BLURB

135 Words
BLURB Maipapalagay ni Freya Grace na nahulog siya sa isang pinakamalalim na patibong— patibong na kung saan ay siya mismo ang lumikha para sa sarili. Dala ng kapusukan at kawalang-bahala sa sariling kapakanan ay pinuntahan niya ang isang ‘di pamilyar na lugar sa pag-aakalang doon tutungo ang lalaking kinababaliwan niya. Buo na ang kanyang pasya na isuko ang katawan niya sa naturang lalaki nang sa hindi inaasahang pangyayari ay napagkamalan lang pala niya. Ipinahamak niya ang sarili. Malaking dagok na iyon sa buhay ni Freya ngunit ang mas matindi ay may ebidensiya pa. Ebidensiya na nakatakdang bumagsak sa mga kamay ng pinangingilagan niyang kapatid? Idagdag pa na katunggali ng kapatid niya ang lalaking kasama niya sa litrato. Katapusan na ba ng kahibangan niya o simula ng pag-usbong ng isang malalim na pagtitinginang akala niya’y huwad ngunit titibay pala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD