NANGINGITI siya habang sinusubuan niya ng lugaw si Harry. Hanggang ngayon kasi naiimagine pa din niya ang itsura nito habang nagba-blush ito. "Stop grinning like an idiot"saway pa nito sa kanya. Tinignan lang niya ito bago muling ngumisi at sinubuan ito ng pagkain. "I said stop it"saway na naman nito. "Ayoko nga"nakangisi pa niyang sagot. Wala din naman itong nagawa sa kanya kaya pinabayaan na siya nito sa gusto niyang gawin. For the first time simula ng mapadpad siya sa bahay na ito ngayon lang niya naramdaman na may say siya dito. "Ahhh"sabi pa niya dito habang sinusubuan niya ito. Nanlaki ang mata nito, paano ba naman kasi sinusubuan niya ito while having a make face na ginagawa ng mga nanay na nagpapakain sa anak nitong baby. "Janette"saway nito. "Say ahh bebe Harry"pa