Chapter 34 " THE EMOTION "

1227 Words
Excuse me are you looking for me? " panimulang sabi ni Veronica. Napalingon naman ang dalawang panauhin at saka tumayo bilang pagbibigay respeto sa may ari ng bahay. Nagpalipat lipat ang tingin ni Lala sa dalawa at inoobserbahan kung may makikita siyang kahinahinalang kilos. " Oh you looked familiar to me? " sabi ni Veronica na ang tinutukoy nito ay si Sam Samonte. Napangiti naman si Sam sa tinurang iyon ni Veronica. Taliwas naman sa inaasahang reaksyon ni Lala ang nakikita niya ngayon. " By the way ako nga pala ang kapatid ni Sam Samonte and to be honest pareho din kami ng pangalan. " nakangiting sabi ni Sam. Nabaling naman ang tingin ni Veronica kay Lala na nananatiling walang imik although may kaunting awkwardness siyang nararamdaman ng mga sandaling iyon ay maagap naman siyang sinalo ni Sam. " Siya naman si Ms. Morales ang aking kasintahan and if I'm lucky enough baka siya na ang magiging future wife ko this year if God permits. " nagulat si Lala sa pagpapakilala nito sa kanya. Hindi niya ito inaasahan ngunit wala rin siyang ginawang pagtutol dito. Naisip niyang baka bahagi lang iyon ng kanyang strategy. Sa kabilang dako ay patuloy naman sa pakikinig si detective Freda sa usapan ng tatlo at hindi rin niya maiwasan na hindi kiligin sa mga binibitawan niya salita. Hindi niya tuloy mawari kung spy nga ba itong maituturing o nagsasabi siya ng totoo. Napaka mysterious ng kanyang pagkatao. " So kapatid mo pala siya, small wonder at hindi ko agad iyon napansin. You really have a resemblance with you brother. Medyo magkaiba lang kayo ng style ng pananamit. He definitely go for a typical and rugged type and you mas prefer mo siguro ang formal attire. " mahabang nasabi ni Veronica. Niyaya niya ng dalawa na muling umupo sa may malinis na marble chair. " Ipagpaumanhin ninyo kung hindi ko kayo maharap ng maayos ngayon. But if you really want to talk to me ng mas matagal ay ipinapanukala kong bumalik na lamang kayo sa ibang araw. Naghihintay na kasi ang aking kausap at hindi ito puwedeng i- cancel." pahayag ni Veronica na hindi sigurado ni Lala kung ito ay umiiwas lamang na tanungin siya ni Sam tungkol sa kanyang kapatid. Napatingin si Veronica sa kanyang mamahaling relo bago ito muling nagsalita. " okay I can give you 5 minutes Mr. Sam if ever na may tanong ka sa akin about sa brother mo, but I warn you Sam i can't give you the details of everything na gusto mong itanong " hindi naman nag aksaya ng panahon si Sam at kaagad na itinanong nito kung alam niya kung saan naglalagi o nakatira ngayon ang kanyang kapatid. " I'm sorry Sam pero sa totoo lang ay hindi ko alam, dati ay may kumunikasyon din kami ng kapatid mo pero ewan ko ba bigla na lamang siyang naglaho na parang bula, I'm afraid I'm going to tell you the details tungkol sa bagay na ito and I understand that five minutes was not enough to answer all you questions regarding your brother. " paliwanag ni Veronica. Sa isipan ni Lala ay batid niyang may something sa pananalita na ayaw niyang ipahalata. She seems hiding something. " Would you mind kung i-request ko sayo na kunin ang numero na dati niyang ginagamit baka sakaling makontak ko siya. " malumanay na sabi ni Sam. Pero sa halip na sagutin niya ito ay kumuha siya ng isang calling card sa kanyang shoulder bag at iniabot niya ito sa binata. " I'm sorry for bragging you Sam but as I have said nagmamadali ako ngayon. Why don't you call me right after my business and we will talk about it. And tell this beautiful young lady na wala siyang dapat ipag alala dahil hindi kita naman kita aagawin sa kanya. " prangkang sabi ni Veronica. Walang magawa ang dalawa kundi pansamantalang tapusin ng mga ito ang kanilang pakikipagusap sa kanya. In Sam's mind one thing is certain na magkakilala nga sila ng kanyang kapatid. Sakaling mayroon siyang itinatago sa kanila ay pipilitin niyang alamin ang mga bagay na kailangan niyang malaman. Muling naglakad si Veronica patungo sa kanyang sasakyan at ang dalawa naman ay inihatid ni Elena sa may gate hanggang sa naglaho na ito sa kaniyang paningin. Nakabuntot naman si Freda sa dalawa pero may biglang pumasok sa kanyang isipan. Nais niyang sundan si Veronica at alamin kung sino ang tinutukoy niyang ka transactions nito. Pero paano si Lala?.Kalaunan ay napagdesisyunan ni Freda na sundan si Veronica pero ipinabatid nito ang kanyang plano kay Lala upang hindi naman ito mag alala sakanya. Hindi naman tumanggi si Lala at sinabihan niya itong mag ingat sa kanyang gagawin. Ipinayo naman ni Freda na huwag na siyang nagpapagabi sa daan at kung maaari ay magpahatid na lamang siya sa CDG Office at magdahilan na lamang ito na may importante din siyang kakausapin doon. Stay in doon si Lala at dahil ulila narin ito sa mga magulang ay minarapat ni Detective Nugas na siya ay kupkupin nito upang hindi na siya mangupahan sa kung saan saan. Parang tatay narin ang turingan nila sa isa't isa, palibhasa ay namatay din sa hindi maipaliwanag na insidente ang kanyang asawa at kanyang kaisa isang anak na babae. Sa daan ay nagpasya si Sam na yayain niya si Lala sa isang restaurant para mag lunch at nangako naman ito na pagkatapos nun ay hindi na niya gagambalain ang dalaga at ihahatid siya nito sa sinabi niyang lugar upang dalawin doon ang kanyang kaibigan. Hindi mawala sa isipan ni Sam ang unang pagtatagpo nila ni Veronica at tama ang kanyang hula hindi Bastang babae ang kanyang hinahanap at mukha itong palaban sa kahit na anong aspeto. Ipinagtataka rin nito ang pagiging composed nito na wari ay hindi man lang nagulat sa kanilang pagkikita. Taliwas sa kanyang inaasahan ay iba ang ipinapakita nitong reaksyon. Ang buong akala niya ay kapwa nagmamahalan sila ng kanyang kapatid kasang ayon sa nabasa niyang Diary ng kanyang kapatid. Ayaw naman niyang isipin na baka ginamit lang niya ang kanyang kapatid para sa isang makasariling dahilan. Lingid sa kaalaman ni Lala ay bago sila nagtungo doon ay nagkaroon na siya ng brief inquiry sa katauhan ni Veronica at batay sa kanyang ginawang pagsasaliksik ay may Asawa si Veronica na nagngangalang James Perez na isang may mataas na katungkulan sa Grove Tower. Ayon parin sa kanyang pagsisiyasat ay siya ang kaisa isang benificiary ng kanyang nasirang asawa. Hindi rin nakaligtas sa kanyang masusing imbestigasyon na si Ms. Morales ay personal secretary ng isang famous detective ng Makati City na Si Detective Nugas at siya ngayon ay under surveillance ngayon sa kanila. " Are okay Lala? " tanong ni Sam. " Huwag mo sanang ikakagalit ang sinabi ko kanina na ipinakilala kita kay Veronica na ikaw ang aking kasintahan na gusto kong pakasalan. " tila hula ni Sam sa pananahimik ng dalaga. Isang tipid na tingin lamang ang itinugon ni Lala at ang totoo ay hindi iyon ang kanyang iniisip. Dahil kanina habang pinagmamasdan niya si Sam sa may island Garden ay noon lamang niya na-realized na tila may kahawig si Sam sa kanya na minsan na rin niyang nakausap at iyon ay walang iba kundi si Mr. James Perez. ' Gosh bakit ngayon ko lang ito napansin ' bulong nito sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD