Chapter 32 " THE SCENE "

1434 Words
Tumapat ang kotse na sinakyan nina Lala at Sam sa harapan ng gate ng bahay ni Mr. James Perez. Bumaba ang dalawa at saka pinindot ni Sam ang doorbell na nasa harapan ng gate. Kapansin pansin ang ibayong katahimikan sa lugar na animoy isa na itong abandoned house. Iyon ang unang pagkakataon na makapunta doon si Lala bagama't batid niyang nagtungo na rin doon ang kanilang head sa lugar na iyon at naikuwento narin sa kanya ni Detective Nugas ang kanilang naging paguusap bilang bahagi ng ipinapagawa sa kanya na isang journal sa bawat developments ng kaso patungkol sa pagkamatay ni Mr. James Perez. Pinagbuksan sila ng gate ng kanilang katulong sa bahay na si Elena. " Ano po ang kailngan nila? " ito ang naituro sa kanya na routine question everytime na may dadating doon na mga panauhin. " Magandang araw sayo, dito po ba nakatira si Mrs. Veronica Perez? " si Lala ang unang nagsalita. Hinayaan lamang siya ni Sam na manguna sa pagtatanong at minabuti nito na makinig lang muna sa mga sasabihin ni Ms. Morales. " Opo mam dito nga po siya nakatira, maaari ko po bang malaman kung ano po ang sadya niyo sa amo ko? " tanong muli ni Elena. " Gusto lang sana namin siyang makausap sandali nandito ba siya ngayon? " usisa ni Lala sa katulong. " Opo nandito siya ngayon pero paalis po siya ngayon dahil nakita ko siyang nakabihis kanina matapos kong ibigay sa kanya ang orange juice na ipinatimpla niya sa akin. " Detalyadong sabi ng bata pang maid. Nagustuhan siya ni Lala dahil sa pagiging magalang nito despite her obvious introvert personality. " Puwede kaya namin siyang makausap kahit sandali miss? " si Sam at hindi na nakatiis pa na hindi nakasingit sa pagsasalita. Nag give way naman si Lala ng ma-sense niyang gusto ng binata na ituloy nito ang kanyang nasimulang pagtatanong. " Sandali lang po sir kung ganoon at sasabihin ko sa aking amo ang inyong request sa kanya, okay lang po ba na isara ko muna itong gate sir/madam? babalik din po ako kaagad para inyong malaman kung ano ang kanyang mga sasabihin. " pagpapaumanhin ng maid bago nito isinara ang gate. Makalipas pa ang ilang sandali ay bumalik ang maid at ibinabalita ang sinabi sa kanila ni Veronica. " Pasensiya na daw po sir/madam pero ipina-pasabi po ni Mam Veronica na bumalik na lamang daw po kayo sa ibang araw kasi nagmamadali daw po siya at may importante daw siyang aasikasuhin. " paliwanag ng maid. " Please pakiusap, pakisabi mo kay Veronica na kailangan namin siyang makausap kahit sandali lang kahit ilang minuto lang naman may itatanong lang kaming importante tungkol sa isang lalaki na nagngangalang Sam Samonte, hindi naman kami magtatagal sapat na ang limang minuto please lang. " napatitig si Elena sa nakikiusap sa kanyang lalaki at hindi siya sana'y na makarinig ng ganoon lalo na sa isang lalaki na nakikiusap sa kanya na tila siya ay may kakayahan na kumbinsihin ang kanyang amo. " Sige po sir sandali lang po at sasabihin ko kay mam Veronica " muling isinara nito ang gate at nagtungo sa Mansion. " Mam Veronica nakikiusap po sila sa inyo na kahit daw po ilang minuto lang may itatanong lang daw po sila tungkol sa isang Mr. Sam Samonte, ano po ang sasabihin ko sa kanila ma'am? " pagkarinig naman ni Veronica ang mga huling kataga na binitawan ni Elena ay biglang nagbago ang ihip ng hangin at hinarap siya ni Veronica. " Pakiulit mo nga ang sinabi mo kanina Elena? " inulit naman ng maid ang kanyang mga huling pahayag at saka pa lamang tila na absorbed ni Veronica ang kumpirmasyon na tama ang kanyang mga narinìg. " Okay ganito Elena papasukin mo sila pero doon mo sila dalhin sa Island Garden at sabihin mo rin sa kanila na susunod din ako doon kaagad. Pagkatapos ay ipaghanda mo rin sila ng Orange Juice at mamaya lang ay lalabas din ako kaagad. " Maayos na pahayag ni Veronica na ipinagtaka naman ni Elena. Agad niyang pinuntahan ang dalawang panauhin at saka niya pinapasok sa loob at dinala sila sa Island Garden kasang ayon sa tagubilin ng kanyang amo. Pagkatapos ay muling nagtungo si Elena sa May kusina upang ipag hain sila ng Orange Juice. Hindi maiwasang isipin ni Elena kung bakit biglang nag iba ang moods ni Veronica at nagbigay din sa kanya ng palaisipan kung sino si Sam Samonte sa buhay ni Veronica. Samantala ay paikot ikot sa harap ng salamin si Veronica at hindi siya mapakali ng walang tiyak na kadahilanan. Maraming katanungan ang naglalaro sa kanyang kaisipan kung bakit may mga taong gustong magtanong sa kanya tungkol kay Sam Samonte. Nasa loob na ng Island Garden sina Lala at Sam. Nagustuhan nila ang lugar na iyon at naaliw sila sa pagmamasid sa ibat ibang uri ng halaman doon na karamihan ay mga fruit bearing trees ngunit ang makaagaw pansin ay ang mga naggagandahang giant cactus na namumulaklak. Bibihira lamang makakita ng ganoong uri ng Rare Cactus na sa tingin ng dalawa ay nagmula pa ang ilang variety nito sa ibang bansa. " Mag Juice muna kayo Mam/ Sir habang hinihintay ninyo si mam Veronica. " magalang na sabi ng bata pang maid. " Thank you! " halos sabay pang nasabi ng dalawa. Natigil ang kanilang paguusap ng mga sandaling iyon hindi na sila gaanong nagkikibuan. Okupado ang kanilang mga pag-iisip ng ibat ibang bagay. Sa isipan ni Lala ay kaya siya nag desisyon na samahan si Sam ay upang tapusin nito ang misyon once and for all at alamin kung ano talaga ang totoo. Sa kaibuturan ng kanyang puso ay mayroon parin siyang natitirang doubt sa katauhan ng binata. Nais niyang makita mismo ng kanyang sariling mga mata ang aktuwal na reaksyon ng binata sa kanilang paghaharap ni Veronica. Tahimik lamang na sinisimsim ni Sam ang isinalin niya Orange Juice sa may kristal na baso at hindi maiwasan ni Lala na sulyapan ang binata sa kanyang pananahimik. Hindi niya mawari kung excited ba ito sa kanilang pagkikita ng personal ni Veronica o kung tensiyonado ito subalit ayaw lamang niyang ipahalata sa kanya. Mga ilang sandali pa ay naipasya na ni Veronica na lumabas ng mansion para puntahan ang kanyang mga hindi inaasahang panauhin. Minabuti niyang dumaan sa likurang bahagi ng Island Garden. Nakasuot siya ng isang maiksing bestida na manipis na halos aninaw ang kanyang magandang hubog ng katawan. Ang bestida ay inspired by one of the Famous designer from Paris France na si Shanelle Mariz Girbaud. Kulay Lavender ito na lalong nagpalitaw ng kanyang pambihirang awra. Bumagay ito sa kanyang mala porcelanang balat na lalong nag pa enhance sa kanyang makurbang katawan at eleganteng tindig. Nagmukha siyang kaakit akit na modelo ng isang mamahaling fashion dress. Maging siya man ay hindi makapaniwala kung bakit kinailangan pa niyang palitan ang nauna na niyang isinuot na damit na sopistikada narin namang tignan. Subalit May kung anong puwersa na nagtutulak sa kanya para lalo siyang magpaganda ng mga sandaling iyon. Sinadya din niyang ilugay ang kanyang lampas balikat na makintab na semi blonde na buhok at sa bawat pag hakbang ng kanyang mga perpektong binti suot ang isang pares ng 2 inches stilleto footwear ay nagmistula na siyang naglalakad na isang buhay na manika sa gitna ng entablado na siya ang pinaka star of the show. Sa di kalayuan at sa isang kubling dako ay nakamasid sa kanila si Elena. Nakatanaw ito sa direksyon ng dalawang nasa loob ng Island Garden. Nakatuon ang kanyang pansin sa makisig na mukha ni Sam na sa tingin niya ay tila nahahawig din sa isang tao na nagbigay sa kanya ng pansamantalang kaligayahan. Kanina ay hindi niya napansin ang awra ng lalaki ng una niya itong pagbuksan ng gate, pero habang tumatagal niyang pinagmamasdan ang lalaki ay mas lalong lumalarawan sa kanya ang kabuoan nito na nahahawig nga talaga sa kaisa isang lalaking minahal niya ng labis na walang iba kundi si Mr. James Perez. Nabaling naman ang pansin ni Elena sa kasama nitong babae. She felt something extra ordinary in her every glance sa katabi niyang lalaki at kapwa sila babae ramdam niya sa kanyang sarili ang mga titig na iyon at alam niyang hindi lamang ito basta simpleng tingin lang manapa ay may kaakibat itong sulyap ng pagtatangi. Mga ilang sandali pa ay natanaw na niya si Veronica na tila naglalakad na animoy human doll na de susi patungo sa kinaroroonan ng dalawa, nai-excite ito sa kanyang nakikitang tanawin na tila isang palabas sa pelikula na gusto gusto na niyang tapusing panoorin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD