29

1508 Words

Chapter Twenty-nine Hindi pa kami bumababa kahit na nakahinto na ang sasakyan. Para kaming may minamanmanan lalo't palinga-linga itong matandang kasama ko. "Ano bang ginagawa natin dito? Talagang nagbayad ka pa ng taong makakasama mong umupo rito sa sasakyan?" "Sshh!" saway nito sa akin. "Tahimik lang, Vee." "Hindi ko kaya." Singhal ko rito. Nilingon ako ng matandang lalaki na kasama ko. Masama ang tingin. "Tahimik." Pero muli lang akong umiling. "Ano kasing ginagawa natin dito?" makulit na ulit kong tanong. "May tatambangan tayo." Isang malakas na palo ang tumama sa hita nito na ikinangiwi nito ang natanggap n'ya. "Sinasabi ko na nga ba masama kang tao!" takot na hiyaw ko rito. Tapos itong angkol ay nakuha pang tumawa. Iyong tawa na parang abot hanggang kabilang barangay. Kaya kun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD