CHAPTER 1

1825 Words
NATATARANTANG hinila at pinasadahan ng palad ni Freya ang kanyang suot na gypsy skirt, conscious na baka may gusot iyon at hindi magmukhang presentable. Ilang beses siyang huminga ng malalim ng sa ganoon ay bahagyang kumalma ang nagririgodon niyang damdamin. Dahan-dahan at kalkyulado ang kanyang mga hakbang patungo sa pangdalawahang reserved table sa restaurant na iyon. Hindi dahil sa mala-Maria Clara ang kanyang kilos, ang totoo ay natatakot siyang gumewang ang kanyang mga paa dahil sa suot na Brian Atwood sandals na may apat na pulgadang takong. Sakripisyo talaga. A man was occupying the first sit and the other one was waiting for her. Finally, makakatikim na siya ng romantic date. At taimtim niyang panalangin na sa gabi ring iyon ay matikman niya ang lahat ng first. Lampas isang dekada rin ang kanyang hinintay bago siya pinagbigyan ng tadhana na maka-date ang pinakaaasam niyang lalaki sa kanyang buhay. "A-archi," mahinhin niyang inagaw ang atensiyon ng lalaki mula sa cellphone nito hustong nakalapit siya sa mesang magiging saksi sa first date niya. Magiging banal ang lugar na iyon kapag nagkataon. "Freya," Archimedes looked at her with a huge surprise in his handsome face. It's been almost five years when she last saw him- her one great love, her ultimate dream guy since then. He looks great, triple greater than he was before, more manly. His masculine, spicy aroma lingered in her nose, para siyang dinadala sa paraiso. Nag-twinkle ang mga mata ni Freya. Hindi mapigilang ilantad ang kilig at tuwa na makita itong muli. Subalit kailangan niyang paalalahanan ang sarili na may limitasyon ang lahat ng emosyon. Archimedes ushered her to her sit. Blushing, she smiled wildly at him after thanking the ever gentleman Archimedes Heredia. Noon man at magpahanggang ngayon ay hindi naiwala ng binata ang pagiging mabuti nito. Reason why she is head over heels in love with him. "Oh wow! Look at you. Ganap ka na talagang dalaga, Freya. I guess I don't need to ask you how are you doing 'cause obviously, you are looking awesome, little one." Freya frowned the slightest way. Sa limang taong hindi nila pagkikita, iyon lang ang opening remark nito? Wala man lang I miss you? May awesome nga pero binuntutan naman ng little one. Nais niyang umingos. She was disappointed to the core pero mapagpatawad ang puso niya kaya sige, ngiti pa rin. Kailanman ay hindi niya ikakahiyang si Archi ang weakness niya. Hindi naman matitiis ng puso niya na magtanim ng sama ng loob kay Archimedes. Ang totoo niyan ay hindi lang punla kundi naghahardin na siya ng pagtingin kay Archi sapol pa nang una niya itong makilala. He was and always will be her soulmate. She was connected to him since day one until eternity. "Oo, dalaga na at kung hindi mo naitatanong, ready na rin akong mag-asawa." Nabura ang matamis niyang ngiti nang tinawanan lang ni Archimedes ang sinabi niya. Nakakakiliti ba iyong nasabi niya? "You are still fun to be with just like before, Freya Grace. You're still cute." Binalandra ni Archi ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. It made her heart skipped a beat. "And you are an adorable lady now." Another piece of compliment straight from her soon-to-be husband. "Lady? You must be blind, Archi. I'm a full grown woman now, can't you see?" Chest out, she continued, "hindi ba halata, oh? I have big boobies, look closely. Noong binubusohan pa kita kapag jumi-jingle ka, peach-sized pa lang 'to. Now they're big like a papaya na." Pagmamayabang niya. She's f*****g twenty-six for heaven's sake. Napansin niya ang alanganing ngiti ni Archi. Naiilang ito sa sinabi niya. Mabilisan nitong sinipat ang paligid, tila nahihiya. "And Annalise always told me that women with big boobies are more likely irresistible. I'd be happy to prove it to you later or at least the idea of skipping out this dinner date is more okay for me. We're surrounded by hotels naman. So, the final decision is up to you." "Komekira ka pa rin talaga, Freya. Walang pinagbago ang pagiging mapagbiro mo." Hindi matiwasay ang pagkakawika niyon ni Archi. "At maniwala ka, isa iyan sa namiss ko saiyo. Your jokes, your childish confession, lahat nga yata e." "Archi, I'm not kidding around. Seryoso ako." Natulala ito. Nabigla niya yata ito masyado. Dadahan-dahanin na lang niya. "Sorry sa advancement ko. You know me well. Ganito pa rin talaga ako pagdating saiyo, Archi." Nagawa ulit siya nitong ngitian. Iyong natural nitong ngiti na nagdadala sa kanya sa ulap. "I understand, Freya. Yes, of course I do. Marahil ay excited ka rin katulad ko sa pagkikita nating ito after how many years." "Somehow true," she nodded. Sinasang-ayunan niya ang pahayag nito kahit papaano. But the term he used was too shallow, masyadong mababaw kumpara sa totoo niyang nararamdaman. Their foods were served. Nakaorder na rin kasi si Archi habang wala pa siya kanina. "The Salmon and pasta is for this adorable lady here and oops, also this crispy sardines cake. Thank you, boy." Magalang na imporma ni Archi sa service crew. Umabrisiete kaagad ang serbidero nang masigurong maayos na ang mga pagkain sa kanilang lamesa. Napatitig si Freya sa kanyang pagkain, nag-uurong-sulong na galawin ang mga iyon. They look yummy but, "Non-garlic and rich with Omega 3, so you have nothing to worry about. I also asked the head chef for his personal number, just in case na mag-hysterical ang kapatid mo ay maaari niyang matawagan ang chef. Baka isipin na naman no'n na-" "No need for a long explanation, Archi. Oo na, oo na." She chuckled and started stuffing her foods. "Naniniguro lang ako ngayon, Freya." Smiling, Archi said. Parte na nga yata ng nakaraan ni Archimedes ang isang tagpo noon na kung saan ay nabugbog ito ng kapatid niyang si Osiris. Isang beses ay dinala siya nito sa malapit na liwasan sa kanilang paaralan. Nahuli sila ni Osiris na masayang nagsusubuan ng kung anu-anong unhealthy na street foods. "Did I already apologized to you?" Umangat mula sa kinakain nito si Archi. He looked at her with a slight confusion. "Apologize? Para saan naman, Freya? As far as I remember, maayos naman ang pagkakaibigan natin noon pa man." "Not that, Archi. What I mean is iyong about kay Osiris at sa pagiging salbahe niya noon saiyo. Sorry kasi hindi kita nagawang ipagtanggol kay Kuya. Tapos jinowa pa niya si Annalise siguro ay para asarin ka pa lalo. I'm so sorry." Si Annalise ay kababata ni Archimedes. First love ng dalawa ang isa't-isa. Lumaki ang dalawa sa isang probinsiya at nang manuluyang kasambahay ang Nanay ni Archi sa pamilya nina Freya ay lumuwas rin ang binatilyo pa lamang noon na si Archi para sa Maynila ipagpatuloy ang pag-aaral, parehong eskwelahan kung saan nag-aaral din si Annalise bilang scholar, si Osiris bilang senior student din at si Freya na grade six pa lamang noon. Nasa senior year na rin si Archi sa secondary ng makilala ito ni Freya. Noon pa man ay hindi na lingid sa kaalaman ni Freya na binubully ng grupo ni Osiris si Archi. Isang beses ay nahuli niya sa akto na pinagtripan ng tropa ni Osiris ang payatot pa noong si Archi. Hindi iyon pinalagpas ni Freya at isa-isa niyang tinirador ang mga kaibigan ng Kuya niya upang tantanan si Archi. Doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan kahit pa malaki ang agwat ng kanilang edad. "Wala na sa akin iyon, Freya. Totoo. Okay na ako." Wika nito but he failed to convinced her. May pait pa rin sa mga mata ni Archi. Does... does he still have a feelings for Annalise? Tila sumama ang timpla niya sa naisip. Malabo pa rin kayang mapasakanya ang lalaking tanging pinapangarap niya simula't sapol? "If you say so. They're engaged na rin naman, e so let us be happy for them na lang, Archi." Pagsisinungaling niya. Matulin man ay nagawa pa ring hulihin ni Freya ang sakit na dumaan sa mga mata ni Archi. Kumpirmado! May pagtingin pa rin ito kay Annalise and Archi was just trying to hide it. Try harder, man! Siya naman ngayon ang nakaramdam ng hapdi sa kanyang kalooban. Not good for her. Absolutely not. Nang nasa kalagitnaan na sila ng kanilang dinner date ay binuksan na rin ni Archimedes ang totoong pakay nito kay Freya. "Why Osiris of all the excellent lawyers around the town, why him?" Diniretso siya nito na kung maaari ay matulungan niya ito na makuhang abogado ang maldito niyang kapatid. "Because Osiris is so far the best lawyer who is expert in the field of Family Law, Freya. He's... Alright, he's the best. I know he's not the type who can promise his clients the moon and stars but if he will be the one to handle the annulment case, it's not only the moon and stars that would be in our hands, but the universe instead," "Wait up, wait up! Annulment? Excuse me? Am I dating a f*****g married man here, ain't I? This son of b***h!" She almost panicked. "Ha? Hindi. Hindi, Freya. Mali ang pagkakaintindi mo. Wala akong kinalaman sa annulment at lalong hindi ako kasal. I am single." At salamat sa Diyos. Napanatag kaagad ang kalooban niya. "So, sino pala ang gustong magpa-annul? Mga tao nga naman! Gagastos ng malaki sa kasal tapos sa huli gagastos ulit para sa hiwalayan. Mga buang! Kaya kung sakali man na dumating ang oras na ma-realize mong gusto mo ako, gusto ko wala ng kasal-kasalan. Anakan kaagad." "We will tackle that some other time and anyway, it's just a good friend of mine. Her name is Everly Alvarado-Evora. Can I count on you? Please, please, please." Nagmakaawa ito at sino ba siya para hindi pagbigyan ang munting kahilingan ng magiging ama ng kanyang mga supling, hindi ba? Kaya pumayag siya kaagad. Pero teka! Narealize ni Freya na dehado yata siya rito. Nararapat lang na himingi rin siya ng kapalit galing kay Archimedes. Hindi maaaring wala. Ang talino niya talaga. Makakaisa na rin siya kay Archi. Hah! A one night stand will do. Ilalatag na sana ni Freya ang magiging kapalit ng napipintong pagtulong niya kay Archi nang nagmamadali na itong umalis. Nag-iwan lamang ito ng meaningless na halik sa kanyang bunbunan at tuluyan nang nagpaalam. Ni hindi man lang nito napansin na naiwan nito ang cellphone sa sobrang pagmamadali. Habang pinagninilayan ni Freya ang magiging hakbang niya para pikutin si Archi, umilaw naman ang cellphone ng nasabing binata na nasa passenger ng kanyang kotse. Slide to unlock lamang ang nasa screen. Walang password o PIN. Sunud-sunod na text messages ang pumasok. Lahat ay galing sa pangalang Rudraige. "Tanginang pangalan. Lakas maka-Ireland, pre." One of the text messages said, kailan ka ba darating? After the party, you asshole? Dumiretso ka na sa bahay ni Evora. At nakalakip din sa mensahe ang address ng lokasiyon, marahil ay hindi pa alam ni Archi ang nasabing lugar. Bingo! Ang lugar na iyan ang magiging saksi sa pag-iisa ng ating mga katawan, Archimedes. Here I come!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD