Palihim na sinundan ni detective Freda ang sasakyan ni Veronica. Gusto niyang alamin kung saan ito pupunta at kung sino ang sinasabi niyang ka transaction niya na siyang dahilan kung bakit hindi nagtagal ang pakikipag usap nina Sam at Lala sa kanya. Nagtuloy tuloy lamang ang sasakyan ni Veronica at sa isipan ni Freda ay mukhang wala itong balak tumigil at mukha ngang nagmamadali.
Nang mga sandaling iyon ay nakabalik narin si Allen sa apartment na kanyang nirentahan
malapit lamang sa tahanan ng mga CHAN na nais pasubaybayan sa kanya ng kanilang head. Muli siyang pumuwesto sa may bintana habang nilalantakan niya ang binili niyang yogurt sa isang convenience outlet. Paminsan minsan ay sinisipat din nito ang lugar gamit ang kanyang digital high-powered binoculars. Subalit nanatiling walang tao sa lugar at nakapinid ang pintuan. Habang siya'y naghihintay ay hindi niya maiwasang alalahanin ang nakalap niyang maliit na impormasyon patungkol kay Veronica. Ayon sa isang staff ng New Gen Locksmith ay nagpunta diumano doon si Veronica upang magpa duplicate ng susi. Ngunit hindi niya nabigyan ng linaw kung anong uring susi iyon dahil lalabas na mayroon itong ibang layunin sa pagpunta niya doon bagay na ayaw niyang mangyari. Nag iwan naman ng palaisipan sa kanya kung bakit siya nagpa duplicate ng susi at kung para saan iyon.
Maya maya ay may bumusinang kotse sa may harapan ng gate ng mga Chan. Kaagad na tinignan iyon ni Allen, nagawa rin niyang isulat sa kanyang notepad ang plate number ng kotse. Pinagbuksan siya ng lalaking nakahubad at tadtad ng tattoo sa kanyang katawan. Sina Mr. and Mrs. Chan naman ay nasa harapan ng pintuan at hinihintay ang paglapit doon ni Veronica. Kitang kita ni Allen na nagbeso beso pa ang dalawang babae bago sila pumasok sa loob matapos i-park ang kanyang sasakyan. Hindi maaring magkamali si Allen sa kanyang nakita na ang bisita na kanina pa hinihintay ng mag asawa ay walang iba kundi si Veronica.
Muling tumahimik ang lugar ng pumasok narin ang lalaking nakahubad at sumunod sa loob. Walang nagawa si Allen kundi ipagpatuloy nito ang naudlot niyang pagkain ng paborito niyang yogurt. Nasa gayun siyang kalagayan ng may mamataan siyang isang pamilyar na sasakyan sa hindi kalayuan sa apartment.
" anong ginagawa ni Freda dito? " pabulong na tanong niya sa sarili. Kaagad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan niya ito.
" Freda what are doing there? " ipinagtaka naman iyon ni Freda kung bakit tinatawagan siya ni Allen at mukhang nakikita rin siya nito.
" Hey Allen where are you? " nagtatakang tanong ni Freda.
" Just wait me there at pupuntahan kita diyan " dali daling bumaba si Allen, isinuot nito ang kanyang fake hair at ang kanyang eye wear. Mga ilang sandali lamang ay naglalakad na ito papunta sa direksyon kung saan ipinark ni Freda ang kanyang sasakyan. Natatawa pa si Freda sa nakikita niyang ayos ni Allen dahil nag mukha itong Nerd na Ahente ng isang kumpanyang nagbebenta ng mga insurance policy. Kaagad din siyang pinagbuksan ni Freda at matapos makapasok doon si Allen ay pinaulanan na siya kaagad ng tanong ni Allen.
" what about Lala? " concern na tanong nito.
" Don't worry she's old enough for this, sinabihan ko narin siya na huwag siyang magpapagabi " tugon naman ni Freda.
" Ikaw ano naman ang ginagawa mo dito Allen? " ipinaliwanag naman ni Allen ang buong dahilan kung bakit siya naroroon ayon narin sa tagubilin sa kanya ni detective Leumas Nugas.
" Tara sa apartment at may ipapakita ako sayo. " hindi naman nagdalawang isip pa si Freda ng yayain siya ni Allen.
" I'm sure sa hitsura mong iyan ay hindi ka pa kumakain " natatawang sabi ni Allen.
" Sinabi mo pa nagugutom na nga ako eh " honest namang sabi ni Freda.
" Tamang tama dahil nakabili narin ako kanina ng mga lutong pagkain. " magkasama silang nagtungo sa apartment at kaagad na ipinakita ni Allen ang venue kung saan siya naka puwesto sa tuwing siya ay magmamatyag sa tahanan ng mga Chan. Sinubukan ni Freda na sipatin ang Lugar gamit ang binoculars ni Allen. Subalit wala siyang nasumpungan doon na kakaiba maliban sa kotse ni Veronica na maayos na naka park sa maluwang na garage ng mag asawang Chan. Nang kumalam ang sikmura ni Freda ay saka pa lamang nagkasundo ang dalawa na pagsaluhan ng mga ito ang pagkain na binili ni Allen sa nadaanan niyang turo turo na isang pork stake at isang chopsuey at dalawang sukat ng kanin.
Matapos silang kumain ay muling nagpunta si Allen sa may bintana upang tignan kung may mga bagong kaganapan. Subalit nanatiling nakapinid ang pintuan. Ipinagtaka naman ng dalawang detective kung bakit naroon si Veronica at ano ang kanyang ginagawa doon.
Samantala sa loob ng tahanan ng mga Chan ay abala ang apat sa kanilang ginagawa. Nagkakaroon ang mga ito ng tinatawag na s*x orgy. Isang karimarimarim na tagpo na patuloy nilang ginagawa ilang buwan na ang nakakalipas. Sino ang maga akalang ang isang katulad ni Veronica ay magagawa ang gayong bagay. Nagsasalitan ang bawat mag partner at walang pakialam ang mag asawang Chan kung sino man kina Veronica at ng kanilang driver na tadtad ng tattoo ang kanilang makapareha. Doon lalong nagkakaroon ng satisfactions ang mga ito sa tuwing magpapalitan sila ng kapareha. Wala namang kamalay malay sina Allen at Freda sa mga nangyayari sa loob. Halos mag iisang oras na silang naghihintay sa muling paglabas ng mga tao sa loob ng pamamahay ng mga Chan subalit nanatiling tahimik parin ang Lugar.
" what do you think Allen, ano kaya ang ginagawa nila sa loob bakit ang tagal nilang lumabas? " medyo naiinip na tanong ni Freda. Wala namang mahagilap na kasagutan si Allen sa katanungang iyon ni Freda.
" Oh saan ka pupunta? don't tell me magpapadeliver kana naman ng Pizza " natatawang sabi ni Allen.
" I hate you Allen, babalik na ako sa kotse at doon nalang ako mag aabang. Tawagan mo nalang ako kung may makita ka na mga bagong kaganapan. " naka ismid na sabi naman ni Freda. Hindi naman siya pinigilan ni Allen at naisip din niyang mas okay nga na nasa loob siya ng kanyang kotse sakaling muling lumabas ang mga ito at may pagkakataon siya kaagad na sundan si Veronica.
" Hey Freda baka mainip ka sa paghihintay baka makatulong ito sayo. " tinanggap naman ni Freda ang isang yogurt na ibinibigay sa kanya ni Allen. Matapos itong magpasalamat ay kaagad itong bumaba ng apartment at nagtungo sa kanyang sasakyan.