaga! Hoy, Jess, hawak ka baka liparin ka ng sarili mong hangin!" sarkastikong sabi niya dito. "Grabe ka! Parang hindi ka nga talaga naniniwala. Oo na, alam ko naman na si boss ang gusto mong makasama. Sige na nga, sasabihin ko na sa kanya na bati na kayo, at namimiss mo na siya," anitong dali-daling lumabas ng opisina. Kinabahan siya bigla. Baka nga sabihin nito kay Caleb. Daldal pa naman nito. "Hoy, Jess wala akong sinabing gano'n! Umayos ka!" sabi niya at sinundan ito palabas. Gusto na niyang sumigaw dahil derederecho ito sa tapat ng conference room kung saan may nagaganap na meeting. Hihilahin sana niya ito pero huli na dahil bumukas na ang pinto at iniluwa ang guwapong boss nila, na noo'y nakasimangot. "Boss!" sabay na sabi nila ni Jess. Kaagad na tinakpan niya ang bunganga nito dahil parang gusto na nitong magsalita. Nakatingin si Caleb sa kamay niyang nakatakip sa bibig ni Jess. Mabilis na binitawan niya ito dahil sa paraan ng tingin nito. Natahimik naman si Jess kaya ipinagpasalamat niya. "Pumasok ka sa loob, Dominique," seryoso nitong sabi. Nagulat siya sa sinabi nito. "A-ako ho?" "May iba pa bang Dominique dito? Sige nga hanapin mo at papasukin mo dito!" galit na sabi nito at pumasok muli sa loob. Sungit naman. Mukhang may regla yata. Sa takot ay sumunod na lang siya. Parang gusto niyang magtago sa likod ni Caleb nang makapasok dahil sa kanila nakatuon ang atensyon ng mga tao sa loob ng conference room. Pinaghila pa siya ng boss ng upuan kaya parang bubuyog na nagbubulungan ang mga nasa loob. Tumabi pa ito sa kanya. Napatingin siya sa kaliwa niya, nakangiti ang magandang sekretarya nito. Napansin niyang nagbubulungan pa rin ang mga nasa paligid kaya tinuon niya ang tingin sa screen na naka-pause. "Proceed." Utos ni Caleb sa lalaking presentor. Hindi niya alam kung bakit pinapasok siya ni Caleb. Wala siyang naintindihan dahil puro designs ng building at eroplano ang nakikita niya sa screen. Inaantok na din siya dahil kulang nga siya sa tulog. Natapos ang meeting na iyon na wala siyang naintindihan. Halos mga nakangiti naman ang mga nasa meeting nang magpaalam siya pagkatapos i-dissmissed ng binata. Hindi man lang kasi nagpaalam si Caleb sa mga ito. Sabagay, ang binata nga pala ang boss. Nagmadaling sumunod siya sa boss ng makitang nakalabas na ito. Sinipat niya ang relong pambisig habang malalaki ang hakbang, alas-onse na pala. Muling ibinalik niya ang tingin sa boss na noo'y paliko na ng hallway. Bakit ba kasi napakalaki ng hakbang nito. Bago ito lumiko ay nilingon siya, nahalata sigurong pagod na siya kaya huminto ito. "Tsk. Ang bagal mo maglakad," narinig niyang sabi nito. Napaangat siya ng kilay. Ayaw niyang patulan ito. "Hindi ako mabagal maglakad, sadyang ang lalaki ng mga hakbang mo!" sabi niya dito. "Para ka kasing kabayong hinahabol," pabulong na dugtong niya. Lumukot ang mukha nito. "What?" tanong nito. Mukhang narinig yata nito ang huling sinabi niya. "Sabi ko ang pogi mo po, bungol nga lang!" aniya nang nakaharap na siya dito. "Yeah, I know. Pero ano 'yong bungol?" tanong nito na nakakunot-noo. Bigla siyang natawa ng malakas. "Wala yun, boss," sabi niya na natatawa pagkuway inunahan niya ito papuntang opisina nito. "Dominique!" narinig niyang tawag nito sa kanya na nakasunod sa kanya. Hindi niya pinansin dahil baka tanungin siya ulit nito. Naging abala na sila ng mga sumunod na oras. Tinutulungan niya si Hailey sa mga ginagawa nito. Si Hailey ang sekretarya ni Caleb. Akala niya noong una, masungit ito. Mali pala siya ng inakala. Napagkasunduan nilang mag-Jollibee sila pagdating ng tanghalian. Busy si Caleb sa loob ng opisina kaya hindi na sila nagpaalam na dalawa nang sumapit ang tanghalian. Wala daw sa oras ang kain nito kapag subsob sa trabaho kaya hindi na talaga nila inabala ang boss. Wala si Jess kasi may inutos dito si Caleb. Nag-enjoy siyang kasama si Hailey. Sobrang daldal din pala nito kaya naman nagkasundo sila. Puro tawanan sila hanggang sa makarating ng opisina. Pero nawala ang mga ngiti sa labi nila ni Hailey nang mabungaran si Caleb na banas na banas. "Where have you been all this time, Dominique? Are you really my PA? Ilang buwan ang gusto mong idagdag ko sa parusa mo?" galit na bungad nito sa kaniya. Sasagot sana siya ng pigilan ni Hailey. "Sir ako po ang may kasalanan. Ako po ang nagyaya-" Hindi na tuloy ni Hailey ang sasabihin dahil sumigaw na ito. "Damn! I'm not talking to you, Hailey!" galit na sigaw nito. Napatingin sa kanila ang mga bagong dating na employee, na galing sa lunch break. Hind niya alam kung ilang sandali siyang natulala. Halos hindi siya makagalaw sa takot dahil sa sigaw nito. Ito ang kauna-unahang narinig niya itong magalit. Hindi niya rin maintindihan ang sarili bakit parang hindi siya sanay na may sumisigaw sa harapan niya. Parang paulit-ulit na nag-e-echo ang boses ni Caleb sa tenga niya kaya nakaramdam siya ng takot bigla. Kaya napa-atras siya ng dalawang beses. Nagtataka naman si Hailey sa reaksyon niya. Napansin siguro ni Caleb ang pag-atras niya at naging reaksyon niya kaya biglang lumambot ang mukha nito nang tingnan siya. Bakas ang pagsisi sa mukha nito dahil sa ginawa nitong pagsigaw. Mayamaya ay naramdaman niya ang mga kamay nito sa mga palad niya at hinila siya papasok ng opisina nito. Napatingin ito sa mga kamay niya na nanginginig saka tumingin sa mukha niya na parang tulala. Naramdaman niya ang pagkabig ng binata sa kanya nang tuluyang na silang nakapasok ng opisina nito. Para siyang tuod habang yakap nito. "Oh, God! I'm so sorry, Sweetheart! Hindi na mauulit. Pangako," anitong punong-puno ng pagsisi at mas lalong humigpit ang yakap nito. Naramdaman pa niya ang paghalik nito sa buhok niya habang bumubulong ng 'sorry'. Hindi niya masyadong pinagtuunan ng pansin ang endearment na ginamit nito dahil mas nangingibabaw ang panginginig ng mga kalamnan niya. Unti-unti na ring namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Hanggang ngayon ay ramdam niya ang takot dahil sa pagsigaw nito kanina. Kahit noon pa man ayaw na ayaw niya ang mga sigawan. Hindi rin siya sinisigawan ng ina-inahan, lagi itong kalmado kapag kausap siya. Kung galit man, lumalabas ito ng bahay nila para magpalamig. Para bang iniiwasan nito ang pagalitan at sigawan siya. Hindi rin siya nasisigawan sa fastfood dati dahil lahat ginagawa niya para hindi magkamali. Pakiramdam niya ay araw-araw niya itong naririnig noon. Pitong taong gulang lamang siya ng mapansin ito sa kanyang sarili at parang may parte ng memorya sa kan'ya na nawawala. Natanong na niya ito dati sa kinalakhang ina pero wala siyang makuhang sagot dito. Basta paulit-ulit lang nitong sinasabi, na iniwan lang siya sa isang basurahan na pinaniniwalaan niya hanggang ngayon. Hindi niya namalayang kanina pa pala siya umiiyak. Mas lalong lumakas iyon dahil sa pag-alo ng binata sa kanya. Hindi na niya namalayan ang mga sumunod dahil binalot na ng kadiliman ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD