Chapter 33 " THE SURVEILLANCE "

1403 Words
Siniyasat ni Allen ang unit na kanyang inupahan kasang ayon sa instructions sa kanya ni Detective Leumas Nugas. Isa itong medium sized apartment na may dalawang silid sa ikalawang palapag. Kaagad siyang nagtungo doon at dumiretso sa may glass window na natatakpan ng kulay gray na blinds. Marahan siyang sumilip doon sa tiyak na direksiyon na kailangan niyang manmanan. Ayon sa kanilang head ay malakas ang kutob nito na may kinalaman din ang mag asawang CHAN sa nangyari kay Mr. James Perez at posible diumano na kasabwat ang mga ito ni Mrs. Veronica Perez. Pero kailangan nila ng sapat na ibidensya upang patunayan ang pagkaka involved ng mga ito sa nangyaring pagkamatay ni Mr. James Perez. Napaka convenient ng lugar na kanyang napili para subaybayan ang activity ng mag asawang CHAN, mula sa bintana ay tanaw na tanaw niya ang facade ng kanilang tinitirhang apartment na nasa kabilang kalye. Isinet up ni Allen ang kanyang dalang Digital high-powered binoculars with night vision. Kaya nitong i-zoom ang location ng point of target up to 8000 meters. Nang sipatin nito ang lugar ay nasumpungan niya ang dalawang sasakyan na naka-park sa medyo maluwang na garahe. Sinubukan nitong I focus ang mga plate number ng kotse at hindi naman siya nabigo. Kaagad niya itong isinulat sa isang maliit na pad. Maya maya ay may lumabas na isang lalaking nakahubad na tadtad ng tattoo sa kanyang katawan at pagkatapos ay sumandal sa hood ng kulay pulang kotse. Sa obserbasyon ni Allen ay may kausap ito sa phone dahil sa pagbuka ng kanyang bibig na obvious na nakasuot ito ng headphone. Makalipas pa ang ilang minuto ay may isa pang lalaki na lumabas at kaagad na na-identify ito ni Allen. Ayon sa description sa kanya ni Detective Nugas ay medyo matangkad ito at isang ALBINISM at walang duda na ito ay walang iba kundi si Mr. Carlos Chan. Nagkaroon ng maikling paguusap si Mr. Chan at nang lalaking nakahubad ng tadtad nang tattoo sa katawan at nahiwatigan ni Allen na mukhang may paparating itong bisita na kanilang inaasahan at kanila ring inaabangan at iyon marahil ang kausap kanina ng lalaking nakahubad. Muling pumasok si Mr. Chan ngunit nanatili lamang sa kanyang puwesto ang nakahubad na lalaki at mukhang may malalim na iniisip na hindi na kayang arukin ni Allen. Maya maya ay May lumabas naman na isang babae na tiyak ni Allen na iyon na marahil ang may bahay ni Mr. Chan na si Mrs. Marilou Chan. May iniabot itong tila package sa lalaking nakahubad at kaagad naman itong kinuha ng lalaki at inilagay niya ito sa compartment ng pulang kotse. Hindi nagawang kunan ni Allen ang hitsura ng package dahil sa bilis ng mga pangyayari. Nang suriin ni Allen ang Oras ay nasumpungan niyang pasado alas Diyes na ng Tanghali. Nang muli niyang sipatin sa kanyang digital binoculars ang lugar ay wala na doon ang lalaki at maging si Mrs. Chan kaya minabuti niyang bumaba ng bahay suot parin ang kanyang wig na buhok at ang kanyang eye wear para hindi siya makilala ng mga ito. Nais niyang libutin ang lugar kung saan diumano nag stay si Mrs. Veronica Perez noong mga petsang April 13 to 15 hanggang sa matuklasan ang pagkamatay ni Mr. James Perez sa kanyang mismong opisina. Sa di kalayuan ng apartment na inupahan ni Allen ay nakilala niya ang isang matandang babae na nagtitinda ng mga kakanin sa gilid ng isang kalye malapit sa isang shop na may karatulang NEW GEN LOCKSMITH sa may JP Rizal Street. Agad niya itong kinausap at nagbabakasakali na namataan niya si Mrs. Veronica sa lugar na iyon na hindi naman imposibleng mangyari dahil sa kanyang maka agaw pansin na personality. " Tita pabili po ako ng kakanin at isang mineral water, grabe ang init na naman ng panahon mukhang uulan mamaya. " sabi ni Allen. Napatingin sa kanya ang medyo may edad naring babae at napangiti sa kanya. " sige pumili kana diyan ng gusto mo mam, hay naku tama ka mam grabe talaga ang init ng panahon ngayon pero huwag naman sanang umulan dahil wala pa akong gaanong nabebenta " malungkot na sabi ng tindera. Iniabot nito ang mineral water kay Allen at saka nito sinuklian ang ibinigay sa kanya ni Allen na singkwenta pesos. Habang kumakain ay sinimulan na ni Allen ang kanyang planong pagtatanong. " Tita madalas po ba kayong nakapuwesto dito? " " Yes mam lagi ako dito nakapuwesto at maski Linggo ay nagtitinda ako kasi kailangan kong kumayod dahil kung hindi ay tiyak na magugutom kami ng asawa ko at dalawa kong maliliit na apo. " tugon ng tindera. Hindi maiwasan ni Allen na pagmasdan ang hitsura ng matanda na sa estimate nito ay malapit ng mag senior citizen. Puno na rin ng wrinkles ang kanyang noo dahil marahil sa palagi itong exposed sa araw. " Saan po kayo nakatira tita ay nasaan po ang asawa niyo? " tanong ni Allen. Kailangan muna niyang hulihin ang loob ng matanda bago siya dumako sa talaga niyang pakay upang hindi siya magduda sa kanyang intensiyon. " Naku mam nakikitira lang kami diyan sa may pagawaan ng susi pag oras na magsasarado na sila doon na kami makikitulog sa May bakanteng lugar sa shop nila. Wala kaming sariling bahay, ang asawa ko ay Umi extra lang sa paglilinis ng mga basura kasama ng dalawa kong apo at sa mga basurang naiipon niya na maaaring pakinabangan ay iyon ang ibinibenta namin para may extra income pambili ng bigas. " malungkot na sabi ng tindera. Nakadama ng pagkaawa si Allen sa matanda at hindi niya maiwasang isipin ang kasabihan na LIFE IS SO UNFAIR, dahil may mga taong halos ay humiga na sa pera dahil sa dami ng kanilang kayamanan samantalang ang ibang tao ay namumulot naman ng mga tira tira para makaraos lang. " Tita kumusta naman ang pang araw araw niyong kinikita sumasapat naman po ba at saka yung dalawang apo niyo nag aaral pa ba? nasaan po ang mga magulang ng mga bata? " kitang kita ni Allen ang reactions ng matanda at gusto niyang pagsisihan kung bakit pa niya ito naitanong ang bagay na iyon. Halos mangilid ang luha ng tindera habang ito'y nagsasalita. " namatay ang aming nag iisang anak sa isang aksidente at naiwan ang kanyang dalawang anak sa aming poder. Yun namang walang kuwentang babae na nanay ng mga bata ay sumama sa ibang lalaki at hindi na nagpakita pa mula ng mailibing ang aming anak. Gustuhin man naming pag aralin ang dalawang bata pero wala kaming kakayahang gawin iyon pero nangako naman ang aming mayor na pagaaralin nila ang mga bata pagtuntong nila ng kinder. " Pilit na iniba ni Allen ang tema ng usapan at minarapat niyang ilabas nito ang isang larawan ni Veronica. " Tita may gusto sana akong itanong sayo kasi may hinahanap akong isang babae baka sakaling nakikita mo siya dito? " ipinakita iyon ni Allen sa matanda. Saglit na nag isip ang tindera at pagdakay nagsalita ito na nagdulot kay Allen ng ibayong katuwaan. " Oo mam nakikita ko ito noon at madalas siyang napapadaan dito, bakit mam kaano ano mo ba siya? " tanong ng tindera. Naghagilap ng isasagot si Allen. " Matagal ko na siyang hinahanap tita dahil ayon sa namatay kong tiyahin na kapatid ng nanay ko ay may kapatid daw po ako sa labas at ito nga po ang larawan na ibinigay niya sa akin." pagsisinungaling ni Allen ngunit kailangan niya itong gawin para sa ikabubuti ng kanyang misyon. " Ganoon ba mam? Oo nga ano at saka parehas kayong maganda, madalas ko siyang makita dito dati pero ngayon ay hindi na. Minsan ay nakita ko pa siyang pumasok diyan sa may New Gen Locksmith at parang may ipinaduplicate na susi hayaan mo kapag nakita ko siya ulit ay kakausapin ko siya para sabihin kong hinahanap mo siya, ang nawawala niyang kapatid. " nakangiting sabi ng matanda. Natigil ang kanilang paguusap ng may lumapit doon at bumili ng kakanin at softdrinks. Palihim namang dumukot ng isang libo si Allen sa kanyang wallet at palihim ding inilagay iyon sa karton na lagayan ng matanda ng kanyang pinagbentahan at saka siya nagtungo sa New Gen Locksmith kung saan nakita siya ng matanda na pumasok at nagpaduplicate diumano ng susi. May palagay si Allen na may kaugnayan iyon sa pagkamatay ni Mr James Perez at kung paano ay iyon ang kailangan niyang tuklasin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD