CHAPTER 2

2194 Words
DO THAT to me one more time Once is never enough with a man like you. Woah, do that to me one more time. I can never get enough of a man like you. Masiglang sumasabay si Freya sa paborito niyang kanta na pumapailanlang sa loob ng kanyang Bentayga galing sa Rockford Frostage stereo nito. Freya proudly admitted that she's a melomaniac and that she prefers old music than new ones. Naging malaking tulong kay Freya ang music therapy. It helped her a lot to get her back to normal kaya iyon ang dahilan kung bakit naging melomaniac siya. And the truth is, she's a terrible singer, always out of tune. Basta mahal niya ang musika, iyon lang ang mahalaga. Oh, kiss me like you just did Oh baby Do that to me once again, Makalipas ang halos dalawampung minutong pagpapaikot-ikot niya sa mistulang abandonadong komunidad na iyon, sa wakas ay natunton rin niya ang bahay na iyon. Natatanging bahay sa lugar na iyon actually. At kung hindi pa siya nagtanong ng direksiyon sa nadaanan niyang mga tambay kanina ay pihadong naligaw na siya. May lugar pa palang ganito? Zombie village? Nakakakilabot. Ano kaya ang pakay ng iniirog niyang si Archimedes sa lugar na iyon? Mukhang isinumpa. Mabuti na lang na sadyang hindi mapaniwalain si Freya tungkol sa mga supernatural na bagay sa mundo kaya kahit creepy ang kabahayan ay goora pa rin siya. Wala nang atrasan iyon. Buo na ang pasya niyang isuko ang kanyang fandango sa ilaw kay Archi sa gabi mismong iyon. Kasado na ang plano at pagkatapos niyon ay mapipilitan itong panagutan siya. Basic! Walang ingay siyang nag-trespass sa lumang bahay na iyon. Palagay niya ay nandoon si Archimedes upang maghanap ng antiques. Naalala niya kasi na mahilig mangolekta ng antique ang binata. Hula niya ay baka walang supply ng electricity ang naturang bahay at baka wala ring solar power. Tanging mga bronseng lampara lamang ang source ng liwanag sa loob na kung hindi nagkakamali si Freya ay galing pa yata ng Palestine ayon sa desinyo ng mga ito. Sosyal. May narinig siyang sumisipol—sipol na may tono. Kagyat niyang hinanap ang pinanggalingan ng ingay. Nang matunton iyon ni Freya ay lumawak ang ngiti sa kanyang labi. Her Archimedes, her lovey dovey. Nasipat niya ang isang bulto na nakasalampak sa sahig. Sa tabi nito ay may silid na nakatiwangwang ang pinto. May kadiliman ang bahaging iyon. Silhouette lang ang mababakas. Tonight is the very night, Archimedes. No more ‘me minus you is such a lonely ride.’ Mamarkahan na kita ngayon. She mentally laughed devilishly. “Goddammit! Another bait again.” Umungol ang lalaki nang walang kaabug-abog na sinakyan ni Freya ang kandungan nito. Nasipa pa niya ang bote ng alak at tiyak niyang natapon ang laman niyon. Nagpapakalunod yata sa alak si Archi kaya ba medyo nag-iba ang boses nito? Palagay niya ay oo. Freya only followed her harlot side to aggressively strode to Archi’s lap. Sinisiguro niyang makukuha niya sa santong paspasan si Archimedes. “Archi, make love to me. I am surrendering my heart and soul to you. I love you so much, Archi. Please, take me. Mark me as yours. Yours...” Tila mabibingi siya sa sariling desperation. She clearly heard Archi’s unsteady breaths. He tried pushing her away from his lap pero sadyang mapusok si Freya, walang balak magpatinag. Ang sunod niyang ginawa ay inilapat niya ng husto ang dibdib niya sa matigas na dibdib ni Archi at agresibong inangkin ang mga labi nito sa kabila ng katotohanang wala pa siyang karanasan sa torrid kissing. Lasang alak ang bibig nito pero nakakahumaling ang lasa ng labi nito. Totoo nga siguro ang sabi ni Annalise na isa ang pomegranate sa mga powerful aphrodisiac fruit. Nakatulong iyon sa pag-boost ng s****l drive niya. Halos araw-araw siyang kumakain nito, nagbabakasakaling handa siya anytime na bumalik si Archi at ngayon gabi na nga ang katuparan ng lahat. At first, Archi didn't respond to her kisses, he did not even make any move until he gave up and slowly opened his mouth. He began to kiss her back, he even licked and bit her lower lip deliberately. She felt his hand wandering inside her top and stopped in her breast to give it a mind-blowing massage. He moved a little and slowly starting fractioning his hardness against her butt. And she was turned on triple times. Freya gasped in surprise, knowing that the innocent boy before, now turned into a f*****g good kisser. A s*x god rather. Tumayo si Archi at dinala ang magkadikit nilang mga katawan sa loob ng nakabukas na silid. Walang ingat na idineposito siya nito sa kama at wala pang beinte segundo ay nakapaghubad na ito. “Archi,” matamis niyang sambit sa pangalan nito atsaka nito inabot ang kanyang palda at mabilis na nahubad sa katawan niya. Tuluy-tuloy lang ito hanggang sa wala nang natirang tela sa kanyang katawan. Her mind fogged with desire. May pag-aalinlangan siya, oo subalit matagal na niyang naipangako sa kanyang sarili na si Archimedes lamang ang pag-aalayan niya ng kanyang buong pagkatao. Mahal niya ito noon hanggang ngayon. Alam ni Freya na wala siyang pagsisisihan sa huli. “Ooh, Archi...” Animo ay sinusunog siya ng buhay nang puriin ni Archi ang buong kahubaran niya gamit ang mainit na labi nito. Nais ni Freya na malinaw na masaksihan ang pag-iisa ng kanilang mga katawan ngunit sadyang kapos sa liwanag ang silid. Natutop niya ang kanyang bibig at malakas na napadaing nang maramdaman ang tila kasing-tigas ng kahoy na p*********i ni Archimedes sa kanyang p********e. Nakabaon na ang dulo niyon sa kanyang kaluban nang mapansin niyang tumigil ito sa pag–ulos. Nagmura nang nagmura na halos mabingi siya. What's wrong with him? Hindi palamura ang Archi niya. “This is bullshit! Magkano ba ang ibinayad saiyo ni Everly para gawin ito? You were a f*****g virgin and you allow this to happen? f*****g s**t! f*****g s**t!” Napamaang siya sa sinabi nito. Hindi niya ma-gets ang pinagsasabi nito. “Archi,” “Will you stop this stage play already? Hindi ka ba naawa sa dignidad mo bilang babae, ha?” He yelled dangerously. He was giving her a creepy feeling. Nahintakutan si Freya. Hindi niya kilala ang Archi na nakapatong sa kanya. He's a total different person. “Archi, bakit ka ba galit? At bakit kakaiba ang boses mo? May sakit ka ba? Atsaka, dahan-dahan ka naman sa pananalita mo. Porque’t nagpagalaw ako saiyo ay kikwestiyunin mo na ang dignidad ko bilang babae.” “I said stop acting already! Itigil mo na iyang pag-arte mo dahil bistado na kita.” ”Stop yelling at me, would you? Sa hindi talaga kita maunawaan. Anong bistado? What are you talking about ba?” At bago pa maghiwalay ang nag-isa nilang mga katawan ay may kumislap na nakakasilaw na ilaw galing sa kung saan. Noon niya napagtantong flash iyon ng camera. Someone stole a picture of them, both of them in bed, naked and in the actual scene of making love. Para saan iyon? Malaking katanungan sa nag-uulap pa rin niyang utak. Kinapa niya ang kumot atsaka itinapis sa kahubaran bago tumayo. Lilinawin nila ni Archimedes kung ano ang nangyayari. “Who was that? Why there was a camera? Ano ang ibig sabihin nito, Archi?” Sunud-sunod niyang tanong, nalilito. He kept saying things she didn't clearly understand. Kept on grunting and cursing, too. “Archimedes,” “God! Itigil mo na ang katatawag sa akin ng Archi o Archimedes, maaari ba? You're not performing in a play, so please quit acting like one, woman.” Nanggigigil na utas nito sa kanya na parang alipin lang nito ang kausap. Aba! No one, as in no one talked to her that way. Kahit si Osiris na siyang natatanging taong kilala niya na masama ang ugali ay hindi siya kailanman sinigawan. “Everly? She's the one who sent you here? Answer me! Dammit! Hindi ko na nga pala dapat itanong iyon dahil alam ko nang tama ang aking kutob. You're the fourth, actually.” Parang narinig na niya ang pangalang iyon somewhere. Hindi lang niya matandaan. “Fourth? Again, what are you talking about, Archi?” Malakas yata ang tama ng alak sa utak ni Archi. Hindi na bale, naiintindihan niya pa rin ang kalagayan nito. Sa limang taon na hindi niya ito nakita marahil ay may mga suliranin itong pinagdadaanan sa buhay. Naramdaman niyang nagsisimula nang magbihis si Archi. Are they done? No, no, no! “Archi, do not f*****g tell me—” “Archi again.” Sumigaw ito. “Hindi ka ba nakakaintindi? Hindi ako—” “Mayor, ipagpaumanhin ho ninyo at ngayon lang kami nakarating.” Awtomatikong humigpit ang kapit ni Freya sa kumot na nakabalot sa kahubaran niya nang may bagong boses ang dumating. Pakiramdam niya ay nasa lalamunan na niya ang kanyang puso nang biglang lumiwanag ang buong paligid. Literal siyang nanigas sa kanyang kinaroroonan at paunti-unti parang may dumaloy na lamig sa kanyang mga ugat nang bumulaga sa kanyang paningin ang hindi pamilyar na mga mukha. A total strangers. Ang dalawang nasa hamba ng pintuan ay animo’y mga opisyal ng militar. At nang dumako ang naliligalig niyang mga mata sa lalaking nakatayo sa paanan ng kama ay noon siya parang nahilo. Parang may tumutunaw sa lakas niya. The man was not Archimedes. It was a different person. A person— mali siya. Griyegong bathala yata ang nakikita niya. Hindi maipaliwag ang taglay nitong kaguwapohan sa kabila ng magulo nitong buhok. Mahal niya si Archimedes at faithful ang puso niya rito subalit sinungaling siya kung sasabihin niya na mas guwapo si Archi kaysa sa bathalang nasa kanyang harapan. Hindi niya iyon maikakaila. There is a bit of stubble in his face na mas nagpapatingkad sa hitsura nito. Matipuno ang katawan, maayos ang tindig, malakas ang karisma at halimaw ang s*x appeal. All she can say was that this man took her sanity away big time. Nang makahuma ay nalilitong binomba ng samu’t saring katanungan ni Freya ang mga estranghero. “Sinu-sino kayo?” “Miss, paumanhin pero hindi na bago sa amin ang ganiyang estratehiya. Kumbaga ay masyado ng gasgas. Sa katunayan niyan ay pang-apat ka ng babae na ipinadala ni Ma'am Everly. Ang pinagkaiba mo lang ay talagang kapani-paniwala ang iyong drama. Pulido ang pagtupad mo sa iyong misyon.” “At, Mayor. Siya ang pinakamaganda sa apat na nagtangkang linlangin ka. Mukhang imported po siya, Mayor. May kapas na magtagumpay na ikaw ay linlangin.” Sinamaan ng tingin ni Freya ang dalawang militar. Nahalata ng lalaking napagkamalan niyang si Archimedes na naaalibadbaran siya sa presensiya ng dalawa kaya sininyasan nito ang dalawa na umalis muna. Nang makapagbihis ay bumuo ng desisyon si Freya na lisanin ang lugar sa kabila ng pagiging lutang. Hinarang siya ng lalaki. “Aalis ka nang ganiyan ang kalagayan mo? Ipagpabukas mo na at hahayaan kitang magpalipas ng gabi rito. Delikado na.” Anyong napapasong umatras si Freya. Parang gugunaw ang mundo niya habang pumapatak ang minutong naroon siya sa bahay na iyon. “Mas hindi ako ligtas dito.” Nanghihina niyang tugon na halos hindi na niya marinig ang sariling boses. “Hindi ako masamang tao kung iyan ang inaalala mo. At... At tungkol sa nangyari sa atin kanina—” “Don’t! Huwag mo nang ituloy. s**t! s**t! s**t! Ano itong kabaliwang ginawa ko? Ano itong pinasok ko? You're not Archimedes. Christ! Kill me now. Kill me now.” Hagulhol niya, nangangatog ang mga paa. “I lost it. I lost it. My fandango sa ilaw is pundido na. God help me!” Sana ay lunukin na siya ng lupa. “Puwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang pangalan mo? Ayos ka lang ba? N–nasaktan ba kita?” “Huwag mo akong kausapin. Please! Hindi ako puwedeng ma-stress. Tantanan mo ‘ko. Pabayaan mo ako.” She stubbornly said. Buong akala niya ay langit at paraiso ang mararating niya sa gabing iyon. Nagkamali siya dahil sa impyerno siya dinala ng kagagahan niya. Napakawalang delicadeza niya. Paano na lang kung malaman iyon ni Osiris? Patay na! “Miss, kailangan nating ayusin ito. Hindi kita maaaring pabayaan nalang ng basta-basta. Handa akong ibigay ang lahat ng hilingin mo basta ipangako mo lang na susundin mo ang payo ko. Para ito sa ikabubuti mo.” Guilt was present in his eyes. “I don't trust you. Hell! I don't even know who you are at all. And for your information, hindi ako pulubi. My brother is filthy rich at sa pera pa lamang niya ay nalulula na ako kaya puwede ba?! f**k off!” “Really, huh?” Bakas sa mukha nito na hindi ito kumbensido. “Ako nga pala ang Alkalde ng bayang ito. Alder. I'm Alder Kalantri Evora.” A–alkalde? Nililinlang ba siya ng kanyang pandinig. Maniwala siya! Hah! Ngunit sa madaling sabi ay hindi ang pinakamamahal niyang si Archimedes ang nakapundi ng kanyang fandango sa ilaw kundi ang nagkukunwaring Alkalde na ito. Ibang lalaki ang nagmarka sa katawan at p********e niya. Pinagsasampal ni Freya ang sarili. Ayaw na niyang masikatan ng araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD