Chapter 4 " THE JOB "

1743 Words
April 14, 2023 - 1 day before the execution. Alumpihit si Sam sa kanyang silid, ayaw siyang dalawin ng antok, naroong maupo siya at tumayo at magpabalik-balik sa paglalakad, titingin sa nakasabit na wall clock sa may ding ding at pagkatapos ay tititigan ang mga bagay na ibinigay sa kanya ni Veronica na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama.Naroon ang isang pares na sapatos na balat na lubhang makintab, kasama rin Dito ang slacks na kulay cream at isang long sleeve na kulay puti , leather belt, neck tie , socks , attache case at isang uri ng wallet na may lamang pera na hindi bababa sa 20k cash ang laman at mga credit cards. Lahat halos ng mga naroong kasuotan ay mukhang mamahalin at iyon ay pawang pagaari ni Mr. James Perez at palihim diumanong kinuha ni Veronica sa kanyang asawa.Sa sobrang dami diumano ng gamit ng kanyang asawa ay malabong mapansin pa niya ito. Sa araw ng bukas ay siyang araw na itinakda para iligpit niya si Mr. James Perez, ang Executive Secretary ng The Star Grove Tower at napapabalitang may malaking share narin sa kumpanya na kanyang pinapasukan.Siya rin ang sagabal para sa malayang pagmamahalan nila ni Veronica.Minsan pang sinariwa ni Sam ang mga tagubilin sa kanya ni Veronica. " Tandaan mo Sam kailangang maunahan mo si James sa kanyang pagpunta sa opisina, lahat ng mga kilos niya at galaw na itinuro ko sayo ay gawin mo. Isuot mo ang eye wear na ipinagawa ko na katulad ng isinusuot palagi ni James sa tuwing magtutungo ito sa kanyang opisina.Ingatan mo ang susi na ibinigay ko sayo dahil iyan ang gagamitin mo para makapasok sa kanyang opisina, ipinaduplicate ko yan para sa mas accessible na pagpasok mo doon. Tandaan mo Sam sa room 22A sa 10th floor.Huwag na huwag mong kakalimutan na bago mag 7 am ng umaga ay kailangang naroon kana dahil sa oras na 7:30 am ay magrerelyebo o magpapalit ng guard.Be composed, alisin mo ang daga sa dibdib mo at maging kalmante ka lang mahal ko tulad ng itinuro ko sayo na gawi o manerisms ng aking asawa, just keep on smiling, isang tapik sa balikat at batiin sila ng good morning ganun lang kasimple. Gayahin mo rin ang ayos ng kanyang buhok as much as possible pati ang style niya sa pagsasalita at gayun din ang kanyang paglalakad. I hope pinanood mo na ang mga video footages ni James na ibinigay ko sayo kung papaano siya magsalita at manamit ... " saglit na napapikit si Sam at iniisip ang lahat ng mga mapanood niya sa video na mga gawi ni James the way he speak and smile to his audience during his speech noon sa kanilang batch noong nakaraan nilang reunion sa college at siya ang naging guest speaker, maging ng mga video footages niya noong huli niyang kaarawan kung papaano siya mag-entertain ng bisita. " Tandaan mo Sam na pag akyat mo sa 10th floor ay mabubungaran mo doon ang isang receptionist na ayon Kay James ay matagal ng may lihim na pagtingin sa kanya, ang pangalan niya ay Zenayda Bajo pero kung sinisuwerte tayo ay sana ay ma late siya ng pagdating ngunit gayun paman sakaling naroon siya ay Ikaw na ang bahalang dumiskarte bastat ang pinaka main goal mo ay makapasok ka sa loob ng opisina ni James.Huwag mo ring kalilimutan na ilagay sa ilalim ng kanyang table ang attache case yung siguradong makikita niya dahil iyan ay naglalaman ng bomba, naka set up na yan mahal ko kaya wala kanang dapat ipagalala diyan bastat tandaan mo na before mag 8:30 am ay naroon kana sa ibaba ng building o kaya ay dumiretso ka sa kahit saang comfort room doon na tiyak na hindi kana aabutin ng pagsabog mahal ko at pag nagawa mo ito ng matagumpay ay pumunta ka kaagad sa isang beach resort sa Palawan at magpalamig ka muna doon at magtiis ka munang maghintay doon ng mga ilang araw para rin iyon sa kaligtasan mo habang iniimbestigahan ang pagkamatay ni James at pagkatapos ay susunod din ako kaagad doon, nandiyan ng lahat ang perang gagamitin mo pagkatapos at ang address ng beach sa Palawan na pupuntahan mo doon.Huwag mo rin akong alalahanin dahil may nabuo na rin akong sariling alibi kung kayat siguradong hindi nila ako puwedeng pag hinalaan... " muling iminulat ni Sam kanyang mga mata at pagkatapos ay inayos ang kanyang sarili. Kailangan niyang maisagawa ang plano ng perpekto at walang pagkakamali dahil buhay at pag-ibig nila ni Veronica ang nakataya dito.Inilapat ni Sam ang kanyang katawan sa kanyang kama kasama ng mga gamit ni James na kanyang gagamitin sa araw ng kinabukasan,muling nanariwa sa isip niya ang mga mahahalagang detalye na hindi niya dapat makaligtaan. " u-ulitin kong muli sayo Sam bago mag 8 O'Clock ng umaga ay kailangang nakaalis kana sa opisina ni James dahil iyon ang mga oras na usually ay magtutungo siya sa kanyang opisina at mamalagi siya roon ng ilang oras, at pag napansin niya ang attache case na naglalaman ng explosive bomb ay huli na ang lahat para sa kanya. Just don't panic mahal ko and don't delay your move at huwag mo rin itong mamadaliin dahil kailangang naroon si James sa kanyang opisina bago ito mag explode. Just activate the red button sa ilalim ng hawakan ng attache case 30 minutes before 9 o'clock sharp in the morning dahil at exactly 9 o'clock ay sasabog ito. Bago ka lumabas ng opisina ni James ay Siguraduhin mong walang makakapansin sayo pero kung sakaling makita ka doon ng receptionist ay utusan mo siya sa lobby ng kanilang opisina at mag request ka ng kape at bigyan mo siya ng instruction na ibigay niya ang sobre na nasa bulsa ng pantalon ni James Kay Mr. Olivarez "saglit na napabalikwas si Sam ng maalala nito ang sobre, kaagad niyang kinapa sa bulsa ng pantalon na isusuot niya bukas at naroon nga ito at muntik na niyang makalimutan.Saglit niyang sinuri ang sobre na animoy sulat pero naka-sealed ito at nakasulat doon ang pangalang TO MR. OLIVAREZ. Hindi na niya naitanong kanina Kay Veronica kung ano ang laman ng sulat na iyon at kung sino si Mr. OLIVAREZ dahil sa kaniyang pagmamadali kanina. kunsabagay naisaloob ni Sam na hindi na iyon mahalaga at kung hindi siya nagkakamali ay baka isa lang iyon sa paraan para confused ang receptionist at hindi siya mag-isip na hindi si James ang kausap nito kundi siya. tuluyan ng bumangon si Sam at tumingin siya sa salamin upang ayusin ang kanyang buhok na parang katulad ng sa ayos ng buhok ni James at napapangiti rin siya na parang katulad ni James... muling nanariwa sa kanya ang ilang pang tagubilin sa kanya ni Veronica ... "Don't worry Sam, walang mangyayari saken magtiwala ka at pagkatapos ng lahat ng ito ay mapapa sa atin ang lahat niyang ari-arian at ma-pupunta rin sa atin ang lahat ng mga kayamanan na ipinamana sa kanya ng kanyang mga magulang na ninakaw lamang nila sa aking mga magulang.Nais kong pagbayaran lahat ni James ang mga ginawa ng kanyang mga magulang na siyang naging sanhi ng kanilang pagkamatay at nadamay pa ang inosente kong kapatid.Lahat ng pinaghirapan ni James sa trabaho, mga negosyo, alahas, maging ng kaniyang insurance policy at ang profit sharing ng kanilang kumpanya ay mapapa sa atin lahat mahal ko. At pag nangyari ang lahat ng ito Sam ay magpapakalayo layo na tayo dito sa Pilipinas at pupunta tayo sa Amerika at doon na tayo magpapakasal at doon narin tayo mamamalagi at bubuo ng pamilya... ano ang masasabi mo mahal ko?... may gusto ka pa bang itanong?...puwes kung wala na ay aalis na ako, Magiingat ka Sam, huwag ka sanang magkamali ayaw kong malagay ka panganib pero ito lang ang tanging naisip kong pinaka madaling paraan para lubusan tayong makawala sa Anino ni James... " Naka-tulugan na ni Sam ang pagiisip at nagising siyang muli dahil sa walang tigil na pagtunog ng alarm ng kanyang cellular phone dahil isinet nito ng mas maaga keysa sa kanyang naunang Naisip na oras. Alas tres palang ng madaling araw ay kaagad na siyang naligo at nag ensayo sa mga kilos at paggalaw ni James. Batid niyang maselan ang trabaho na kanyang gagawin at posibleng malagay siya sa pagkapahamak sa oras na siya ay magkamali. Ilang oras nalang ay magaganap na ang isang kabanata sa kanyang buhay na ni sa hinagap ay hindi niya akalain na kanyang gagawin. Mga ilang oras pa ay nakatanggap siya ng text messages na sinasabing darating na ang kotseng susundo sa kanya at siya ring magdadala sa kanya sa star grove tower kung saan siya ang magpapanggap bilang si Mr. James Perez. Kaagad siyang naghanda at nagpalit ng kasuotan at sa huling pagkakataon ay muli niyang tinignan ang kanyang sarili sa salamin at maging siya man ay hindi makapaniwala na ang kanyang nakikita sa reflection ng salamin ay hindi na siya mismo kundi si James Perez na. Paglabas ni Sam sa lihim niyang apartment ay natanaw niya sa hindi kalayuan ang kotseng itim na siyang susundo sa kanya at maghahatid sa star grove tower. Agad din siyang pinagbuksan ng driver na sa tingin niya ay hindi pa gasinong matanda subalit kapansin pansin na may diperensya ito sa kanyang pananalita. " si... sir... ipina... pa... pasabi... ni... ni... mam ver.. Vero.. nica... na isu... suot mo ang re... relong ito... " halos hirap din si Sam na intindihin ang sinasabi ng driver na initusan ni Veronica para siya'y sunduin at ihatid sa the star grove tower pero ng iniabot na nito ang relo ay doon niya napagtanto ang gusto nitong ipahayag. Nang tignan ni Sam ang relo ay halos mapapito pa siya sa kanyang nasumpungan. Isa itong mamahaling relo na matagal na rin niyang pinapangarap.Ang relo ay isang Rolex Daytona oyster perpetual Cosmograph at bagamat Hindi siya experto sa presyo nito sa merkado ay batid niyang ito ay may kamahalan lalo pa at ang kulay nito ay rose gold na siyang pinakamahal, Hindi niya tiyak kung ito ay genuine subalit hindi maikakaila na kung itoy isa sa mga gamit ni Mr. James Perez ay malamang na ito ay isang original Rolex Daytona mens watch.Nang umandar na ang sasakyan ay saka niya ito dahan dahan isinuot sa kanyang kanang kamay dahil ayon kay Veronica ganun daw diumano magsuot ng relo ang kanyang Asawa at kilala siya sa kanilang opisina na mahilig mangulekta ng mamahaling jewelry particularly expensive watches.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD