Chapter 4

2320 Words
Hindi pa rin makapaniwala si Dominique sa kaharap. Ilang beses yata siyang lumunok ng laway. Nanunuyo na ang kan’yang lalamunan. Parang gusto na niyang sumigaw ng darna, ay hindi tubig pala. Hindi rin siya mapakali dahil nakatitig ito sa kan’ya. Kung yelo lang siya ay marahil tunaw na siya. Shit na malagkit! Hindi niya alam kung kinikilig ba siya sa kaharap o nanamantala. Kung alam lang ng kaharap niya, na namiss lang naman niya ito. Kung hindi siya nagkakamali nagkakagusto na siya yata dito dahil ito ang laging iniisip niya sa tuwing magsusulat. Ito na ang leading man niya sa dalawang naisulat na kwento. Nilulubos niya ang isang buwang hindi ito nakita, titig na kung titig. Ilang araw na siyang bumabalik sa bar pero ni anino nito ay 'di niya nahagip. Nahiya rin siya magtanong sa kapatid nito. Gumawa pa siya ng IG account para i-stalk ito pero mukha ng mga aso ang mga nasa wall nito. Akala niya ay hindi na ito makikita. Ilang beses pa lang niya itong nakikita pero iba na ang t***k ng puso niya. Dagdag pa ang pag-ganap nito sa mga sinusulat niya. Parang pinagnanasaan na nga niya yata ito. Hindi niya alam kung sinadya ba nitong i-unbutton ang white shortsleeve shirt na ipinares nito sa kulay gray na short. Napalunok ulit siya. Ang kisig at ang linis talaga nito. Kagaya noong una niyang makita sa resort. Naupo ito pero nakatitig lang din sa kan’ya. Ang hot din nitong tingnan habang nilalaro-laro ang mga labi na parang kaysarap matikman. Hindi niya alam kung parehas silang nagpapakiramdaman. Walang may gustong magsalita. Sabi nila makuha ka sa tingin bakit hindi ko makuha? napailing siya sa naisip. Iba na ito, Dominique! parang gusto niyang isigaw. Parang hindi na niya kilala ang sarili niya sa mga oras na ito. Baka makalimutan niyang, siya si Dominique ngayon, at hindi pa madaling araw para lumalabas ang isang may makamundong katauhan niya, si Eve. Kanina pa din ito nakatitig sa kan’ya. Pero hindi niya alam kung bakit nakikipagsukatan din siya ng tingin dito. Parang maiihi na siya sa short. “Dominique, right?” Napapitlag si Dominique nang marinig ang boses nito. What the… Parang gusto niyang mapapikit. Feeling niya hinihele siya sa boses nito. Parang gusto niyang ibuka ang mga kamay at magpatihulog sa kama nang mga sandaling iyon. Parang nasa alapaap siya. Pero wala pala siya sa kama, nasa sofa parin siya, kaharap nito. “Are you with me, Ms. Esguerra?” anitong ikinumpas ang kamay kaya mabilis na sumagot siya. “Y-yes!” at nauutal pa siya. Shit! Ano bang nangyayari sa kan’ya? Pakiramdam niya ay ginigisa siya ng mga kalamnan niya. Hindi na rin siya nakakapag isip ng maayos. Parang ang init ng paligid. “Good. Para kasing kanina mo pa ako pinagpapantasyahan sa isipan mo,” makahulugan nitong sabi. Natigilan siya sa sinabi nito. Sinulyapan niya ito saglit. Nasilayan niya ang pag-arko ng mga labi nito. Feeling niya, makamundong ngiti iyon. Parang nababasa nito ang nasa isip niya. Kaya nag-isip siya ng p'wedeng sabihin dahil nakakahiya nga ang ginagawa niya. “A-ah, e-eh, parang pamilyar po kasi kayo, boss. Kanina ko pa iniisip kung saan tayo nagkita,” palusot na sabi niya. “You too. I think sa ZL Lounge?” anitong patanong. Parang gusto niyang sabihing mali. Dahil ang totoo, sa resort niya ito unang nakita. "Ah yes, sa ZL nga. Sister mo si Arriane, right?" O diba, ang galing niya. Napangiti siya ng lihim. "Yeah." Pero mayamaya ay sumeryoso ito. Bumuntong hininga muna ito bago pa nagsalitang muli. "I don't care if you are a good friend of my sister. Now, let's talk about my baby. My precious car. Anong pumasok sa isipan mo bakit mo binato ang sasakyan ko? Don't you know how much the damage is?" sunod-sunod na tanong nito. Bigla siyang napayuko. Hindi siya makapagsalita. Tapos na ang pagpapantasya harapin na ang dapat harapin. Buwan niya din inisip ang nangyaring iyon. "Ah-eh, hindi naman po sinasadya boss. 'Yong bato kasi-" Hindi na niya natuloy kasi bigla itong sumingit. "Tatanga-tanga, ganon?" Tumawa ito ng pagak. "Eh, ikaw hindi? My God! I can't believe this, na bato pala ang may kasalanan kung bakit nagkaganon ang sasakyan ko! Mali yata ang report sa akin ni Jess kung ganoon," palatak na sabi nito. Nag-init bigla ang ulo niya. Parang sinasabi naman nitong tatanga-tanga talaga siya. Wow, ngayon lang siya nasabihan ng gano'n sa tanang buhay niya. Of all people, siya pa talaga! Sayang naman ang kaguwapuhan pala nito kung magaspang naman pala ang pag-uugali. Sayang din ang paghangang binigay niya kahit sa kaonting panahon. "Pasensya na po, boss pero parang may mali po yata. Sa tono ng pananalita mo at pagkakaintindi ko. Tatanga-tanga ako gano'n? Hindi ko nga sinasadya diba? Eh, 'di ikaw ng matalino! Bwisit!" malakas na sabi niya at mabilis na tumayo saka nagmarcha papuntang pinto. Hindi na niya tiningnan ang reaksyon nito. Hindi pa siya nakakarating ng pinto nang marinig itong may kausap. Parang police kaya nilingon niya ito. Kinabahan siya bigla sa mga tingin nito mukhang siya ang tinutukoy nito. "Hey, Chief it's me, Caleb! Hmmm, yeah tungkol ito sa incident na itinawag ko sayo last time, remember?" anito at sumandal sa upuan at mataman siyang tiningnan Tumataas pa ang kaliwang kilay nito habang nakikikinig sa kausap. Mayamaya ay nilaro na naman nito ang mga labi habang nakatitig sa kan’ya. Napalunok siya dahil gustong gusto niya ang view, parang ang seksi nito kapag ginagawa iyon. Bumalik siya sa realidad nang magsalita ulit ito. "Uhuh, actually she's here. Pero mukhang ayaw yata-" Hindi na nito natuloy dahil mabilis na tinakbo niya at sinenyasan na tumigil. Nahulaan naman nito ang ibig sabihin niya. Kaya, kaagad namang nagpaalam ito sa kausap at sinabihang babalikan na lang saka pinatay na ang tawag. Ngumiti ito ng mapakla kaya pilit din siyang ngumiti saka bumalik sa dating inupuan niya. "What? Akala ko aalis ka na. The chief is waiting for the result," anitong hindi inaalis ang tingin sa kan’ya. "I'm sorry sa inasal ko kanina, boss. Hindi lang kasi ako sanay ng sinasabihang tatanga-tanga." mahinang sabi niya. Nawala ang tapang niya tuloy. "Okay, I got it. You're forgiven," sagot nito at nag-cross legs. "Magkano po ba ang damage na babayaran ko po para matapos na ito. May trabaho pa po kasi ako mamaya," derechahang tanong niya. "Oh, actually I don't need your money, Ms. Esguerra. But I need you, especially your service," derechahang sagot din nito. Service? Anong klase naman? Paglilinisin niya ako ng buong bahay o kaya mag co-community service? sunod-sunod na tanong niya sa isip. Napahinga siya ng maluwag dahil hindi pera ang gusto nito. Ibig sabihin wala rin itong balak na ipakulong siya. "S-service po? I mean anong klaseng serbisyo po?" takang tanong niya. “You will be my PA for 90 days kapalit ng nadamage na sasakyan ko. After that, we’re even. Don't worry, babayaran ko naman ang araw mo,” anitong ikinumpas pa ang kanang kamay habang ang kaliwa ay itinukod sa gilid ng sofa. Nagulat siya sa sinabi nito pero hindi niya pinahalata. Hindi niya iniexpect na ganito ang kapalit ng nagawa niya sa sasakyan nito. Tapos may bayad pa? Nakaramdam siya ng tuwa. Eh di araw-araw na niyang makikita ito? Napangiti siya sa loob. “As in personal assistant boss?” pagkompirma niya rito. “Yeah.” "Pero bakit po, PA talaga? Paano po si Jess, diba PA mo 'yon? " curious niyang tanong. "Sinabi ko bang tanungin mo ako ng kung ano-ano, o ng dahilan ko? Pasalamat ka na lang at 'yan ang naisip ko, at hindi ang pagpapakulong sayo. You choose, Ms. Esguerra madali akong kausap. Isang tawag ko lang kay chief nandito na siya," matigas na sabi nito. Ay andaming sinabi, tinanong lang naman niya kung bakit. "Nagtatanong lang naman ako boss. Hindi ko ho sinabing hindi ako pumapayag sa gusto mo,"magalang niyang rason. Tumaas lang ang kilay nito sa sinabi niya. Naalala niyang may trabaho pa pala siya, kaya paano na? Next week pa ang end of contract niya. Kung hindi siya nagkakamali, Tuesday iyon. P'wede naman niya sigurong kausapin ito. “Kelan po ba ako magsisimula? Pero p'wede po bang next week na lang po? Sa Thursday po sana, kung pwede,” aniya. “Why?" nakakunot-noo nitong tanong. “Eh, sa Tuesday po kasi ang end of contract ko sa fast food. Wednesday naman po, magre-report po ako sa agency,” paliwanag niya. Tumango-tango naman ito at halatang kumbinsido sa rason niya. "Okay. See you on Thursday, then!" anito pagkuway tumayo na, kaya, tumayo na din siya at nagpaalam. Nakaisang hakbang palang siya nang magsalita ulit ito, kaya bigla siyang lumingon dito. "Be here at 7 in the morning and please don't be late. One minute late is equal to one day in addition to your punishment," anito at tuluyan ng naglakad papasok ng k'warto. Lupet! Paano pala kung 20 minutes eh 20 days din ang dagdag? Iningusan na lang niya ito nang nakatalikod na. Ni hindi man lang siya nito inabalang tingnan. Parang nanghinayang siya dahil hindi man lang siya nito hinatid sa may pinto. As a visitor. Napangisi siya sa naisip. Mabilis na lumipas ang mga araw. Miyerkules na agad. Pagkagaling niya ng opisina ng agency nila ay dumerecho siya sa condo ni Keana para kunin ang mga libro na na-print na. Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nang ma-published ang isa sa mga paborito niyang naisulat. Dahil sa libro na iyon, si Caleb Moore ang nasa isip niya, at pinagpalagay niyang siya ang bidang babae sa akda na ito. Kaya feeling niya araw-araw niyang kasama ang magiging boss. Napangiti siya nang makita ang cover, at ang title ng libro. Iba ang atake niya sa istorya na ito. Kung sa mga nakaraang libro niya ay masyadong makamundo dito naman halos kilig moments. Alam niyang nasa biyahe ang kaibigan papuntang UK para magbakasyon, kaya hindi na siya nagtagal sa condo nito. Alam naman ng kaibigan niyang ngayon ang punta niya kaya, binigay na din ang passcode ng unit nito. Kasalukuyan siyang naghihintay ng elevator na pababa ng ground floor nang may tumabi sa kan’ya. Napakunot-noo siya nang mabungaran ang nakangiting si Jess. Hindi niya ito pinansin. Oo nga pala, dito nakatira ang boss nito kaya hindi malayong magkita sila. "Hi, Ms. Dominique. Need help?" tanong nito at ngumuso sa box na hawak niya. "No need. Kay-" "Help her, Jess." Napapitlag siya nang biglang nagsalita ang pamilyar na boses sa likuran niya. Kahit hindi niya lingunin ay kilala na niya ito. Biglang kumabog ang dibdib niya kaya napangiti siya ng palihim. Mabilis namang kinuha ni Jess ang dala dala niyang box. Hindi na siya kumontra dahil yakap na ni Jess ito at nginitian siya. Gumanti na lang siya ng ngiti dito at hinintay ang pagbukas ng elevator. Siya na ang humawak sa button dahil tatlo lang naman silang sasakay. Nagtama ang mata nila ni Caleb nang mag-angat siya ng tingin dahil hinihintay niyang pumasok ito, at si Jess. Ang guwapo at ang fresh naman nito sa suot na suit. Bagay na bagay dito. Professional tingnan. Bigla niyang inalis ang tingin nang taasan siya nito ng kilay. Yumuko na lang siya ng tumapat sa kan’ya. Si Jess naman ay pumuwesto sa pinakasulok at si Caleb naman ay sa gitna kaya nang tawagin siya ni Jess at lingunin niya ito, si Caleb ang bumungad sa kan’ya. "What?" anitong nakataas ang kilay. Sungit. Hindi naman ito ang lilingunin niya. "Si Jess po sana ang titingnan ko boss," aniya at ibinalik na lang niya ang tingin sa pintuan ng elevator. Narinig niyang tumawa ng mahina si Jess. Bakit nga pala parehas na floor ang pinanggalingan nila? Ang pagkakatanda niya isang floor ang pagitan nito at ng unit ng kaibigan. Ah, baka may sinadya sa floor nila Keana. aniya sa sarili. Napalingon ulit siya sa gawi ni Jess nang may narinig na kakaibang tunog. Parang tunog iyon kapag binubuksan ang isang box. "Jess, 'wag mong bubuksan 'yan ha!" aniya at tiningnan ito. Ngumiti lang ito sa kan’ya at inangat pa ang box na may takip. "Bakit ko naman bubuksan ito akin ba ito? Ba't di mo tanungin si boss kung binuksan ko ito," anito at inginuso ang boss nito. Tumingin siya sa seryosong mukha ni Caleb. "'Wag niyo ako madamay sa kalokohan niyo," matigas nitong sabi at umiwas ng tingin. "Wala pa nga akong sinasabi, eh," mahinang sabi niya at ibinalik muli ang tingin sa harap. Mayamaya ay narating na nila ang ground floor. Nagpatiuna si Jess palabas ng building. Pagdating sa labas ay humarap siya kay Jess at inabot ang box para kunin pero ayaw nitong ibigay. Tumingin muna ito sa boss nito at nakita niyang tinanguhan ito kaya binigay na lang nito sa kaniya. Bakit kailangan pang magtinginan, eh kan’ya naman ang box? Weird. Nauna ng sumakay si Caleb sa sasakyan kaya nakita niyang nagmadaling sumakay din si Jess sa driver seat. Hindi na niya tiningnan ang pag-alis ng sasakyan nito dahil nagmadaling sumakay na siya sa taxing tumigil sa harap niya. Pagkasakay ay kaagad na tiningnan niya ang box at binilang ang libro. Iba ang pakiramdam niya kanina. 19 pieces lang ang bilang niya. Baka nagkamali lang siya kaya binilang niya ulit. Usually, bente piraso ito. Baka magaya sa nakaraan na may isang kulang. Inulitniya ulit na bilangin. Talagang 19 pcs nga lang. Kinabahan na siya. Sigurado siyang kumuha si Jess. Kaagad na nagpadala siya ng mensahe kay Keana at tinanong kung ilang piraso ang laman ng box. Sumagot naman kaagad ito. 20pcs ‘yan, dear! anito sa text. Napasandal siya sa upuan ng taxi nang mabasa ang text nito, at humawak sa sintido niya. Sabi ng kakaiba ang kinilos ni Jess kanina. Hinanap niya ang numero ni Jess sa phonebook niya pero wala. Number lang ni Caleb ang nasa contact list niya pala. Nakakahiya naman kung iistorbohin niya ito kaya napagpasyahan na lang tanungin na lang ito bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD