Chapter 3 " THE DECISION "

1669 Words
APRIL 11, 2023 - 3 days before the execution...Matapos ang kanilang paguusap ni Veronica ay hindi mapakali si Sam pilit niyang iwinawaksi ang isipin na gustong ipagawa sa kanya ni Veronica.Wari ay umaalingawngaw pa sa kanyang pandinig ang mga huling binitawang salita sa kanya ni Veronica. " you heard me right Sam, gusto kong patayin mo si James at pagkatapos ay wala ng magiging prublema sa plano nating pagsasama " napalunok si Sam sa hindi nito inaasahang sasabihin ni Veronica. " can you do it for me Sam? " hindi siya kaagad makasagot sa nais nitong ipagawa sa kanya.Batid niyang hindi siya malinis na tao subalit ang pumatay ng kapwa ay never na sumagi noon sa kanyang kaisipan. " huwag kang mag alala Sam dahil Hindi naman ito sapilitan, mahal kita at Ikaw lang ang tanging tao na aking mapagkakatiwalaan pero kung ayaw mo ay ako na lamang ang gagawa ng paraan..." tila may himig pagtatampo sa tono ng pananalita ni Veronica. " alam mong Hindi ako mamamatay tao Veronica at batid mo rin na kaya Kong gawin iyon alang alang sa pagiibigan natin pero pakiusap bigyan mo muna ako ng sapat na panahon para mapaghandaan ko ang bagay na ito. " malumanay na pahayag ni Sam. " katulad ng sabi ko sayo Sam Hindi kita pinipilit na gawin iyon para sa akin at kung sakaling makapagpasya ka sabihin mo sa akin kaagad.Ilang araw mula ngayon ay lilipad kami patungong L.A. kaya pagisipan mong mabuti Sam beacause we are running out of time." Napabuntong hininga si Sam habang inaalala ang mga huling paguusap nila ni Veronica.Naglabas siya ng dalawang bote ng beer buhat sa kanyang freezer at saka pumuwesto siya sa may terrace habang pinagiisipan nito kung ano ang marapat niyang gawin.Bawat paglagok naman niya ng alak ay muling nagpatuloy sa pananalasa sa kanyang gunita ang unang pagkakataon ng makilala niya si Veronica. " please to meet you Mr. Sam " inilahad sa kanya ni Veronica ang kanyang kamay at nahihiya namang nakipag shakes hand siya kay Veronica.Tila musika rin sa kanyang pandinig ang tawagin siya nito sa kanyang pangalan. Napakalambot ng kanyang palad na animoy bagong silang na sanggol.Langhap rin nito ang pabango na sadyang lalong nagpalakas sa kanyang animalistic appeal. Parang mahika na maituturing Ang kanilang first encounter at maski sa maikling panahon na kanilang pagkakakilala ay kaagad na nahulog ang loob nila sa isat isa.Ipinagtapat din kaagad ni Veronica na siya ay may asawa ngunit wala silang anak. Medyo ikinalungkot din iyon ni Sam subalit sa kabila nito ay hindi nabawasan bahagya man ang kanyang nadarama para sa kanya bagkos ay lalo pang umusbong ang kanyang nararamdaman. Noong una ay walang formal courtship na nagaganap dahil hindi naman sanay si Sam manligaw epekto iyon ng kanyang naging trabaho na puro fling lang lahat kumbaga ay pawang laro lang.Pero habang tumatagal ay napapansin niyang mismong si Veronica na ang gumagawa ng paraan para Lalo silang magkalapit bagay na nagbigay sa kanya ng lakas ng loob.Noong una ay inakala ni Sam na companion lang ang gusto sa kanya ni Veronica pero ng minsang maglakas siya ng loob na ipagtapat sa kanya ang nararamdaman nito ay kaagad naman siyang sinagot ni Veronica na labis na nagbigay sa kanya ng ibayong kaligayahan. Simula ng araw na iyon ay pinilit niyang magbago. Noong una ay nahihirapan siyang gawin iyon dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya at maging sa nature ng kanyang trabaho. Bagamat hindi naman siya pinipigilan ni Veronica na ipagpatuloy nito ang kanyang trabaho ay nasa Plano narin niyang umalis sa gayong uri nang trabaho pagkatapos na siya ay makapag ipon. Palihim din siyang nag enroll sa isang vocasional course bilang welder at napagisip isip niyang magagamit niya ito sakaling palarin siya na makapunta ng ibang bansa.Kumuha rin siya ng sideline bilang waiter sa mga fastfood chain sa mga oras na bakante siya.Binibigyan din siya paminsan minsan ni Veronica ng pera sa tuwing magkikita sila at bagamat ayaw sana niya itong tanggapin ay ipinipilit naman ito sa kanya ni Veronica at sinasabing kung ayaw niya itong gastusin ay ibigay na lamang niya ito sa mga pulubi sa lansangan,kaya upang hindi ito magtampo sa kanya ay tinatanggap na lamang niya ito at inilalagak sa bank account na kamakailan lamang niya binuksan. Parang umaayon pa sa kanya ang panahon dahil ang ilang sa mga nakautang sa kanya dati ay himalang nagsisipagbayad na kahit hindi niya ito sinisingil at sa maikling panahon lamang at nakapag ipon na siya ng umabot na sa 100 thousand pesos. Batid niyang maliit parin iyon para sa pagsisimula sa buhay may asawa. Lubhang malaki ang kanyang ipinagbago mula ng makilala niya si Veronica siya ang nagsilbing inspirasyon niya kung bakit nagkaroon na ng tamang direksyon ang kanyang dating magulong buhay. Muling kumuha ng dalawa pang bote ng beer si Sam at habang lumalalim ang gabi ay paikli naman ng paikli ang panahon para siya ay makapag desisyon... napapikit ito ng marahan ng maalala nito ang iba pang pahayag sa kanya ni Veronica bago ito lumisan kanina... " Sorry Sam kung pati Ikaw ay nadadamay sa prublema ko but it's okey kung sakaling maisip mo na hindi worth ang ipinapagawa ko sayo... sige aalis na ako Sam bye magiingat ka parati. " tuluyan ng umalis si Veronica na Hindi man lamang niya napagbigyan ang kanyang kahilingan. Nakadama ng pagkainip si Sam ng mga oras na iyon at pakiramdam niya ay tila hungkag ang kanyang buhay walang kulay at walang katuturan. Hindi na niya nagawang iligpit ang mga bote ng beer na kanyang ininuman dahil nagkakaroon na ito ng epekto sa kanyang Sistema.Ikinagulat din niya kung bakit madali siyang nalasing kahit apat na bote pa lang ng beer ang kanyang naiinum Hindi katulad ng dati na kahit magdamagan pa siyang uminom ay parang hindi siya tinatalaban.' oh Veronica aking Veronica ' pasuray suray siyang nagtungo sa kanyang silid at pagbagsak ng kanyang katawan sa kama ay kaagad siyang nakatulog. Tumitirik na ang araw ng muli siyang magising. Dagli siyang bumangon upang tignan ang oras pasado alas nuwebe na ng umaga. Kinuha niya ang kanyang cellular phone upang basahin kung may pahatid na mensahe sa kanya si veronica.Pero ni isang text message mula sa mahigit sampung text messages na nakaregister doon ay walang galing Kay Veronica. Hindi na niya pinagka interesan ang iba pang text messages na naroon. Naisipan niyang iligpit ang mga bote ng beer na nagkalat sa may terrace at pagkatapos ay nagtimpla siya ng kape.Lumipas ang isang Oras ay wala parin siyang natatanggap na text buhat kay Veronica doon na siya nag panic at pakiramdam niya ay para na siyang mamamatay sa pagkalungkot kung kayat siya na mismo ang tumawag kay Veronica. Sa una at pangalawang attempt ay hindi iyon sinasagot ni Veronica ngunit sa ikatlo ay may sumagot na sa kanyang tawag.Naulinigan niya ang pamilyar na tinig na iyon na itinuturing niyang siyang pinaka magandang boses sa mundo. " hello Veronica " batid niyang wala ang asawa nito sa kanyang tabi kapag sinasagot nito ang tawag at kung nandoon naman ang kanyang asawang si James ay nagpapahatid ito sa kanya ng maikling code na sila lamang dalawa ang . " hello mahal ko nami miss kita ng sobra " Hindi napigilan ni Sam ang kanyang sarili na magpahayag ng kanyang damdamin subalit nananatiling hindi umimik si Veronica. " kelan ka ulet pupunta dito mahal ko? " pero wala parin siyang nakuhang tugon dito. Doon na siya nagdesisyon dahil hindi na niya matiis ang pananahimik na iyon ni Veronica. " kailan mo gustong iligpit si James mahal ko " abrupt na tanong ni Sam sa kanyang pinakamamahal na babae doon pa lamang nagbuka ng bibig si Veronica. " huwag mong pilitin ang sarili mo kung nagaalangan ka Sam, kakayanin ko naman sigurong mag isa ito " mahinang sabi ni Veronica. " hindi mahal ko magkasama nating susuungin ang unos at bagyo , thru thick and thin ay magkasama tayo... ang laban mo ay laban ko rin " makabagbag damdamin na pahayag ni Sam at iyon ay kusang bumubukal na parang fountain sa kanyang puso. " salamat mahal ko " pahayag ni Veronica medyo basag ang kanyang tinig na tila natouch sa mga pananalitang iyon ni Sam. " kelan mo planong gawin ang pagligpit sa iyong asawang si James mahal ko. " muling tanong ni Sam. " as soon as possible mahal ko, nagkausap kami kanina ni James at nakapagpabook na pala siya sa PAL at tuloy na tuloy na ang plano niyang pagtungo namin sa Ibang bansa kaya kung nakahanda kana ay magkita tayo mamayang alas sais ng hapon sa dati nating tipanan para maibigay ko sayo ang lahat ng detalye na gagawin mo. Pero kung nagdadalawang isip ka pa mahal ko ay may pagkakataon ka pang tumanggi. " mahabang paliwanag ni Veronica. " hindi mahal ko nakahanda na ako sa anumang mangyayari Basta ipangako mo sa akin na pagkatapos nito ay tuluyan na tayong magsasama at magpapakalayo layo sa lugar na ito. " hiling nito kay Veronica. " Oo mahal ko pangako at maski hindi ka magtagumpay sa gagawin mo ay mananatili parin ang pag ibig ko sayo dahil mas Lalo Kong napatunayan na Hindi mo ako kayang iwan sa gitna ng kalungkutan at kagipitan. " " never kitang iiwan mahal ko, at hinding hindi ako papayag na mawala ka pa sa buhay ko. " " I love you so much Sam sige magkita nalang tayo sa dati. " " sige mahal ko magiingat ka " Nang magbaba na ng tawag si Veronica ay saglit niyang ini-scan ang oras 15 minutes past 10 am marami pa siyang oras para irelax ang kanyang sarili. Wala siyang idea kung papaano niya ililigpit si James at tanging si Veronica lamang ang nakakaalam. Pero kailangan niyang palakasin ang kanyang loob at katawan para sa isang hindi pangkaraniwang misyon. Naghubad siya ng damit at minabuti niyang mag push up at nag stretching siya ng husto. Sa isipan niya ay hindi niya dapat biguin si Veronica alang alang narin sa kanilang kalayaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD