CHAPTER 3

2478 Words
“RECITAL CONCERT TICKETS?” Natigil ang pakikipag-chikahan ni Freya sa mga alaga niyang succulent plants nang dumating ang kapatid niyang si Osiris. Iwinagayway nito sa ere ang dalawang ticket na ipinabili niya kay Annalise. “Let us take a sit and I'd like to listen to whatever that bothers you. Fire slowly, Freya Grace. I'm all ears.” Kalmante man ang pagkakasabi niyon ni Osiris, batid naman ni Freya na wala siyang takas kapag ganoon ang tono nito. Napilitan siyang sumunod kay Osiris at umupo rin sa vintage garden bench. Ito na nga ba ang iniiwasan niya. Ang saniban na naman ng kapangyarihan ng matinik na Detective na si Johnny Broderick ang kapatid niya. Nasisiguro niyang may maaamoy talaga itong masangsang kahit segu-segundo pa siyang maligo ng pabango. Pero hindi. Wala siyang sasabihin kay Osiris. Mananatiling tikom ang bibig niya. Itataga niya sa bato na dadalhin niya hanggang sa hukay ang lihim niya. Na na-devirginized siya ng hindi niya kilala. She badly wanted to wash away every memories from that cursed night. His voice, his touch, his kisses, him. That man is a curse. Sana makatulong ang panonood niya ng recital concert sa makalawa para maging kalmado ang lahat. Cross fingers. “Your assumptions are wrong. Nothing's bothering me. Right, Demitria? You did not see me cry, ‘di ba? Do I have any problem? None, right?” Imbes na mag-pokus sa kausap ay isinali pa ni Freya ang Echeveria succulent plant na bitbit niya sa usapan. “Wait! Who the hell is Demitria?” Malalim ang kunot sa noo ng kanyang Kuya nang itaas niya ang hawak na maliit na halaman. Akala yata nito ay ligaw na multo si Demitria. “Demitria Dagdag, ito siya. It would turn into Demi Moore kapag spoken-dollar ang kaharap niya. Then that one is Demitria’s twin bro, Rogelio Dagdag or Roger Moore. At itong nasa tabi ni Demitria ay si Francisco de Asis— “And he's Kiko?” “Nope. He has no Tagalog name, he's just Francisco de Asis AKA Alzheimer's Disease.” “God help me!” Napakapit sa batok si Osiris. “And don't tell me, that one is Victoria Secret AKA Victoria Malihim.” Sinakyan naman ni Osiris ang kabaliwan ni Freya. “Oh wow! Ang galing mo, Osiris. Pero ito, hulaan mo ang name nito?” Excited na itinuro ni Freya ang zebra cactus. “Sirit.” Walang kagana-ganang wika ni Osiris. Mukhang bored sa panonood sa isa na namang kalokohan ng kapatid niya. “This is Emelio.” “Emelio Aguinaldo tapos sa ingles magiging Emel Gift.” “Wrong. He's Emelio Salamat AKA Amillion Thanks. Gollie! This babies are so cute. Look at them, Osiris!” Nawewerduhan siyang tinitigan ni Osiris. “Put that Demitria down, will you and let's have a proper talk. Just the two of us and don't invite your plants to meddle with our conversation again. God, Freya Grace!” Ibinalik ni Freya sa tepid garden bed sa kaliwa niya ang succulent plant at pagkatapos ay umayos ng upo. Kuko naman niya ang kanyang pinagdisketahan. “Now explain to me why you asked Lisse to get that recital concert tickets for you? May bumabagabag saiyo, alam ko. It's time for you to open it up and I'm here to listen. Alam mo namang wala kang kapas na dibdibin ang problema mo. You can always share it with me, Freya. Tell me and Kuya will have it settled immediately. Just let me know.” Malumanay na pakiusap ni Osiris na ibahagi niya rito ang kanyang problema. She highly appreciated her brother's effort to carry her own problem. Noon man at magpahanggang ngayon. Sa kabila ng kaliwa’t kanang kaso na hinahawakan nito sapol nang maging ganap na abogado si Osiris, ni isang beses ay hindi ito pumalya sa pagiging Kuya nito sa kanya. Lumaki si Freya na palaging si Osiris ang pumapasan sa ano mang problema niya. Maliit man iyon o malaki, naroon ito palagi upang alalayan siya. Oo at napakahigpit nito at palaging masungit sa kanya pero hindi naman manhid si Freya upang hindi maunawaan na sadyang pinoprotektahan lamang siya ni Osiris. Si Osiris na lamang ang natitirang yaman niya sa buhay. Dalawa lang kasi silang magkapatid. Their parents– who were both Prosecutors– died in an ambush when she was fifteen. Malawak na ang isip ni Freya nang mga panahong iyon kaya saksi siya sa lahat ng sakripisyo ni Osiris para lamang tumayong ina at ama para sa kanya. Tuwang-tuwa nga siya na dumating si Annalise kasi pakiramdam niya ay lumaki ang pamilya niya. And Archimedes. Naging pamilya rin ang turing niya rito noon. Kaso ay bigla itong nangibang-bansa. “I only want to know if you have dahil kung mapaano ka at wala akong ginawa, I can't imagine what I could do to myself.” “I am all right, okay? You're just again exaggerating things. Loosen up! Stop acting like a paranoid.” “Hard to believe that. Then what's the meaning of that recital concert tickets? Really, recital?” Madalas ay mga concert talaga ng mga OPM singer ay talagang kinalulugdan niya. Ngunit tama si Osiris. Sa Recital concert siya bumabagsak sa tuwing malaki ang problema niya. Nagkakaroon kasi ng kapayapaan ang isip niya lalo na kung magagaling sa areglong mga pianist at violinist ang tumutugtog. Nakakapag-isip siya ng tuwid kapag ganoon. “You only went to the same concert thrice before at iyon ay kapag may mabigat ka lamang na problema. You can't blame me if I'm acting like a shitty overprotective brother, alright? Alam mong kabisado na kita, Freya. Kahit sa simpleng paghaplos mo sa siko mo, alam ko ang ibig sabihin. Una kang napadpad sa Recital concert ay noong nawala ang mga magulang natin. Second was when Archimedes left for State and the third was three days before your—” “Kuya, you're making me cry. Salbahe ka!” Maktol ni Freya. “E sa wala nga akong problema. O baka gusto mong pumunta na naman ako sa fruit stand ni Aleng Choleng tapos kakagatan ko ang mga tinda niyang apples. Iyon ba ang gusto mo? Para may problemahin ka ulit? O kaya naman ay ipapasyal ko na lang ulit sa Mall si Ignatius? Alin ang masaya?” Si Ignatius ay ang alagang fifteen years old na chimpanzee ni Osiris. “You are horrible.” Umaliwalas na ang mukha ni Osiris, tanda na pumatol ito sa drama niya. Partida, hindi pa siya nag-enroll sa acting workshop niyan ha! Tumayo na si Osiris at inayos ang kurbata. Sinyales na iyon na dismiss na siya. Safe at last, doo doo doo doo... Masayang umawit si Freya sa kanyang isip. At kung wala lang si Osiris ay sasayawin pa sana niya ang Baby Shark. Kaso ay naroon kaya mamaya na lang. Buong akala ni Freya ay ligtas na siya sa panunuligsa ng kanyang kapatid subalit nabigo siya. “Anyway, you have two tickets here. One definitely is for you and the other one is for whom?” Usisa nito. Ayaw sana niyang banggitin pero ipinahamak na siya ng kanyang bibig. Masyado kasi siyang nawiwili na banggitin ang pangalan na iyon. She bit her inner lip because of hesitation. “For Archi sana.” Napansin ni Freya na medyo nagulat ang kapatid niya. “He is back?” Tumango si Freya. “Yup and we went out on a date na nga three days ago.” Masaya siyang ibinalita iyon kay Osiris kahit alam naman niya sa kanyang sarili na hindi romantic date ang tawag doon. Nabanggit na niya iyon kay Annalise kahapon nang madatnan nito si Archimedes sa labas ng kanilang bahay upang kunin kay Freya ang naiwan nitong cellphone. Noon niya rin sinamantala ang pagkakataon at inaya itong samahan siyang manood sa concert. “How come you didn't even bother to mention it to me? Are you asking for a body guard, young lady?” “What? Ano ako, musmos na walang muwang sa mundo? That's a terrible idea, Osiris so no!” Matapang niyang kinontra ang sinabi ni Osiris. Paano pa siya makaka-damoves kay Archimedes kung may bumubuntot sa kaniyang bodyguard tapos direktang irereport kay Osiris ang paglalandi niya kay Archi? That would be so awkward, men! “Your call but he honest! Does he really wanna come with you o baka pinagbantaan mo na naman ang buhay niya?” “Actually, hindi pa siya pumapayag. And you know what, if he tries to refuse my invitation, malulungkot ng todo ang puso ko. Baka ma-stress ako.” Arte niya na makatotohanan. “Osiris, help me naman to convince him o! Kasi sabi niya sasama lang siya kung papayag kang maging defender ng kaibigan niya na pagpapa-annul. I know you love me very much and you won't say no to me.” Hindi nakakibo si Osiris dahil walang preno ang pagsatsat niya. “You go to your office na. Baka nando’n na iyong kaibigan ni Archi na magiging client mo. Win her case for me, intiendez?” “You stay at home all day, you hear me? Limit your work and sleep early.” “Masusunod po, Kamahalan.” Umarteng utusang babae na kagaya sa mga fairytales si Freya. Yumukod at idinipa ang imaginary niyang mahabang palda. “Oh wait up, Osiris. Ibabalato ko na itong si Victoria Malihim saiyo. Nabanggit kasi sa akin ni Annalise na nabasag daw iyong succulent plant na bigay ko saiyo last month. Nasagi niya raw sa table mo sabi niya.” Bigla ay napatikhim si Osiris na parang may bumara sa lalamunan nito. Ni hindi makatingin ng diretso kay Freya. “O–okay.” Nanunuksong sumipol si Freya at inihatid si Osiris sa kotse nito na siyang nakasanayan niya. “Remember, Osiris. Win the case. I'm counting on you. Drive safely. Love you, Kuya kong suplado.” Walang nagawa si Osiris kundi ang umiling at mapangiti. Malakas talaga siya sa Kuya niya. “WITHDRAW your legal service to my wife, Attorney Osiris Padraque!” Walang ano mang pasakalye si Alder nang tumuloy siya sa opisina ni Attorney Osiris. Naabutan niya ang naturang abogado na may pinag-aaralang mga papeles. Hula ni Alder ay iyon na ang written contract sa pagitan nito at ni Everly Alvarado– asawa niya sa papel sa loob ng anim na taon. Pinagpipilitan nitong magkaroon sila ng legal separation pero titiyakin niya na kagaya ng dati ay wala itong mapapala. Not until he gets everything what he wants. Hindi nabakasan ng gulat o ano pa man ang abogado. Nagtanggal ito ng reading glasses bago umangat ang tingin sa kanya. Totoo nga siguro at hindi kuwentong barbero lamang ang naririnig niya tungkol sa abogadong ito. Matunog sa bayan ni Alder ang pangalan ng nasabing Abogado. Wala pa itong kaso na hinawakan na hindi nito naipanalo sa husgado. Osiris Padraque is one of the A-List lawyer in the country. He's an unshakable defender, same as his deceased parents. “Excuse me! Who do you think you are to meddle with my profession?” Walang emosyon na ganti nito sa pambungad ni Alder. “No one ever dictate me on how to handle my job. That's an insult to my part.” Bahagyang nagtagis ang bagang ng abogado. “I will be the first, then. I am Evora.” Nakipagsukatan ng titig ang abogado sa kanya. Nais niyang iparating dito na wala siyang oras para sa mahabang diskusiyon kaya didirekta na mismo si Alder sa pakay niya. Tulad ng karaniwan niyang ginagawa sa mga abogado na nagtangkang pumanig kay Everly, kikilos ulit siya upang ilaglag nito ang kaso. “How sure are you that you will convince me to dance along with your chosen dance steps, Mayor Alder Kalantri Evora? Ipapaalam ko lang saiyo na kaya kong iindak ang aking sariling mga paa.” Matalas ang dila ng gago! “Why don't you do that, too and mind your own business?!” Walang ideya ang pobreng abogado na eksperto si Alder na sukloban ng samu’t saring maskara ang mukha. Hindi siya magtatagal sa maruming mundo ng politika kung ipapasilip niya sa iba ang kanyang tunay na kulay. Subalit sa oras na iyon ay baka sakaling magpamalas naman siya ng kaunting lason– lasong tutunaw sa tapang ng maangas na Attorney na iyon. Umikot siya sa office desk ni Attorney Osiris at nakapamulsang humarap sa mini receiving area ng opisina nito. He was looking blankly at the picture of Osiris’ parents. “I have an offer. Let's make a deal.” “I have no time for you. You can excuse yourself now and see you in court.” Pagtataboy ng abogado. “Such a gutsy boy! Well, hear this first before you take the floor, Attorney. Tutulungan kita sa paghahanap sa mga taong pumatay sa mga magulang mo. You are maybe a famous lawyer but I'm way more powerful than you at madali lang sa parte ko ang panindigan ang alok ko. And in exchange...” Tila may pre-celebration na sa utak ni Alder nang manahimik si Osiris. His offer was indeed interesting. “You can trick your people in your town but not me, Mayor Evora. Drop it off and leave!” Hinarap niya ito. Inignora niya ang kataga nito. “In exchange... Alright, there's a changes with my favor. I would ask you to continue your job as my wife's legal defender but... But you have to sacrifice your chaste reputation inside the court. Ilaglag mo ang kaso at bago matapos ang buwan na ito, magkakaroon na ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang mo.” WHOA-oh-oh-oh, do that to me one more time, I can never get enough of a man like you. Whoa-oh-oh, kiss me like you just did... Pakanta-kanta si Freya habang binabaybay ang distansiya ng nilabasan niyang elevator patungo sa opisina ni Osiris. Nagluto kasi siya ng morcon na madaming Chorizo de bilbao. Paborito iyon ni Osiris kaya pinagdalhan niya ito para sa tanghalian. Pero napahinto siya nang makilala ang likod ng taong papasok rin yata sa sadya niyang pinto. Si Archimedes na may dalang envelope. Dinagsa ng mumunting kaba si Freya. Baka kasi magpang-abot ang dalawa. Irrational mang isipin na mangyayari iyon pero nababahala talaga siya. Hindi pa rin kasi humuhupa ang init ng dugo ni Osiris para kay Archimedes. Ano ang ginagawa ni Archi roon? “Osiris, magkamali ka lang na saktan si Archi, ipapatuli ko talaga si Ignatius ng walang anesthesia.” Iyon kaagad ang sigaw niya nang itulak niya ang pinto. Magkapanabay na sinambit ni Archi at Osiris ang kanyang pangalan subalit napako na kaagad ang kanyang mga mata sa taong kasama ni Osiris sa opisina nito na prenteng nakapamulsa. Nalaglag ang dala niyang paper bag kung saan naglalaman ng pagkain ni Osiris at natatarantang nag-sign of the cross si Freya ng mga limang beses at humirit pa ng dalawa bago nagmura ng sobrang lutong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD