“PAAAKSHET!”
Freya closed her eyes for a second, silently wishing that it was just a dream.
Upon opening her eyes again, that was when her heart shattered. That was not a dream but a nightmare. Nightmare in flesh, that's him. She was a big fool to think and be confident that she is not going to see that face again. Faith is f*****g her up.
“Watch your mouth, young lady.” Suway kaagad sa kanya ni Osiris. “And what's going on with you? Para kang nakakita ng multo.”
“Diablo,” she wanted to correct it. Pilit niyang inalis ang gulat na mga mata sa lalaking iyon. Mahirap na dahil naroon pa man din ang mapagmatiyag na si Osiris.
“I... I mean, I brought you a lunch.” She stuttered, palms sweating.
Pupulutin na sana ni Freya ang nalaglag na paper bag nang may nauna ng kamay ang gumawa noon para sa kanya.
“She is too young to be a housekeeper. That is clearly a child labor, Attorney. Someone's violating the law here. Are you, Attorney Padraque?”
Malinaw na para kay Osiris ang sinabi ng lalaki ngunit nahihiwagaan si Freya dahil tila nakasentro sa kanya ang atensiyon nito.
Itinuring niya na banta sa buhay niya ang paglitaw ng lalaking iyon. May dahilan ito kung bakit ito naroon sa opisina ni Osiris. At malinaw na may kinalaman siya roon.
Katapusan na ba niya? Sasabihin kaya nito kay Osiris na may namagitan sa kanilang dalawa? Mababaliw siya. Mahihirapan siyang umisip ng dahilan at palusot.
Hindi tulad ng reaksiyon niya, parang umaayon pa sa lalaki ang muli nilang pagkikita.
“She is not my maid.” Osiris was hiding a slight grin.
“She is not, are you sure?”
Freya’s face turned into a tomato-like because of overflowing anger. Did this bastard just insult her and mistaken her for a housekeeper? Mukha ba siyang mutsatsa?
“How dare you? Housekeeper? Me?” Matigas niyang wika at tinapunan ng makamandag na tingin ang lapastangang lalaki. Mabilisan niyang sinuri ang sarili. Mahirap aminin subalit nakaramdam siya na nabawasan ang kanyang self confidence.
“You really just call me a housekeeper, you bastard?!” She spat out like it will take an eternity before she would be able to move on from his offensive words.
“Freya, attitude!” Suway ulit ng Kuya niya.
“But you heard it, Osiris. This son of a b***h here just call me a housekeeper. Could you believe that? This athletesfoot must gargle a holy water ten times a day. God! And for your information, I'm no longer a child. You sick—”
“Freya Grace, I said it's enough! Show him some respect. He is Nuevo Laredo’s Mayor for Pete's sake.” Osiris raised his voice, ordering her to stop ranting like a starved pig but she was too stubborn to listen and quiet down.
So what kung Mayor ito ng Nuevo Laredo? So totoong Alkalde nga ito? Wala pa rin siyang paki.
“It is alright, Attorney. I hope she's not the type of person that creates her own storm then get upset when it rains.” At bumaling ito kay Osiris at pormal na nagpaalam.
“Twenty-six is no longer a child, you idiot!” Patutsada ulit ni Freya nang magsimula na itong humakbang palapit ng pinto.
Hindi siya nagsuot ng push-up bra para lang mapagkamalang bubwit.
“A twenty-six who mentally never left elementary. I can see that.” He gave her a smug smile. “It was so nice to see you again, rich kid.” Then he left, leaving her mouth gaped.
Ganoon ba mangmata ang mga pormal na tao? Iniinsulto ka na’t lahat pero mamamangha ka pa?
I guess I should start seeing a psychiatrist.
Osiris sent her out his office few minutes after the arrogant Mayor left. Mahalaga hindi umano ang pag-uusapan nito at ni Archimedes. May kinalaman daw sa trabaho nila ang kanilang tatalakayin kaya sumunod na lang siya.
She decided to wait for Archimedes in the parking area to ask him out or maybe the idea of inviting him in their house is much better. Ibibigay din niya ang isang ticket dito. Marami pa namang morcon doon at isa pa walang tao roon. Masosolo nila ang isa’t isa.
Nasa loob ng kanyang Bentayga si Freya at pinatugtog ang stereo habang hinihintay si Archimedes. Sinusubukan niya ring pakalmahin ang isip at magbakasaling lisanin ng imahe ng aroganteng Alkalde na iyon ang isipan niya.
Nasa dulo na ang kantang paborito niya nang may biglang nagbukas ng kabilang pintuan at may umupo sa passenger seat sabay hampas ng lalaki sa stereo dahilan upang manahimik ang loob ng sasakyan ni Freya.
“You are such a beautiful liar. Impressive.” Iyon kaagad ang bungad ng taong walang-babala na pumasok sa kanyang kotse.
“D–did you just destroyed my two thousand dollars stereo, you motherfucker?!” Lubhang hindi makapaniwala si Freya na binasag nito ang kanyang stereo ng ganun-gano’n lang. Nakanganga siyang nakatitig sa pobreng stereo.
Again, it was the haughty Mayor. And his actions now, it was different from that night. Bipolar kaya ang taong ito? Nevermind! She's not interested in him anyway.
“I will pay for it, if that's your concern. Twice the price but in installment bases.” Casual na anito na parang wala lang nangyari atsaka ni-recline ang passenger seat. Nag-cross arm.
“Now, gather yourself and drive!”
Napakurap-kurap si Freya. “Excuse me?” Anong tingin nito sa kanya? Chauffeur? Kanina housekeeper tapos ngayon driver?
Sumusobra na ang lalaking ito. Masyado nitong pinapaikli ang lubid ng pasensiya niya.
Nakapikit na ang mga mata nito nang balingan ito ni Freya. “I repeat, start the engine and drive. May mahalaga tayong pag-uusapan at kung gusto mo naman na mas magduda pa si Attorney sa ating dalawa, then it's fine with me to stay inside your car and get caught. He's coming in any minute now.” He said calmly like he was only discussing the temperature.
And speaking of temperature, parang nabawasan ang lamig na galing sa air-conditioning system nang pumasok ang Alkalde sa loob.
Nagmistulang maamong tupa si Freya na sumusunod sa bawat utos ng Alkalde. Binubulong kasi ng instinct niya na may mabuti siyang mapapala sa pagsama rito pero parang hindi ganoon ang nangyari.
Ngayon ay magkaharap ang dalawa sa loob ng isang Ethnic restaurant.
Matapang na sinalubong ni Freya ang mapagparatang na mga mata ng Alkalde. “I almost believe you that night when you kept on denying that you were not part of the con play but that's only an almost. Sorry to tell you. I'm pretty sure that you're actually part of Heredia’s stupid team. And technically speaking, you lost your virginity to me during your mission. Ganoon ka ba ka-loyal sa trabaho mo?”
“What are you talking about? Anong parte ng team ni Archimedes? Durugista ka ba at kung anu-ano na lang ang pinagsasabi mo? You know what, I should leave.”
Hindi pa nga umaangat ang kanyang pang-upo sa silyang inuukopa nang pigilan siya ng Alkalde.
“Don’t you dare abandoning that sit!” Sa paraan ng pananalita nito ay parang walang maglalakas-loob na suwayin ang sasabihin nito.
“Let’s not be hypocrite for once and for all, young lady. Are you working for that private detective or not?”
“Private detective? Who are you referring to?”
“Archimedes Heredia. And yes, I do remember that it was the name you're moaning that night we were together. Goes to show that you have something to do with that stupid detective. And what happened that night, it was all scripted. I'm sad that you actually risk your virginity for the job.” He stated bluntly and shoot her a cold yet apologetic look.
“Private... What? He's what?”
“A private detective, an expert in infidelity cases and looks like you have no idea about Heredia based on your reaction. Are you acting again?”
“Damn, no. I really have no idea at all, until today. I swear. That night, it was the first time I have seen him after five years.” Pagtatapat niya para matuldukan na ang maling aligasiyon nito. Dapat lang na linisin niya ang pangalan niya rito dahil masyado na nitong tinatapakan ang pagkatao niya.
“Ibig mong sabihin ay hindi ka kakuntsaba ni Heredia nang gabing iyon?”
“I told you, wala akong kinalaman doon. We were on a date that time tapos nagmamadali siyang umalis. He left his phone then a text message popped up containing your address. Pinuntahan ko iyon sa pag-aakalang nando’n siya. Then the rest were mishandled because I mistaken you for him.” Lahad ni Freya sa totoong nangyari.
Mukha namang dahan-dahan nang naniniwala sa kanya ang Alkalde. Napagtanto niya na masyadong makunat ang tiwala nito. Ito yata ang tipo ng taong walang sino man na pinagkakatiwalaan sa mundo.
Swabeng minasahe ng Alkalde ang chin nito na may mumunting stubble, waring pinag-aaralan at binabalanse ang mga impormasiyong kanyang ibinibigay.
Hindi napansin ni Freya na pinapanood na niya ang Alkalde. Na sinusundan na ng kanyang mga mata ang bawat galaw nito. Kapag titigan pa ito ng malapitan ay madidiskubre mong may self-destructive quality ito sa sino man. His body is a mix of brawny and beefy, obviously physically strong. His bicep and shoulders are shouting strength. Hugis almendras ang tsokolate nitong mga mata, perpekto ang tangos ng ilong, maangas ang prominente nitong panga. Sa madaling sabi ay hindi sa mundo ng politika nababagay ang naturang lalaki, kundi sa industriya ng showbiz at pagmomodelo.
“Quit checking me out, young lady. I'm afraid you might find something in me that would make you interested in me in a sensual way.” Did he intentionally paint a cocky smile in his eyes?
“In your dream! Duh!” Hindi siya nagpahalata na napahiya siya dahil nahuli siya nitong iniiksamen ang mukha nito.
He grinned shippishly. “You better be don't. Having feelings for a wedded man is a mortal sin. Guess you have no plans to be one, yes?”
Sandaling nalunok ni Freya ang dila sa narinig. Tila may dilim na pansamantalang bumalot sa kanyang isipan ng mga sandaling iyon. At ang dilim na iyon ay para bang naglalakbay patungo sa kanyang dibdib. That kind of feeling was so unusual for her. Masyadong foreign sa pakiramdam.
“W–wedded man? May a–asawa ka?” Nauutal niyang usisa sa napakababang tinig.
“For almost six years, yes I am.” Siwalat ng Alkalde at direktang napatitig sa kanya. Tila nakaantabay ng maigi sa magiging reaksiyon niya.
“Bloody Mary! I will now rot in hell.” Gustong tumili ni Freya. Nagsitayuan ang balahibo niya sa katawan at tila nakaramdam ng pandidiri para sa sarili. She remembered that night and made her stomach flipped.
“You don't have to take the blame on yourself. Kapwa tayo nagkamali, nandoon na tayo pero may panahon pa para ibaon iyon sa limot. Iyon lang ay kung gusto mo pero hindi iyon pabor sa parte ko.”
Sana ganoon lang kadali iyon.
Parang alon na humampas sa dalampasigan ang utak ni Freya nang buksan niya ang inabot sa kanyang envelope ng Alkalde. Naroon ang litrato na kapwa sila nakahubad at nakapatong sa kanya ang Alkalde. Those horrible scenes were f*****g captured.
Sa isang tingin ay malalaman kaagad na si Alder Kalantri Evora ang nasa ibabaw dahil medyo na-cover ang mukha nito sa litrato habang siya ay tinatakpan ng buhok niya ang kanyang mukha. Hindi lumantad ang kanyang dibdib sapagkat nagsilbing takip no’n ang kamay ng Alkalde.
“Heredia took that s**t. My wife, who badly wanted to void our marriage contract hired Heredia to find any evidences against me to be considered as an acceptable ground for the annulment. I don't actually mind this piece of s**t, neither that shitty annulment. Ang inaalala ko lang ay nakatakdang mapasakamay ni Attorney Padraque ang ebidensiya na iyan. He's my wife's defender. Iyon ang sadya ni Heredia kaya naroon siya ngayon.”
“Nooo! Hindi maaaring mangyari ‘to. Osiris will kill the s**t out of me!” Nanginginig na ibinalik ni Freya ang litrato sa loob ng envelope.
“Why would he do that?”
“Kuya ko lang naman siya at magiging halimaw iyon oras na malaman niyang nakipagtalik ako sa may asawa. Ayokong mabahiran ng dumi ang pangalan ni Osiris and then I did this horrible things. Bigti na lang kaya ako? Nakakahiya! Sa dinami-rami ng lalaki sa mundo, bakit saiyo pa ako nagkamali? I hate the world!”
Tumalas ang tingin niya sa Alkalde nang hindi man lang ito nabakasan ng pagkabahala. Hindi ba ito nag-aalala na baka makaladkad ang pangalan nito lalo pa’t nasa pulitika ito?
This whole damn thing were so disturbing. Kasalanan niya ito. Dahil sa pagmamahal niya kay Archi kaya humantong siya sa napakagulong sitwasiyong iyon.
“No one's gonna find out that you were that girl.”
“Hangal ka kung ganiyan ka mag-isip. Walang sikreto sa mundo na hindi nabubunyag.”
“Then ours will be the first in the record.” May naglalarong hindi maganda sa mga mata ng Alkalde na tiyak niyang magdadala na naman sa kanya sa panibagong gulo.
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“No one's gonna find it out, I'll handle it myself. This will be a wild secret between you and me only.”
Nabasa na niya ang ibig ipahiwatig nito. “Sabihin mo na ang kapalit.”
“See me secretly, Freya Grace. I don't know but I have this feeling of wanting to know you better, deeper.”
Does he mean, be his other woman?