Chapter 5 " THE NEWS "

1671 Words
Napakunot ang noo ni detective Nugas nang mapanood niya sa telebisyon ang balita tungkol sa ulat ng naganap na pagsabog sa The Star Grove Tower. Tatlo ang malubhang nasugatan at isa ang kumpirmadong patay na pinangalanan ng estasyon na si Mr. James Perez.Ayaw pa sanang bumangon ng detective dahil sa siya ay puyat at medyo hindi maayos ang kanyang pakiramdam ngunit dahil sa napag alaman niya sa nangyari kay James na kailan lamang ay nagtungo pa sa kanyang opisina at nakausap pa niya ng halos isang oras at hinihingi nito ang kanyang personal service na halos hindi niya tinanggap pero eto ngayon at nangyari na ang kanyang mga kinatatakutan na may kaugnayan sa pagbabanta sa kanyang buhay.Sa nasabing balita ay ipinapakita ang nangyaring kalunos lunos na sinapit ng kanyang kliyente. Naalala ng detective ang mga caricatures na nakalimbag sa mga death treats sa kanya lalo na ang huli na nagpapahayag na iyon na ang araw na susunduin na siya ay nangilabot ito, " Jesus Christ " naisaloob pa ng detective. Mga ilang sandali pa ay nagpasya ito na puntahan ang pinangyarihan ng krimen. Pagdating niya doon ay kaagad siyang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad na na humahawak sa kaso at ipinaalam niya sa mga ito kung bakit siya naroroon at pagkatapos ay ipinakita ang mga bagay na ibinigay sa kanya ng biktima na posibleng makatulong para sa agarang pagresolba sa kaso. Nang hilingin ng detective kung puwede siyang sumangkot sa usapin tungkol sa pagresolba sa kaso ng kanyang kliyente ay hindi naman tumutol ang mga awtoridad at binigyan pa siya ni Chief inspector Ronaldo De Vera ng kaukulang karapatan na makapagsagawa siya ng kanyang bukod na imbestigasyon basta huwag lamang siyang umabot sa hindi nararapat. Hindi din ipinagkait ng mga kapulisan ang mga detalye ng mga naunang imbestigasyon sa butihing detective. Humingi naman ng kaukulang pahintulot ang detective kung maaari nitong makausap ang mga taong naroon malapit sa pinangyarihan ng pagsabog. " your request is granted sir Nugas you can ask them one after the other if you want " ibinigay sa kanya ang listahan ng mga taong naroon bago ang insidente ng pagsabog. Sinuri iyong mabuti ni detective Nugas. " I already ask them their movement sir Nugas pero sa tingin ko ay mas mainam nga kung may follow up questions na posibleng na miss namin at maaaring ikumpara sa mga data na makukuha mo sa kanila.It would be a great support sa aming departamento ang pakikilahok mo sa nasabing usapin sa pagkamatay ni Mr. James Perez na nagkataon na isa sa iyong kliyente" Saad ni Chief inspector. " Pansamantala naming ipinaiwan ang mga taong sa tingin namin ay maaaring makapagbigay sa amin ng feedback sa mga naging pagkilos ni Mr. Perez bago ang insidente at nasa listahang iyan ang kanilang mga pangalan " sinuri iyon ni detective Leumas Nugas. 1. Zenayda Bajo - Receptionist na siyang nakatalaga sa 10th floor building na pagaari ng The Star Grove Tower kung saan ay nangyari ang Pagsabog.( present at the moment ) 2. Edwin Saños - Janitor(casualty) 3. Joan Castillo - Janitress(casualty) 4. Lyndon Figueroa - OIC in CCTV Monitoring( present ) 5. Mr.George Olivarez - Chief accountant of TSGT ( casualty ) 6. Avelino De Lara - Security Guard-day shift ( present ) Pagkatapos basahin ng detective ang listahan ng mga naroon ay kaagad niyang kinausap ang isa sa mga nasa listahan at minabuti na ang mga Casualties naman ay maari niyang kunan ng pahayag kapag naging stable na ang kanilang kalagayan. " Ms. Zenayda Bajo right mam ? " tumango lamang ito bilang kumpirmasyon sa tanong sa kanya ng detective.Tahimik lamang na nakikinig si chief inspector De Vera habang ito ay nakatayo sa tabi ng detective. " Anong oras dumating dito si Mr. James Perez sa pagkakatanda mo? " nag isip muna ito bago nagbigay ng pahayag. " between 7 am to 8 am sir " kinakabahan nasabi ng receptionist. " Wala ka bang masasabi na iksaktong oras Ms. Bajo? " napailing ito katibayang hindi niya ito matiyak basta ang alam nito ay between the time of 7am to 8am. " Wala ka bang napansin na kakaiba kay Mr. Perez ng dumating siya dito sa inyong tanggapan? " routine question ng detective . " Wala naman po sir maliban sa..." medyo nagaalalang nasabi ng dalaga pang receptionist. " maliban sa para po siyang atubili at parang... " muling nag isip ang receptionist. " parang ano miss Bajo please be specific " inaayos ni Ms. Bajo ang kanyang nahuhulog na eyewear, nagmukha tuloy siyang si Betty La FEA sa kanyang ayos. " Napansin ko lang sir na para siyang nawawala sa sarili " tugon nito. " bakit mo naman nasabi iyan Ms. Bajo?" " I'm not sure sir pero parang hindi siya mapakali. Nang utusan niya ako para ibigay ang sulat para kay Sir Olivarez ay dagli akong sumunod at pagkatapos ay Bigla na lamang akong nakarinig ng pagsabog " Saad ng receptionist. " Bago po pala niya ako inutusan na ibigay ang sulat kay Mr. Olivarez ay inalok ko muna siya ng kape pero hindi po niya ako pinansin na parang wala siyang narinig. " " wait lang ms. Bajo ng alukin mo siya ng kape, what time is that? " tanong muli ng detective. " mga 20 minutes before 8 o'clock sir if I'm not mistaken. " mahinang nasabi ng receptionist. " sigurado ka ba Ms. Bajo?, please isipin mong mabuti this is very important. " Saglit na napapikit si Zenayda at ng muli itong magmulat ay saka niya kinumpirma na yun ang Nakita niyang oras na nakaregister sa wall clock na nakasabit sa may ding ding ng opisina ni Mr. James Perez. " What was the time ng utusan ka ni Mr. James Perez na magtungo sa opisina ni Mr. Olivarez para ibigay ang sinasabi mong sulat? " " At about 8 o'clock sir pinuntahan ko si Mr. Olivarez sa kanyang opisina para ibigay ang sulat at pagkatapos ay pumunta po ako sa comfort room dahil hindi maayos ang lagay ng aking sikmura " inilingid ni Zenayda ang paghalik sa kanya ng taong inakala niyang si Mr. Olivarez.Ang totoo kaya siya nagpunta sa comfort room ay para tignan ang kanyang sarili sa salamin at nako conscious sa kanyang hitsura at ipinagtaka niya ang biglang pag-halik sa kanya ni Mr. Perez bagay na matagal narin niyang inaasam noon pa man. Nagtagal siya doon ng mga ilang minuto at pagkatapos ay saka nagpasyang muling lumabas buhat sa comfort room. Bago siya tuluyang bumalik sa reception area ay naka salubong niya ang dalawang tagalinis na papunta sa direksyon kung saan nangyari ang insidente kaya isa Sila sa mga casualties dahil inabot Sila ng pagsabog. " are you okey Ms. Bajo? " " I'm not okey sir " tapat nitong sinabi. " okay Ms. Bajo one last question at maaari kanang umuwi sa inyo para makapag pahinga dahil alam kong medyo stressful ang araw na ito para sa inyo, my last question is... did you happen to see the content of the letter that Mr. James Perez given to Mr. Olivarez ? " " hindi po sir, at wala po ako sa posisyon para tignan iyon " kalmanteng sabi ni Zenayda.Nang payagan ang receptionist na maari na siyang umuwi ay agad itong tumayo at gumayak para sa kanyang paguwi.Naiwan doon ang dalawa. " chief inspector, what happen to Mr. Olivarez? " tanong ng detective sa nakatayong chief inspector. Minabuti namang umupo ng Chief inspector sa inupuang kanina ng receptionist bago ito nagpaliwanag. " just to save your precious time sir Nugas, isa si Mr. Olivarez sa malubhang napinsala sa pagsabog and according to our men na naunang pumunta sa dako ng pagsabog ay nasa critical itong kondisyon " paliwanag ng hepe. " Na recover niyo ba sa kanya ang sulat na ibinigay sa kanya ni Mr. James Perez na ipinaabot sa kanya ni Ms. Zenayda Bajo? " tanong ng detective. " unfortunately sir ay nawawala ito, at hinihinalang matapos matanggap ni Mr. Olivarez ang sulat ay pinuntahan niya si Mr. James Perez upang siya ay kausapin tungkol sa nilalaman ng sulat na kanyang ibinigay hanggang sa posibleng nagkaroon ng pagtatalo ang mga ito ayon narin sa salaysay kanina ng dalawang janitor at Janitress na naka assign sa 10 floor na isa rin sa inabutan ng pagsabog ngunit Hindi ito gaanong malubha na katulad ng nangyari kay Mr. Olivarez at Mr. James Perez na nasa loob mismo ng kanyang opisina na siyang Centro ng pagsabog." may kahabaang paliwanag ng Chief inspector. " any idea captain kung ano ang nilalaman ng sulat na ibinigay ni Mr. Perez Kay Mr. Olivarez? " " I have no idea sir nugas, the supposed letter is still a mystery to me. " " how about the CCTV footage inspector? " tanong ng detective. " now you mention it sir Nugas, the OIC is under investigation sa kasalukuyan at dinala siya ng aking mga tauhan sa presinto para kuhanan ng statement doon. kaduda-duda ang kanyang mga overlapping statement na animoy mayroon siyang gustong pagtakpan. Ayon sa kanya ay nawawala ang mga kopya ng CCTV camera pagkatapos ng nangyaring pagsabog at hinihinalang may ibang tao na nag-manipulate nito." dagdag na paliwanag ng Chief inspector. " what about the wife of the victim inspector nakausap niyo narin ba siya ? " " we're going to schedule our interview with his wife detective pero hindi muna ngayon,tomorrow would be an ideal time and puwede mo kaming samahan kung may oras ka bukas sir Nugas " pero tumanggi ang detective at nagsabing nais niyang mag conduct ng sarili niyang investigation at nangako na anumang lead sa kaso na maaaring makatulong sa agarang paglutas sa kaso ay hindi niya ipagkakait na ipaalam kaagad sa kanila. Nagkamayan ang dalawa at matapos ang ilan sandaling paguusap sa mga awtoridad at sa mga bantay na guwardiya na naroon ng mangyari ang krimen ay nagpasya si detective Leumas Nugas na umalis sa lugar at naiwan doon si chief inspector Ronaldo De Vera para sa iba pang karagdagang imbestigasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD