MABILIS na lumipas ang araw sa kanila ni Harry, nakakasanayan na din niya ang lalaki. Nakuha na nga niya ang gali nito kaya nasasayawan na niya ang pabago-bago ng ugali nito. Unti-unti na din niyang nakikilala ito sa pamamagitan ng pag-oobserba, kasi kahit sino naman ang tanungin niya sa bahay na iyon hindi naman siya sasagutin ng mga ito. Hindi pa din siya nakakalabas ng mansion na iyon kahit na anong pamimilit niya sa binata. Nakakalabas lang siya kapag isasama siya nito sa kumpanya nito pero kadalasan gabi siya nito isinasama iyong tipo na sila nalang ang tao sa opisina nito. "Harry"naiiritang tawag niya sa binata. "What!"nanlalaki naman ang mata nito sa kanya. Kanina pa kasi niya ito kinukulit, no actually matagal na niya itong kinukulit na lalabas siya at pupuntahan niya an