Chapter 6 " THE ENCOUNTER "

1828 Words
Maagang nakasapit sa kanilang head quarter si detective Leumas Nugas dahil pakiramdam niya ay mukha siyang tatrangkasuhin.Dumiretso siya sa kanyang opisina at kaagad na uminom ito ng gamot upang kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.Pagkalipas naman ng ilang minuto ay tinawagan niya ni Ms. Lala Morales thru intercon at hindi naman nagtagal ay kaagad na nagpunta sa kanyang opisina ang kanyang sekretarya. " are you okay sir you look so exhausted" bungad na sabi Ms. Morales at hindi nakaligtas sa kanyang pansin ang awra ng kanyang boss. " just a mild flu Lala, anyway i want you to call these people and ask for an appointment with regards to the incident that happened in the Star Grove Tower " iniabot ng detective ang listahan ng kanyang mga tatawagan.Natunghayan ni Ms. Morales ang Pangalan ng mga taong nakatakda sanang kausapin ng kanyang boss subalit dahil sa hindi maayos nitong pakiramdam ay minabuti na lamang niyang mag assign ng kanyang mga katuwang.Si detective Allen Mendoza ang naka assign para kumausap kay Mr. Dwight Arevalo, CEO ng TSGTower at si detective Freda Parazo naman ang naka assign upang siyang kumausap ka Mrs. Kelly Morgan Wilder, President at Presiding COO ng TSGTower. At ang pinaka huli ay si Mrs. Veronica Perez ang may bahay ng biktima at kliyente ng butihing detective at si detective Nugas ang siya mismong kakausap sa kanya. Isa isang tinawagan ni Ms. Morales ang mga ito sa kanyang sariling opisina at makalipas lamang ang ilang minuto ay muli itong bumalik sa opisina ng kanyang boss. " Sir nakausap ko na po ang dalawang pangalan na nakatakdang kausapin nina Allen at Freda and they are willing to make an appointment if it is necessary daw po, while ito pong si Mrs. Veronica Perez ay hindi ko po siya ma contact " maliwanag na pahayag ng kanyang sekretarya. " it's okay Lala, ako na lamang ang personal na kakausap sa kanya. Tawagan mo na lamang sina Allen at Freda at ipaalam mo sa kanila na gusto ko silang makausap early in the morning, yun lang at puwede ka naring umuwi muna sa inyo at gusto ko munang magpahinga." mahinang pahayag ng detective. " okay sir, pero kung sakaling may kailangan po kayo ay tawagan niyo nalang ako sa intercon mga 5pm pa po ako uuwi sa bahay sir dahil tatapusin ko lang pong i-update ang aking mga files at isasara ko narin po itong opisina pagkatapos. " tumango lang ang detective at pagkatapos ay agad na isinandal ang kanyang nanghihinang katawan sa may sofa at saka ipinikit ang kanyang mga mata, dinig na dinig parin niya ang banayad na lagatok ng high heels ni Ms. Morales at maging ng marahan nitong pagpinid ng pintuan. Naiwan ang detective sa loob ng kanyang opisina at bagamat nakapikit ay patuloy parin nitong nakikita sa kanyang kaisipan ang mukha ni Veronica na nasa larawang ibinigay sa kanya ng kanyang asawang si James at hindi nito maiwasang alalahanin ang iba pa nilang napag usapan ng gabing dumulog ito sa kanya. " are you sure that you want her to put in jail Mr. Perez? " usisa nito sa kanya. " Yun ang sa tingin ko ang nararapat sa kanya sir Nugas, there is no point of pursuing to regain our relationship dahil alam kong mayroon siyang ibang kinahuhumalingang ibang lalaki. " naglabas ng panibagong larawan buhat sa kanyang dalang attache case at ibinigay iyon kay detective Nugas. Bahagya niyang sinuri iyon at pagkatapos ay muli siyang nangusap. " Nakita mo na ba ang lalaking ito ng personal? " gustong kumpirmahin ng detective kung ang lalaking kasama ni Veronica sa isang beach resort ay personal niyang kakilala. " i just met the man once sa isang occasion na aming dinaluhan tatlong buwan pa lamang ang nakakalipas at hindi ko akalain na mayroon pala silang relasyon." " kailan mo ito nadiskubre Mr.Perez at paano ka nagkaroon ng ganitong larawan on your possession? kung sakaling mayroon kanang ibang informant na sumusubaybay sa kanila ay bakit kailangan mo pa ang serbisyo ko?" seryosong tanong ng detective. " the truth is,nakuha ko lang ang larawang ito sa mismong cellphone ng aking asawa as you noticed sir Nugas hindi ito nagbuhat sa isang real camera kundi ipinaprint ko lang ito thru computer scanning. " paliwanag ni Mr. Perez " I'm sorry Mr. Perez pero sa tingin ko ay hindi ko matatanggap ang trabahong iniaalok mo sa akin mas mabuting sa iba mo nalang ito ipagawa" malumanay na pahayag ng detective. " But what about the death threats sir Nugas please i beg you i need your help, let me set aside my wife temporarily sir Nugas but i swear in heaven that I'm so scared " emosyonal na pahayag ni Mr. Perez. Maya Maya pa ay may kinuha sa kanyang bag si Mr. Perez at pagkatapos ay kanya itong nilagdaan at inilapag iyon sa harap ng detective at saka ito tumayo. Ngunit bago ito tuluyang umalis ay nagsabi pa ito ng ilang mga kataga. " I'm sorry sir Nugas kung masyado kitang naabala sa iyong pamamahinga, pero ito lang ang masasabi ko, sakaling magbago ang isip mo ay maaari mo akong tawagan sa aking telepono. Nag iwan narin ako ng paunang bayad sa iyong serbisyo and you can encash this cheque at the end of this month kung gugustuhin mo but incase that you still rejected the job ay maaari mo itong itapon sa basurahan or burn it if you wish it doesn't matter to me but i hope that you chose the to accept my request . " Matapos niya itong masabi ay magalang siyang humingi ng paumanhin at saka nagpaalam. Naiwan sa ibabaw ng lamesa ang post dated cheque na kanyang pinirmahan.Nang tignan ito ng detective ay napa whistle pa siya ng nasumpungan niyang ang amount na nakalagay 500,000 pesos bilang paunang bayad sa kanyang serbisyo. Mga ilang sandali pa ay nagkaroon na ng epekto ang gamot na kanyang ininum at siya ay unti unting nakatulog.Gaya Kinabukasan ay magkasamang dumating sa tanggapan ng CDG Building sina Allen at Freda. Nadatnan nila sa kanyang opisina si detective Nugas na nakabihis narin at kasalukuyang nagkakape.inalok din sila ng kape ni Ms. Lala Morales subalit tumanggi ang mga ito at sinabing katatapos lamang nilang mag-kape kani kanina lang. " kumusta na ang pakiramdam niyo sir?" tanong ni Allen. " well the flu was gone...anyway, kayo na muna ni Freda ang bahalang kumausap sa mga pangalang nabanggit ko, try to figure out kung may ibang anggulo sa kaso ng pagkamatay ni Mr. James Perez dahil gaya ng alam na nating lahat na ang kumpanyang pinanggalingan ni Mr.Perez ay isang mayaman at multi billion ang net worth nito dahil sa laki ng kanilang nasasakupan. May mga Bali balita na nagkakaroon diumano ng corruption sa loob ng kasalukuyang administration ng TSGTower, kung kayat hindi maiiwasan na mai-ugnay ang pagkamatay ni Mr. James Perez sa nasabing usapin. " Mahabang paliwanag ng detective. Nang matapos ang ilan pang tagubilin ay pansamantalang tinapos muna nito ang kanilang pagpupulong at napagkasunduan ng mga ito na muling magkita pagkalipas ng 24 hours. Kaagad namang naghanda ang detective upang puntahan si Mrs. Perez sa kanilang tahanan matapos na mabalitaan buhat kay inspector De Vera na ipina-cremate ni Mrs.Veronica ang labi ng kanyang asawa dahil diumano ito ang kahilingan niya noong siya ay nabubuhay pa at iyon ay base rin sa sulat kamay mismo ni Mr.James Perez na may kaugnayan sa kanyang kahilingan niyang cremation sakaling siya ay pumanaw.Hindi narin kinailangan pa ang pagluluksa na katulad ng karaniwang paraan na ginagawa ng mga kapamilya nito sa tuwing may namamatay.At dahil patay narin ang mga magulang ni James at siya'y nag-iisa ring anak sa pamilya Perez ay walang nangahas na tumanggi sa isinagawang pag-cremate sa bangkay nito.Iniuwi naman ni Veronica ang abo ng kanyang yumaong asawa at inilagak ito sa isang bahagi ng kanilang Mansion na siyang magsisilbing alaala ni Mr. Perez. Minabuti ni detective Nugas na sumakay na lang ng taxi para puntahan ang tahanan ng mga Perez.Mas minabuti na lamang niyang mag commute keysa gamitin ang kanyang sasakyan dahil napapansin niyang medyo mas madali siyang mapagod kapag siya ang nagmaneho ng kanyang sariling sasakyan. Pagtapat ng taxi sa isang malaking gate na may taas na halos 3 metro na kasing taas din ng kanilang bakod na napapalibutan pa ng barb wire.Agad na sinubukan niyang pindutin ang doorbell at mga ilang sandali pa ang lumipas ay pinagbuksan siya ng isang babae na sa estimate ng detective ay nasa 17 years old pataas at naka suot ito ng uniporme palatandaan na siya ay maid sa mansion ng mga Perez. " Magandang umaga, nandiyan ba si Mrs. Veronica Perez? nais ko sana siyang makausap paki sabi na may gusto lamang akong itanong sa kanya tungkol sa pagkamatay ng kanyang asawa " banayad na pahayag ng detective. " sino po sila sir ? " nahihiyang tanong ng bata pang katulong. " pakisabi nalang na gusto siyang makausap ni Detective Leumas Nugas " kalmanteng pahayag ng detective. " sige po sir sandali lang po at ipapaalam ko muna Kay mam Veronica " magalang nitong sabi at muli niyang isinara ang gate at naiwan doon ang detective at matiyagang naghintay muna sa labas. Hindi nagtagal ay muling bumukas ang gate at siya ay pinapasok ng katulong at sinabing sumunod ito sa kanya. Pagpasok ng detective sa malaking compound ng mga Perez ay hindi niya maiwasan na tignan ang paligid nito na halos ay concrete pavements ang makikita sa unahang bahagi ng maluwang na bakuran.Sa kalagitnaan ng malawak na loan ay wala ring gaanong halaman doon na namumulaklak kundi pawang mga fruit bearing trees na nakalagay sa mga malalaking paso na kadalasang ginagamit para sa bonsai plants.Ang mga dambuhalang paso ay natatamnan ng mga dwarfs Mango, chico, calamansi, apple guava at marami pang iba't ibang puno ng kahoy na namumunga na hindi niya tiyak ang iba. Bawat malalaking paso ay napapalibutan din ng circular wall na makapal na siyang nagsilbing benches.Ang mas nakatawag sa kanya ng pansin ay ang tila maliit na isla na sadyang ni-landscape ng malikhaing kaisipan. May mga malalaking tipak na bato na sinadyang isaayos at tinamnan ng iba't ibang variety ng cactus na may iba't ibang laki na sa tingin ng detective ay pinagkagastusang mabuti at itoy nagsilbing pinaka attraction sa Mansion. " isn't so beautiful detective? " tinig ng isang babae na nagmumula sa kanyang likuran.Halos Hindi rin niya namalayan na wala na doon ang sinusundan niya kaninang maid. Nang lingunin niya ang may ari ng tinig sa kanyang likuran ay nakilala niya ito, siya ang babaeng nasa larawan na ibinigay sa kanya ni Mr. James Perez.Hindi maipagkakaila sa mga mata ng detective ang labis niyang paghanga sa taglay na kagandahan ni Veronica "what you see is what you get" naisaloob pa nito sa kanyang sarili. Nasa harap ngayon ng detective ang babaeng kinamumuhian ng kanyang asawa, isang babae na hindi kataka-taka pag awayan ng kahit na sinong mga lahi ni Adan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD