Chapter 7 " THE MAID "

2086 Words
Nasa harapan na ng detective ang babaeng nasa larawan na minsan ay inasam din niyang makita ng personal. Nakasuot si Veronica ng blusang itim na hindi gaanong maluwang at medyo manipis ang tela nito kung kayat aninag ang magandang hubog ng kanyang katawan, ang desenyo ng blouse ay oval shape and slanted ang tabas kayat litaw din ang mala-porcelana nitong kaliwang balikat, bumagay din ang terno nitong puting palda na lampas tuhod na lumikha ng kanyang pambihirang imahe. " Good morning Mrs. Perez " sa wakas ay naibuka ng detective ang kanyang bibig at aminado siyang saglit siyang nadistract ng pambihirang awra ng kanyang kaharap na babae.Isang tipid na ngiti lang ang itinugon sa kanya ni Veronica. " I'm Detective Leumas Nugas mam, i just want to ask a few questions about what happened to your husband " straight to the point na sabi ng detective. " excuse me sir pero recently ay nagpunta na dito ang mga alagad ng batas at kinuhanan na ako ng statement, at uulitin ko, wala po akong kinalaman sa pagkamatay ng aking asawa dahil may tatlong araw na kaming hindi nagkikita simula ng araw na mangyari ang insidente sa Star Grove Tower " kalmanteng pahayag ni Veronica. " Yeah i understand Mrs. Perez but my line of question is different, it so happened that your husband is a Client of mine at naparito ako para tuparin ang aking tungkulin.I just want to clarify things regarding this..." inilabas ni detective Nugas ang laman ng envelop na ibinigay sa kanya noon ni Mr. Perez kung saan ay magkasama si Veronica at ang ipinapalagay ni James na kanyang kalaguyo.Subalit taliwas sa kanyang inaasahan ay hindi man lamang niya kinakitaan ng pagiiba ng reaction ang mukha ni Veronica ng ipakita sa kanya ng detective ang nasabing larawan. " oh paano napunta kay James ang kuha ng Larawang iyan? I can show you a bunch of photos na kasama ko ang ibang mga lalaki sir Nugas but it doesn't mean na lahat ng mga lalaking iyon ay nakarelasyon ko. Kung mayroon Mang nakakakilala kay James ay walang iba kundi ako yun, alam naman ni James from the very start na hindi ko siya ganun kamahal dahil pinilit lang niya akong pakasal sa kanya " nang muli siyang titigan ng detective ay waring iiyak ito sa kanyang harapan, she seems fragile and sensitive but at the same time she's so calm and confident. Hindi tuloy maarok ng detective kung siya ba ay nagluluksa o nagsasaya sa pagkamatay ng kanyang asawa, her beautiful pair of eyes is dancing while explaining. " Do you think sapat na dahilan na yan para hangarin kong patayin ang aking asawa sir Nugas? " nagtatanong ang mga tingin ni Veronica. " why not? according to your husband you are falling in love with this man named Sam Samonte isn't it true mam? " isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Veronica at pinahid nito ang namuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. " Yan ba ang sinabi ng asawa ko sayo sir Nugas? " malamlam ang mga titig nito sa detective.Pero nanatiling tikom ang bibig ng detective. " As I've said sir Nugas weather you believe it or not wala akong kinalaman sa pagkamatay ni James at lalong walang kinalaman si Sam Samonte." mariing pahayag nito. " maaari ko bang malaman kung saan ko matatagpuan si Mr. Sam Samonte Mrs. Perez? " kalmadong sabi naman ng detective. " hindi ko alam kung nasaan siya ngayon at kung alam ko naman bakit ko naman sasabihin? " seryosong pahayag ni Veronica. " then it only means na mayroon kang itinatago at pinagtatakpan " Saad ng detective. " for God sake sir, Sam and I were not lovers at kailan ko lamang siya nakilala, he's just a friend of mine just like others hindi lang siya marami pa akong kaibigan na mga lalaki and even LGBT i have a lot of friends around me. " seryosong sabi ni Mrs. Perez. " Then tell me where can I find this guy? " detective Nugas insisted. " Hindi ko alam sir at wala rin akong pakialam kung nasaan siya, it's none of my business, anyway what's the point of doing all this things sir Nugas? patay na ang asawa ko and I think the cause of his death is suicide. " hindi inaasahan ng detective na maririnig niya iyon kay Veronica. " what makes you think na suicide ang nangyari sa iyong asawa Mrs. Perez? " nagtatakang tanong ng detective. " sarili ko itong pananaw sir Nugas,lately James was so exhausted and he is desperate.The last time we talked sinabi ko sa kanya na makikipaghiwalay na ako sa kanya and you see? for a couple of days na hindi kami nagkita ay inakala niya marahil na tinotoo ko na ang sinabi ko sa kanya.His last resort is to take his own life. Madalas niyang panakot sa akin na magpapakamatay siya pag iniwan ko siya at hindi rin siya papayag na basta ganun nalang dahil titiyakin niyang magdurusa ako sa kulungan, and now he did what he said at ikaw sir Nugas ang kinasangkapan niya para ako ay usigin..." makahulugang pahayag ni Veronica na hindi inaalis ang kanyang paningin sa detective. "Nothing personal madam, but I don't think your husband is a suicidal type of person, bago nangyari ang insidente ay nagpunta siya sa aking opisina at humihingi sa akin ng advice.Isinaysay niya sa akin ang bawat detalye ng kanyang prublema." ipinakita ng detective ang tatlong envelop na naglalaman ng tila death threats kay Mr. James Perez.Tinignan din iyon isa isa ni Veronica at rumihistro sa mukha nito ang kakaibang reaksiyon na hindi maarok ng detective kung ito ba ay genuine or fake expressions. "death threats or poison card? wala siyang nababanggit sa akin tungkol sa mga ito dahil kilala ko si James sa simulat simula palang, he will confront me right there and then kung alam niyang sa akin galing ang mga ito sir Nugas " wari ay depensa ni Veronica. " are you aware that your husband has a weak heart at posibleng malagay siya sa panganib even a loud shut of the door or kahit ng malakas na busina ng kotse ay puwedeng magtrigger ng kanyang sakit sa puso na magreresulta ng kanyang kamatayan? " gustong tiyakin ng detective ang isang bagay. " honestly speaking sir Nugas,wala akong alam sa bagay na yan at hindi rin ako naniniwala na may sakit siya sa puso or kung may taning na ang kanyang buhay I don't know about that at wala rin akong planong alamin ang bagay na yan" tila blangko ang reaction sa mukha ni Veronica habang sinasabi niya ang bagay na iyon. " You mean that your husband is lying to me Mrs. Perez? " tanong ng detective. " It's your duty to find out sir Nugas ask his personal doctor if you wish " maikling tugon ni Veronica. Napansin ng detective na hinawakan ni Veronica ang kanyang ulo at sa tingin niya ay bahagya itong namutla. " excuse me sir pero kung wala na po kayong itatanong ay nais ko nang magpahinga, medyo sumasakit ang ulo ko dahil nitong mga nakakaraang araw ay hindi ako nakakatulog ng maayos and if you will excuse me i need to take a rest." Yun lang at tumalikod na ito sa detective. Hindi narin sinansala ng butihing detective ang hiling nito at sinundan na lamang niya ito ng tingin. Sa banayad na hampas ng hangin sa paligid ay inaalon ang mahaba at makintab nitong buhok habang siya'y tila modelo na naglalakad palayo sa kanyang kinaroroonan, naiwan naman sa presensiya ng detective ang pabangong gamit ni Veronica, a very distinctive smell, a sweet fragrance of a rare roses that he will never ever forget. Nang tuluyan ng maglaho sa paningin ng detective si Veronica ay saka pa lamang siya kumilos upang lisanin ang lugar at inihahakbang na niya ang kanyang mga paa sa direksyon ng gate kung saan siya dumaan kanina ng bigla siyang matigilan.Sa sulok ng kanyang mga mata ay nahagip nito sa di kalayuan ang isang nilalang na animoy nagmamatyag sa kanya.Sa likurang bahagi ng isang malaking paso na natatamnan ng malagong puno ng apple guava ay may isang di gasinong malaking dampa. Doon niya nakita ang taong sa tingin niya ay kanina pa nagtatago at nakatingin sa kaniyang kinaroroonan. Dala ng curiousity ay minabuting puntahan ito ng detective ang lugar sa compound ng maluwang na bakuran na pagaari ni Mr. James Perez, kung saan niya nakita ang tila nagkukubling nilalang na sa pakiwari niya ay kanina pa nagmamatyag sa kanya.Nadaanan niya ang malaking paso na hitik sa bunga ng tinatawag ding guapple pero wala na doon ang nakita niya kanina na taong nakamasid sa kanya.Minabuti rin niyang suriin para alamin kung ano ang nasa dampa at nasa aktong papasok na siya ng bigla niyang makasalubong ang MAID na nagbukas ng gate sa kanya. " huh kayo pala sir ano po ang ginagawa niyo dito? " tanong ng nagulat na maid pagkakita sa detective, may bitbit itong lumang banig at lumang kumot na kulay puti. " paalis na sana ako ng may mapansin akong tao na tila nagkukubli sa likod ng malaking pasong ito, ikaw ba yun? " paniniyak ng detective. " ay opo ako nga po yun, tinatanggalan ko po kasi ng tuyong dahon itong guapple para mas lalong mamunga at eto nga po at susunugin ko ang mga tuyong dahon na tinanggal ko kasama nitong mga lumang gamit ko na hindi ko na kailangan. " paliwanag ng maid subalit hindi makumbinsi ang detective sa paliwanag nito. May kung anong sumikdo sa damdamin ng detective habang pinagmamasdan ang ikinikilos ng bata pang maid.Kitang kita ng detective ang panginginig ng kanyang kamay habang sinisindihan nito ang posporo. " akin na iha at tutulungan na kita " alok ng detective. Iniabot naman ng maid ang posporo sa detective at isang kiskis lang ng posporo ay kaagad na lumitaw ang apoy at unti unti itong kumalat ang sa mga tuyong dahon kaalinsabay ng isang malakas na tunog na animoy kalembang ng isang kampana. " ano yun? " usisa ng detective. " si mam Veronica po sir tinatawag po niya ako, sige po sir hayaan niyo po yan at umalis na po kayo baka kasi pagalitan na niya ako pag hindi po ako kaagad nakapunta sa may mansion, kung gusto naman po ninyo ng guapple ay pumitas nalang po kayo diyan kahit ilan " pilit ang mga ngiti ng maid at pagkatapos saka ito patakbong umalis patungo sa direksyon ng mansion. Naiwan ang detective habang pinagmamasdan ang papalaking apoy at bago lamunin ng apoy ang nakatuping kumot ay wala sa sariling binuklat niya ito sa tulong ng isang tuyong sanga ng kahoy at nasumpungan niya ang tila patak ng dugo na kumapit sa lumang puting kumot hanggang sa tuluyan na itong lamunin ng apoy.Tila may puwersang nagtutulak sa detective na galugarin ang dampa at nasumpungan niya doon ang isang kutson at dalawang unan at sa ilalim ng punda ng unan ay naroon ang ilang larawan ni Mr. James Perez.Sa isipan ng detective ay hindi na kailangan pa ng malalimang paliwanag para kanyang maintindihan ang kanyang natuklasan. Ang maid na ito ay may lihim na pag-ibig sa kanyang among lalaki at ang patak ng dugo sa kumot?... ahh dito nagaganap sa dampa ang kanilang pagniniig at hindi siya maaaring magkamali na dito na rin namulat sa mundo ng s*x ang bata pang maid ng mag asawang Perez.Nagtatanong sa sarili ang detective... pero bakit? bakit kailangan pa niyang gamitin ang kanilang maid gayong nandiyan na si Veronica, ang kaakit akit niyang asawa.Saglit na nag isip ang detective at kinuha ang isang larawan ni James at pagkatapos ay nag iwan ito ng tatlong calling cards, isa sa kanya at ang dalawang cards ay galing sa dalawa nitong kasamahan na sina detective Allen Mendoza at detective Freda Parazo.Inilagay niya ang tatlong calling card sa ilalim ng punda ng maid sa pagbabakasakali na baka may alam ang maid tungkol sa totoong nangyari kay James at maisipan nitong tawagan sila balang araw upang ipaalam sa kanila ang kanyang nalalaman.At para makatiyak siya ay minarapat niyang kumuha ng mga sample ng buhok na dumikit sa mga unan gamit ang kanyang maliit na twizzer at maingat na isinilid iyon sa isang maliit na plastic bag, at bago siya tuluyang umalis ay naisipan niyang pumitas ng isang bunga ng guapple at pagkatapos ay dali dali niyang tinalunton ang may kahabaang daan palabas ng compound ng mga Perez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD