"GAGA, hindi mo alam na may pagka royalty iyang nabingwit mong jowa"sermon na naman sa kanya ni Kim. Malay ba naman niya dito, kasi hindi naman siya updated sa mga sinasabi nito sa kanya. si Harry nga hindi sinasabi sa kanya ang pagkatao nito basta alam lang niya mayaman ito, pangalan nito ay Harry Larson, at gwapo ito. Meron pa palang isa, magaling sa kama. Bilis naman siyang napailing sa naisip niya. Halla saan nanggaling iyon... "Anong malay ko don"painosenteng sagot niya. "Ayan, hindi ka kasi nagbabasa ng magazine" "Magazine, face powder nga noon wala akong pangbili magazine pa. ikaw talaga pinapatawa mo naman ako"aniya dito. "Hay naku, ewan ko sayo Janette. Kaibigan ba talaga kita?"exaggerated na sabi pa nito. Tawa lang ang isinagot niya sa kaibigan niyang alam niya naiini