" No Sam don't say sorry, medyo busy lang kasi ako lately at hindi ko alam kung ano ang uunahin kong gawin, may ipinaparush kasi sa akin ang aking employer but don't worry matatapos ko narin itong gawin so makakapag focus narin ako sa ibang bagay and of course I can help you with your request just give me some information about this girl named Veronica Perez na hinahanap mo. " iyon ang naisip ni Lala na gawing dahilan para hindi siya mahalata ng binata na nara-rattle siya sa tuwing sila ay magkausap sa personal man o sa video Cam.
" Salamat naman kung ganun akala ko kasi masyado na akong nagiging demanding sayo. " nahihiyang sabi ni Sam.
" okay lang naman small things, hindi naman mahirap gawin ang hinihiling mo don't worry tatapusin ko lang itong ginagawa ko and mamaya isusunod kong gawin ang request mo sa akin. " pahayag ni Lala na tila gusto na niyang ipahiwatig na I-off muna ni Sam ang tawag para hindi siya mahalata nito na nagba-blush na ng husto ang kanyang mukha.
" Okay sige pasensiya kana kung medyo naabala kita Lala, nandito lang ako just in case that you need someone to talk with, I'll wait for your presence. " pahabol pang sabi ni Sam bago tuluyang pinutol na ni Lala ang linya para hindi na humaba pa ang mga sasabihin ng binata.
" OMG pinapa inlove ba niya ako? " pabulong na nasabi ni Lala sa kanyang sarili. Maya maya ay may kinuha siyang folder sa kanyang cabinet kung saan naroon ang ilang detalye tungkol kay Veronica. Ang hindi alam ni Sam ay nasa listahan ng mga suspek sa nangyari kay Mr. Olivarez ang babaeng gusto niyang hanapin, kaya madali lang para sa kanya na ibigay ang mga mahahalagang detalye ng hinahanap niyang babae. Pero hindi niya iyon basta nalang ibibigay ang mga detalyeng iyon ng walang pahintulot ni Detective Leumas Nugas.
Naisip ni Ms. Morales na tawagan ang kanyang Boss para humingi ng ADVICE at upang ipaalam ang gustong hilingin sa kanya ni Mr. Sam Samonte kung papayag ba itong ibigay ang ilang mahahalagang detalye patungkol kay Mrs. Veronica Perez. Hindi parin siya 100 percent sure kung talaga nga bang mayroon siyang kakambal o patuloy parin siya sa kanyang pagpapanggap.
Pasado alas dos na ng hapon ng magkasamang dumating sa CDG Office Building sina Allen at Freda. Nadatnan nila doon si Ms. Lala Morales na nasa harapan ng kanyang computer. Pansamantala naman niyang inihinto ang kanyang ginagawa ng makita ang dalawa.
" ano na ang balita Lala tinawagan kana ba ulit ni Sam Samonte? " nakangiting sabi ni Allen. Nagtungo naman si Freda sa coffee counter at kumuha ng tatlong mugs para sa kanilang tatlo. Sinamahan naman siya ng dalawa para makapag prepare ng sandwich. Batid ng bawat isa na tiyak na marami silang dapat na pagusapan tungkol sa kanilang lakad na kailangan ding gawan ni Lala ng kaukulang report sakaling hanapan siya ng kanilang head ng kabuoang summary ng ginawang imbestigasyon nina Allen at Freda sa totoong sanhi ng pagkamatay ni Mr. Dave Olivarez. Habang sila'y nagkakape sa may maluwang na sala ng opisina ay natalakay nila ang isinagawang imbestigasyon sa biglaang pagkamatay ni Mr. Olivarez.
" so totoo pala ang kutob ni detective Nugas na talagang may foul play na nangyari. Ang pagkakatanda ko ay kasama noon sa report na ipinagawa sa akin ni Boss ang tungkol sa kabit ni Mr. Olivarez. Tiyak na itoy ikagugulat din ng detective sakaling malaman niya na siya ang may kagagawan sa biglaang pagkamatay ni Mr. Olivarez." komento ni Lala.
" may palagay akong may iba pang dahilan ang kabit na iyon ni Mr. Olivarez kung bakit niya iyon ginawa." sabi naman ni detective Freda.
" at ano naman sa tingin mo ang iba pang dahilan Freda? " tanong naman ni Lala sa kanya.
" mukhang may nag utos sa kanya na gawin iyon at iyon ang kailangan nating malaman " sabi ni Freda.
" sino naman kaya ang nag utos na iyon? omg habang tumatagal ay lalong nagiging complicated ang sitwasyon. Marahil ay nabalitaan niyo narin ang nangyari kay Mr. Dwight Arevalo. " pahayag naman ni Allen.
" speaking of Mr. Dwight Arevalo, hindi bat siya ang pangunahin na tumututol sa panukalang ibigay ang mga benipisyo kay Mrs. Veronica Perez at nagsabing dapat imbestigahan muna ng husto ang embezzlement case na kinasasangkutan diumano ni Mr. James Perez bago tuluyang ipagkaloob sa kanya ang lahat ng mga benipisyo kay Mrs. Veronica Perez. I can smell something fishy here."
Pahayag naman ni Freda na sinang ayunan naman ni Allen.
" And speaking of Mrs. Veronica Perez, tumawag pala sa akin kanina si Sam at nagpapatulong siya sa akin na hanapin ang kinaroroonan ni Veronica." kapwa pa napatigil sa paghigop sana ng mainit na kape ang dalawang detective pagkarinig ng mga huling pahayag ni Lala. Naging interesado sila bigla sa iba pang sasabihin ng sekretarya.
" Tama ba ang dinig ko Lala na si Sam ay nagpapatulong sayo na hanapin si Mrs. Veronica Perez? " tanong muli ni Allen.
" exactly! " maikling tugon ni Lala.
" pero papaano nangyari yun? Ibig bang sabihin ay kilala na siya ni Sam o dahil kaya yun sa nabasa niya sa tissue paper na ini-insert ko sa may pizza? " nagtatakang tanong ni Freda.
" hindi naman niya nilinaw sa akin kung paano niya nalaman ang pangalang Veronica at hindi ko naman puwedeng bigyan ng detalye si Sam dahil baka mahalata niya ako na may alam ako sa pagkatao ni Mrs. Veronica Perez. " pagpapaliwanag naman ni Lala sa dalawa.
" so noong sinabi niya sayo na gusto niyang magpatulong na hanapin si Mrs. Veronica ay ano naman ang iyong itinugon? " tanong muli ni Allen.
" wala pa akong opisyal na sagot
basta ang sabi ko lang ay tutulungan ko siya na mahanap si Mrs. Veronica Perez " tugon naman ni Lala.
" mas lalo kayong nagiging malapit sa isat isa Lala at kung totoong lahat ng mga sinasabi niya ay hindi maiiwasan na mag krus ang landas ng dalawa. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Veronica sakaling makaharap niya ang kakambal ng kanyang kalaguyo? " tila naiintriga namang nasabi iyon ni Freda.
Mag aalas tres naman ng hapon ng dumating sa opisina ang kanilang head. Nadatnan niya ang tatlo na seryosong naguusap na may kaugnayan
Kay Mrs. Perez.
" I'm sorry Lala kung hindi ko nasagot kanina ang tawag mo pero nabasa ko ang lahat ng mga sinabi mo sa text messages." pambungad na pahayag ng kanilang head detective matapos na abutin ang kape na kaagad na tinimpla sa kanya ni Ms. Morales.
" hindi ako tutol na ibigay kay Mr. Sam Samonte ang mga detalye kung saan niya puwedeng makita si Mrs. Veronica Perez at yaman din lamang na hinihingi niya ang iyong tulong ay pumapayag akong muli na siya ay iyong samahan sa tahanan ni Mrs. Veronica Perez. " na shocked si Lala sa sinabing iyon ng kanyang Boss dahil ang buong akala niya ay ibibigay lamang nila ang address ni Veronica kay Sam pero heto ngayon at plano pa niyang muling subaybayan ang kanilang pagtatagpo upang makita ang kanilang aktuwal na reaction kung totoo ngang hindi sila magkakilala o kung sila'y kapwa nagpapanggap lamang na estranghero sa isat isa. Napangiti ng maluwang si Allen ng makita ang reactions sa mukha ni Lala. Palihim namang napapangiti si Freda sa sinabing iyon ng detective.
" so tuloy kung ganoon sir ang surveillance namin kay Mr. Sam Samonte." tanong ni Freda.
" Tama ka Freda but this time ay Ikaw lamang mag isa ang magmomonitor kay Ms. Morales at Ikaw naman Allen ay may importante akong ipapagawa sayo." paliwanag ng kanilang head.
" Siyanga pala, alam kong alam narin ninyo ang tungkol sa nangyari kay Mr. Dwight Arevalo at ang nakakabahala ay ang naging sanhi ng aksidente na kaparehas ng ginawa sa inyong sasakyan. May kutob akong may binabalak na masama sa inyo ang mga hindi pa natin nakikilalang salarin kaya mas lalo ninyong bantayan ang inyong seguridad. Bukas ay may importante akong lalakarin kaya hindi muna tayo magkakaroon ng ganitong meeting pero sa susunod na araw ay muli tayong maguusap tungkol sa mga bagong developments ng inyong isinasagawang imbestigasyon. Yan lang muna ang aking masasabi, sige magpapahinga muna ako sandali at mamaya na natin ituloy ang ating pagpupulong. " pagtatapos na pahayag ng detective na halatang lubha itong napagod sa halos maghapon niyang paglalakbay.Naiwan naman ang tatlo at ipinagpatuloy ang kanilang mga pagtalakay patungkol sa muling pakikipagkita ni Ms. Morales at Sam Samonte sa pangalawang pagkakataon.