APRIL 17, 2023 ( 7:50 AM ), unang dumating si Allen sa tanggapan ng SJS CDG Office at kagaya ng dati ay nadatnan niya doon sina detective Leumas at Ms. Morales na kasalukuyang nagkakape.
" good morning sir, good morning lala ! " masiglang bati nito sa kanila. Nakangiting bumati rin sa kanya ang dalawa.Nakasuot lamang si Allen ng simpleng white t-shirt at slim fit na jeans at rubber shoes. Nagmukha itong teenager sa kanyang suot at sa slight make up na ini-apply niya sa kanyang makinis mukha ay parang nahahawig na siya sa isang Turkish personality na si hande ercel.
" wow you look so gorgeous today lala! "
nakangiting sabi ni Allen habang kumukuha siya ng isang coffee mug.
" thanks Allen " maikling tugon ni Lala.Nakasuot naman siya ng fitted na bestida na hanggang tuhod ang haba, kulay itim ito na nagpa enhance sa maliit nitong waistline. Bagamat may pagka chubby siya pero napaka yummy niyang tignan sa kaniyang suot na damit na nagpalitaw sa kanyang curvy figure.
After 5 minutes ay sumunod namang dumating si Freda at kaagad na bumati sa kanilang head at sa dalawa nitong kasamahan.Hindi naman sila maka imik sa kanilang nakita na awra ni Freda.Dahil ang dati nitong unat at mahabang buhok ay nawala na at ang ipinalit nito ay isang gupit pang lalaki.
" are you kidding me freda? hahaha I thought magsusumbrero ka lang tapos magdadamit lalaki but look at you ? OMG I can't believe it." tila hinayang na hinayang si Allen sa makintab at mahabang buhok ni Freda.
" actually gusto ko narin talaga magpagupit ng ganito noon pa man kasi i felt comfortable, even some Russian women soldiers did tried this kind of haircut before " detective Freda explained.
" OMG it reminds me of the movie 'DEATH BATTALION' " pahayag ni Allen.
" yeah and that was happened in 1917 and Formed By The Russian Provisional Government " saad naman ni detective Leumas Nugas.
" mukhang napanood ko narin yata ang movie na yan pero in fairness Freda bumagay sayo ang gupit mo, you're so handsome kahawig mo na si Alfred Vargas " nakangiting sabi naman ni Lala.
" nah forget it! maiba ako Lala... saan daw kayo magkikita ni Sam Samonte? " tanong sa kanya ni Freda.Saglit na nag isip si Lala bago ito nagbigay ng pahayag.
" Sa bagong tayo na 'THE HALLMARK' na karugtong ng LANDMARK at GREENBELT " sagot ni Lala.
" who chose the venue ikaw ba lala or si Sam Samonte." si Allen.
" Ako ang nagsuggest sa kanya ng place atleast doon ay mas maraming tao at mas convenient sa inyo para hindi obvious na may nakabuntot sa akin diba? napatango naman sina Allen at Freda bilang pagsang ayon.
" you seemed relax Lala i just hope that you will not lose your great composure when you got there ? seryosong nasabi ni Allen.
" the truth is medyo kabado ako " pag amin ni Lala.
" Don't be afraid Lala nasa likod mo kami ni Allen at all times, basta huwag mo lang i-neglect ang ilalagay namin sayong micro hidden spy camera para lagi ka namin masubaybayan saan man kayo magpunta ng ka date mo " pahayag naman ni Freda.
" nga pala what time kayo magkikita ni Sam Lala? " tanong ni Freda.
" ang sabi ko sa kanya ay 10 am sharp, ibaba niyo nalang ako sa may entrance A at aabangan ko nalang kayo sa may lobby, doon kami mag mi-meet sa fifth floor sa mismong tapat ng Kenny Rogers" paliwanag ni Lala.
" hmmn... mukhang makakakain na naman Ako doon ng inihaw na manok, matagal na panahon narin akong hindi nakakatikim ng specialty nilang roasted chicken na maraming pepper what do you think Freda? " nag thumbs naman si Freda bilang pagsang ayon nito sa sinabi ni Allen.
" it's already 10 minutes before 9 o'clock kaya mas mabuting ihanda na ninyong lahat ang mga kakailanganin niyo especially the spy camera " dagdag na pahayag naman ng kanilang head. Kaagad namang tumugon ang tatlo pagkarinig sa sinabing iyon ng kanilang head.
Samantala ay maagang nakarating si Sam Samonte sa lugar kung saan Sila magkikita ni Ms. Lala Morales.Katuwiran niya ay mas mabuting siya na lamang ang maghintay ng matagal sa kanyang ka date keysa sa paghintayin niya ito.Dumaan muna siya sa isang Flower shop matapos niyang i-park ang kanyang kotse sa di kalayuan ng THE HALLMARK.Naisipan niyang bumili ng bulaklak na tiyak na magugustuhan ng kahit na sinong babae.
" good morning sir ano po hanap niyo roses po ba? marami po kaming variety puwede po kayong mamili " nakangiting sabi ng isang sales lady.
" a bouquet of tulips Ms. ipili mo ako ng pinaka maganda can you arranged it for me in just a couple of minutes nagmamadali kasi ako. " pahayag ni Sam sa Sales Lady.
" yeah sir, ano po ang gusto niyo local or imported " tanong ng babae.
" what's the difference Ms.? " medyo na curious na tanong ni Sam.
" they're both unique and beautiful sir but the difference is their price, yung local Po natin mostly galing sa Layugan Garden sa Bucay Abra, at meron din po tayong limited stocks na nanggaling pa sa Amsterdam Holland from the Netherlands. " magalang na paliwanag ng sales lady.
" you have to mixed it half dozen of local and half dozen of imported with the same color puwede ba yun? " request ni Sam.
" good choice sir okay i can arrange it myself would you like this pinkish colour sir?" suggest ng mabait na sales lady.
" yes please and paki lagyan na rin ng name na Lala Morales." napangiti ang sales lady at agad na sinimulan ang request na iyon ni Sam Samonte.Wala pa ng 5 minutes ay natapos iyon ng sales lady na may name tag na Margot.Iniabot ng babae kay Sam ang bouquet ng tulips na nakalagay na sa napaka eleganteng paper box. Iniabot ni Sam ang kanyang credit Card at kaagad na ini scan ng cashier sa isang swiping machine at hindi man lamang tinignan ni Sam kung magkano ito sa halip ay nagmamadaling nagpunta sa sinabing lugar kung saan sila magkikita ni Lala sa THE HALLMARK.
Nasa unahan nina Allen at Freda si Lala paakyat ng escalator at may nakapagitan sa kanilang tatlong tao na naka puwesto sa bawat steps.
" okay ka lang ba diyan Lala ? " may kahinaang tanong sa kanya ni Allen habang nakatingin naman si Allen sa nakaakbay sa kanya na si Freda. Malinaw namang naririnig iyon ni Lala maski medyo malayo ay dinig parin niya ang boses nito katibayang malayo ang naaabot na frequency ng ginamit nilang spy tracker with camera and auto recorder.
" a little bit nervous " mahinang tugon nito.
" huwag kang mag panic Lala nandito lang kami, don't be nervous dahil pag may ginawang masama sayo yang lalaking yan ay uupakan ko yan kaagad." sabad naman ni Freda na medyo may kalakasan nitong nasabi. Napatingin pa sa kanya ang nasa unahan nilang medyo may edad ng babae na hawig pa ni miss tapia. Palihim na natatawa sa kanya si Allen.
Pagsapit ng tatlong babae sa may fifth floor at natanaw na ni Lala ang isang pamilyar na mukha ng isang lalaki. Nakasuot ito ng semi formal na damit, naka denim jeans at polo. naka tuck in ito na nagpalitaw ng pagka masculine nito.Masusi ring palihim na tinignan nina Allen at Freda ang hitsura ng lalaki na nagngangalang Sam Samonte. Inunahan nilang naglakad si Lala na sa tingin nila ay medyo na star struck ng makita ang lalaki na kanyang makakadate. Agad pumasok sina Allen at Freda sa Kenny Rogers at pumuwesto Sila sa isang corner habang patuloy parin silang palihim na nakamasid sa dalawang patuloy paring nasa labas.Kitang kita parin nila ang dalawa dahil sa transparent na salamin sa palibot ng restaurant.
" finally...Nakita rin kita ng personal and please don't ever call me bolero anymore dahil totoong lahat ng sinasabi ko... para sayo nga Pala Lala? " seryosong sabi ni Sam habang nananatiling nakangiti ang kanyang mga mata.Agad namang tinanggap ni Lala ang iniabot nitong bouquet of tulips na sa totoo lang ay hindi niya inaasahan.Inilabas niya ito sa may box at saka marahang idinaiti nito ang kanyang matangos na ilong sa mga fresh tulips na lubhang napakagandang pagmasdan.
" thank you, they're very beautiful and I really appreciate it " sincere na pahayag ni Lala. Napangiti ng maluwang si Sam sa sinabing iyon ni Lala.
" well, puwede ba tayong kumain dito hindi mo kasi naitatanong eh hindi pa ako kumakain mula kanina, favorite mo din ba ang roasted chicken ng Kenny Rogers? " marahang tumango si Lala.
" oh it's awesome now we have something in common this restaurant is one of my favorite dahil sa roasted chicken nila na very flavourful. " tila excited na sabi ni Sam. Lahat ng kanilang paguusap ay narinig lahat iyon nina Allen at Freda. Nang mapansin ng dalawa na humakbang na sina Lala at Sam papasok sa restaurant ay agad namang tumayo si Freda para umorder ng pagkain, naiwan namang mag isa sa corner table si Allen na palihim parin na pasulyap sulyap sa kinaroroonan nina Lala.
" stay focus Lala don't stare with us in our direction " pabulong na sabi ni Allen at narinig iyon ni Lala at bigla siyang nag sabi ng " okay ",napatingin tuloy sa kanya si Sam.
" what did you say? " tanong ni Sam
" did i say something? " natatarantang sabi naman ni Lala.
" i heard something like 'okay' " honest na Saad ni Sam.
" ah yun ba, it's a habit of mine... talking to myself lalo na pag medyo kinakabahan ako oops sorry to say that it's not that I'm afraid with you pero huwag mo sanang mamasamain kung sabihin ko sayo na Hindi kita kilalang lubusan I'm sure you know what i mean " may kahabaang palusot ni Lala. Napapakagat naman ng labi si Allen at maging si Freda sa tila niniyerbiyos na si Lala.
" ah ganun ba, yeah naiintindihan ko ang ibig mong sabihin of course we just met a while ago at hindi pa natin lubos na kilala ang isat isa but i swear to you and to the Big Man above that my intention is pure and sincere. " seryosong pahayag ni Sam at pagkatapos ay marahang idinantay nito ang kanyang kamay sa kamay ni Lala na lumikha ng isang napakalakas na boltahe ng kuryente sa kanyang katawan na tumatangos sa kailaliman ng n
natutulog niyang damdamin at kaisipan.