APRIL 18, 2023 ( 8: 05 AM ) @ CDG Office Building
Nakahanda na si Lala sa muli niyang pakikipagkita kay Sam Samonte. Nagawa niyang i-settle ang lahat kagabi ng muling tumawag sa kanya ang binata na kanya namang inaasahan. Nasabi din niya kay Sam na kung gusto niya ay samahan niya ito sa pagtungo sa nakuha niyang address thru social media na ikinatuwa ni Sam. Hindi rin niya inaasahan na magagawa siyang samahan ni Ms. Morales. Gaya ng dati ay muli silang magkikita sa isang Lugar na sinabi ni Lala. Naka set up narin ang lahat ng kakailanganin nito para ma-monitor ni detective Freda ang bawat kilos at kaganapan sa magiging lakad ni Ms. Morales kasama ni Sam Samonte.
" Good luck sa inyong dalawa lalo kana Lala magiingat ka parati basta lagi mong tatandaan na nandito lang kami para suportahan ka." nakangiting sabi naman ni Allen. May sarili ring lakad si Allen na ipinagagawa sa kanya ni detective Nugas na may kaugnayan din sa kaso.
" Ikaw din Allen magiingat ka lalo na at nag iisa ka ngayon. " sabi naman mi Freda.
" Thanks Freda Ikaw din magiingat ka, mauuna na ako sa inyo ni Lala at magkita kita nalang tayo bukas " saad ni Allen bago ito tuluyang nagpaalam.
Nagkita sina Lala at Sam sa entrance ng The Hallmark, maagang nakasapit si Sam nakasuot lamang ito ng simpleng polo shirt at khaki gray pants at semi formal na canvas shoes. Mas bumata itong tignan sa kanyang kasuotan. Si lala naman at nakabihis lamang ng medyo slim na jeans at isang fashion blouse na nabili lamang niya sa mga online shops. Nagmukha rin siyang mas bata keysa sa kanyang dating kasuotan na masyadong pormal.
" you look amazing Lala " pambungad na sabi ni Sam pagkakita sa kanya, sabay abot ng tatlong Rosas na nabili lamang niya sa nadaanan niyang shop.
" Thanks Sam sana hindi kana nag abala pa, but anyway i always appreciate your kindness kaya nga ng sinabi mong may gusto kang hanapin na tao ay hindi ako nagdalawang isip na tulungan ka, so paano shall we go? " confident na sabi ni Lala. Sa Hindi kalayuan ay nakabuntot sa kanya si detective Freda at tulad nila ay naka casual attire lamang din ito. Nag lakad ang dalawa sa malawak na parking lot ng The Hallmark kung saan naka park ang kotse ni Sam. Agad namang sumunod si Lala na halos ilang dipa lamang pala ang layo ng kanyang kotse sa kotse ni Sam Samonte. Pagpasok ng dalawa sa kotse ay kaagad na iniabot ni Lala ang address ni Veronica kay Sam. Tinignan din iyon saglit ng binata at nang malaman niya ang location ay kaagad niyang tinignan sa kanyang Toyota built-in GPS Navigation kung saan ang pinaka malapit na daan patungo sa lugar. Nakalagay narin doon kung gaano kalayo at kung ilang oras sila bago makarating doon in a normal speed.Tahimik lang na nakaupo si Lala sa tabi ni Sam habang pinapaandar nito ang kotse.
" Would you care for a drinks Lala, nag prepare na ako just in case na magutom ka." napatingin si Lala sa likuran ng sasakyan at may isang basket doon na puno ng iba't ibang uri ng prutas at sa isa pang basket na puno naman ng iba't ibang uri ng chocolates at mga biscuits. Napangiti ng maluwang si Lala ng maalala niyang muli ang dati na niyang naisip dati pa na kung ang lalaking ito ang kanyang mapapangasawa ay tiyak na hindi siya magugutom pero tataba naman siya ng husto.
" Para na tayong magpipiknik nito ah " nakatawang sabi ni Lala.
" mas mabuti na yong handa naalala ko noong nagaaral pa ako ng elementary at highschool especially boy scouts camping laging jam-packed ang bag ko sa pagkain " nakatawa ring sabi ni Sam.
Lihim namang natutuwa si Freda sa nakikitang sweetness ng dalawa at sa maikling panahon lamang ng pagkakakilala niya sa binata ay botong boto na siya dito para kay Lala na batid din niyang may lihim ding pagtingin si Lala sa binata gaano man niya ito itanggi sa kanila.
" maiba ako Sam, if you don't mind bakit mo pala gustong malaman kung saan nakatira si Veronica kilala mo ba siyang personal? " tanong ni Lala na sinasadyang tila wala siyang idea kung sino si Veronica.
" honestly Lala hindi ko siya kilalang personal pero ang kakambal ko ay kilala siya at gaya ng sinabi ko sayo na baka alam niya kung saan ko makikita ang kapatid ko." seryosong sabi ni Sam.
" Papaano mo naman nalaman ang tungkol kay Veronica? " ipinaliwanag naman ni Sam ang insidente na nangyari sa mall kung saan ay napagkamalan siya ng mga bakla na siya ang kanyang kakambal.
" so girlfriend pala ng kakambal mo si Veronica tama ba ang narinig ko? "
" yeah and that's according to them kung kaya minabuti kong hanapin kung saan ko siya matatagpuan baka sakaling alam niya kung saan nakatira ngayon
ang kapatid ko and I'm so thankful na kasama kita ngayon para puntahan ang address na ito I just hope na makausap natin siya Lala" matiyagang pahayag ni Sam sa dalaga.
" Sana nga magkita na kayo ng kakambal mo at ako ang unang unang matutuwa pag nangyari yun " nakangiting sabi ni Lala. Isang makahulugang tingin ang ipinukol ni Sam sa dalaga ngunit hindi iyon nakita ni Lala dahil nakayuko ito at tinitignan ang oras sa kanyang pambisig na orasan, nakaregister doon ang oras 24 minutes past 9:00 o'clock.
Samantala ay natuwa naman si Allen na kaagad siyang nakahanap ng isang pribadong bahay na maaari nilang rentahan. Nagpanggap siyang ahente sa lugar na iyon at dahil sa taglay niyang karisma ay napapayag niya ang may ari ng bahay na upahan niya ang isang unit kahit sa loob lamang ng isang buwan.
" Oh thank you so much sir sa pagpayag mo, di bale bibigyan nalang kita ng special discounts sakaling mapapayag din kita na kumuha ng insurance policy sa kumpanya na aking pinapasukan " Nagpanggap si Allen bilang ahente ng isang insurance company ayon narin sa atas ng kanilang head sa kadahilanang mayroon siyang gustong pasubaybayan na mga taong sa tingin ng kanilang head ay may kinalaman sa kaso ng pagkamatay ni Mr. James Perez.