Chapter 13 " THE SUMMON "

2250 Words
APRIL 17, 2023 ( 9:45 AM ) @ Makati City General Hospital.Nakasapit ng maayos sa nasabing ospital si detective Leumas Nugas upang personal na kausapin sina Edwin Saños at Joan Castillo ang Janitor at Janitress na kasamang napinsala sa naganap na pagsabog sa The Star Grove Tower na ikinasawi ni Mr. James Perez.Nais din niyang kausapin maging si Mr. Olivarez na kasalukuyan pang nasa intensive care unit. Sa tulong ng isang nurse ay kaagad niyang nalaman kung saang room Sila matatagpuan.Nadatnan niya doon ang ilan sa kanilang kapamilya at mga kaibigan.Matapos magpakilala sa kanila ang detective ay nagpaunlak naman ang mga ito sa pakiusap ng detective.Lumabas naman pansamantala ang mga naroon upang mabigyan nila ang detective ng pagkakataon na makapag tanong sa dalawang pasyente. " mga ilang katanungan lang na gusto ko sanang malinawan buhat sa inyong dalawa?" banayad na sabi ng detective.Tumango lamang ang mga ito bilang pag sang ayon sa gustong linawin ng detective. " nasaan kayo ng mga oras na nagkaroon ng pagsabog ? " paunang tanong ng detective. Si Edwin ang nagbigay ng kasagutan. " patungo po kami sa opisina ni Mr. Dave Olivarez para linisin po sana ang kanyang opisina sir, pero sa kasamaang palad ay bigla na lamang pong nagkaroon ng pagsabog " malungkot na pahayag ni Edwin. " so hindi na kayo nakapasok sa loob ng opisina ni Mr. Olivarez para linisin iyon tama ba ako? gustong makatiyak ng detective bago siya magtanong ng panibago. " opo tama po kayo sir, hindi na po kami nakapasok dahil ng makarating kami sa harap ng kanyang opisina ay naka locked po ito sa loob " muling paliwanag ni Edwin. " hindi ba ninyo sinubukang kumatok sa nakasarang pintuan para kayo ay papasukin doon ni Mr. Perez? " muling usisa ng detective. " kumatok po ako sir pero isang beses lang kasi may narinig akong tinig sa loob na wari ay nagtatalo " nagaalangang pahayag ni edwin. " natukoy mo ba kung sino ang nagtatalo sa loob ng opisina ni Mr. Perez? " " ang dinig ko po ay sina Mr. Dave Olivarez at Mr. James Perez." atubiling sabi ni Edwin. " Narinig mo ba kung ano ang dahilan ng pagtatalo ng dalawa? " napailing si Edwin at sinabing hindi niya ito gaanong narinig. " nang sumabog ang opisina ni Mr. Olivarez ay saang specific na lugar kayo inabutan ng pagsabog? " si Joan ang naglakas ng loob na sagutin ang tanong " Nasa harapan po kami ng pintuan sa opisina ni Mr Perez ng mangyari ang pagsabog sir at kaya po mas malala ang sinapit kong pinsala ay inilapit ko ang aking pandinig para sana pakinggan kung ano ang bagay na iyon na pinagtatalunan nila sa loob ng opisina ni Mr. Perez,hanggang sa bigla na nga pong may sumambulat na bomba sa loob mismo ng opisina ni Mr. Perez." " mga anong oras iyon Joan? " saglit na inaalala ni Joan ang unang pagkakataon sa nangyaring pagsabog bago siya nagbigay ng kumento. " hindi ko po sigurado ang eksaktong oras sir basta ang natitiyak ko ay between 8 am to 9 am. sagot ni Joan. " nang ilapit mo ang iyong Tenga para pakinggan upang alamin ang dahilan ng kanilang pagtatalo, ano ang iyong narinig? " muling usisa ng detective.Saglit na napapikit si Joan at pilit na inaalala ang kanyang mga narinig bago ang pagsabog. " huwag kang gumawa ng kwento Joan kung hindi ka sigurado! dahil baka iyan pa ang ikapahamak mo! " malakas na sabi ni Edwin na tila nagwa-warning ito na pigilan siya ang kanyang sa pagbibigay ng impormasyon.Saglit namang natigilan si Joan at minabuti na lamang niyang manahimik.Nagpalipat lipat ang tingin ng detective sa dalawa na bahagyang nakayuko at kung hindi nagkakamali ang detective ay mukhang may itinatago ang mga ito na lubha nilang kinatatakutan. " mayroon ba akong kailangang malaman pero natatakot kayong sabihin? bakit hindi ninyo ako subukan at ipinapangako ko sa inyo na walang anumang mangyayari sa inyong masama " prangkang nasabi ni detective Nugas pero ayaw nang magsalita ni Edwin at maging si Joan ay nakatikom narin ang kanyang bibig.Walang nagawa ang detective kundi iwan muna niyang naka hang ang tanong na iyon sa kanilang isipan at hihintayin na lamang ang pagkakataon na Sila na mismo ang magkusa para sabihin iyon sa kanya. " well kung sakaling magbago ang inyong isip at mapagpasyahan niyong sabihin sa akin ang mga bagay na narinig niyo na siyang dahilan ng pagtatalo ni Mr. Olivarez at Mr. James Perez ay huwag kayong mag atubiling tawagan ako sa mga numerong nakasaad dito." panghuling pahayag ng detective at iniwan ang isang calling card sa ibabaw ng lamesa at bago siya lumabas ng kanilang silid ay hindi nakaligtas sa kanyang matalas na paningin ang mga naka empake ng gamit ng mga ito kahayagan na pinapayagan na silang makalabas ng pamunuan ng ospital. Sumunod niyang tinungo ang isa pang silid na itinuro sa kanya ng mabait na nurse sa bahaging iyon ng intensive care unit.Nadatnan niya doon ang isang babae at isang batang lalaki.Agad na nagpakilala ang detective bago niya sinabi ang kanyang sadya doon. " kayo po ba ang asawa ni Mr. Olivarez misis? " umiling ang babae at walang anuman niyang sinabi na siya ay kerida ng pasyente at ang batang kasama niya ay anak nila ni Mr. Olivarez.Bahagya ding nagulat si detective Nugas sa pahayag na iyon ng babae.Hindi rin niya maiwasan na magtanong sa babae ng ilang bagay. " alam ba ng asawa ni mr. Olivarez na narito ka at Ikaw ay kanyang..." hindi na tinapos ng detective ang kanyang pangungusap at hinayaan nalang niya na mangusap Ang babae. " puwedeng alam niya puwede ring hindi... actually ay hindi lang naman Ako ang babae na inanakan ng lalaking iyan, meron pang iba, pero Wala na akong pakialam doon basta ang sa akin lang kung sakaling may masamang mangyari kay Dave ay mabigyan man lamang ng kahit kaunting biyaya ang batang iyan na anak niya sa labas " tuwiran na pahayag nito.Napatingin si detective Nugas sa batang lalaki na walang kamuwang muwang at abala sa paglalaro sa kanyang hawak na gadget. " kumusta naman ang lagay ngayon ni Mr. Olivarez? " usisa ng detective. " kanina habang kausap ng doktor ang asawa niya ay narinig kong malubha ang pinsalang tinamo ni Dave, may possibilty naman na siya ay mabuhay pero hindi na raw siya makakabalik sa normal at kung sakali naman na lumala pa ang infection at umabot daw ito sa kanyang utak ay maaaring iyon ang magtrigger para tuluyan siyang mamatay. " mahabang paliwanag ng babae.Nang lingunin ng detective ang kinalalagyan ni Mr. Olivarez ay nakapikit parin ito at simula ng unang araw na dinala siya sa ospital ay hindi pa ito nagigising.Nagpasya ang detective na pansamantalang lisanin ang lugar at naisipan niyang dumaan sa THE GROVE upang personal na masiyasat nito ang lugar kung saan sinabotahe ng hindi pa matukoy na culprit ang sinasakyang kotse ng kanyang dalawang tauhan. Samantala ay kasalukuyang kumakain sina Allen at Freda sa kanilang napiling menu na isang Kenny Rogers solo plates na kung saan ay mayroon nang quarter roasted chicken stuffs with veggies, salad, muffin at ice tea.Habang kumakain ay patuloy parin silang nagmamatyag sa dalawa na kasalukuyan naring kumakain. " I really like this truffle roast chicken " nakangiting sabi ni Sam at walang arte na kinakamay ang leg part ng inihaw na manok.Pasimple namang nginunguya ni Lala ang side dishes habang nakatingin kay Sam na mukhang nagi-enjoy sa pagkain.Naka agaw ng pansin kay Lala ang isang eleganteng sing sing na nakasuot sa kanyang kaliwang kamay. " madalas ba kayong kumain dito ng asawa mo before? " tanong ni Lala. Napatigil sa pagkain si Sam at pinunasan muna nito ang kanyang bibig ng tissue bago ito nagbigay ng kasagutan sa tanong na iyon ni Lala. " yeah, honestly speaking every monthsary namin madalas kaming nagpupunta dito para kumain and you may call it weird perhaps kung sasabihin ko sayo that I was sitting here on the same spot and she's there also on your place right here on this same table but that was so long ago "seryosong sabi ni Sam Samonte. Nakaramdam naman si Lala ng uncomfortness dahil sa nasabing iyon ng kanyang ka date.Patuloy namang nakasubaybay sina Allen at Freda habang kumakain. " iyan ba ang wedding ring niyo it's beautiful " Wala sa loob na tanong ni Lala. Napatingin naman si Sam sa kanyang suot na sing sing. " Actually this is not our wedding ring, bigay ito ng mama ko when she passed away last month and mom told me na ibigay ko raw ang sing sing na ito sa babaeng muling magpapatibok ng puso for the second time " paliwanag ni Sam, Hindi naka imik si Lala at para hindi siya mahalata na siya ay kinakabahan parin ay itinuon nito ang kanyang pansin sa kanyang pagkain. " Lala, after this saan mo gustong pumunta tutal maaga pa naman I can take you anywhere or any place na gusto mong puntahan around Metro Manila " nakangiting sabi ni Sam. Saglit na nag isip si Lala at aminado siya na Hindi niya napaghandaan ang bagay na iyon. " tell him na ipasyal ka niya sa bahay niya indirectly " nagregister iyon sa kanyang pandinig buhat kay Allen. Pero gustong tumutol ng kanyang isip dahil batid niyang masyado pang maaga para mag demand siya ng ganun sa lalaki. " Wala akong alam na place dito Sam, Ikaw baka may alam ka then you can take me there " tila kumislap ang mga mata ni Sam ng marinig nito ang pahayag na iyon ni Lala. " well, Wala din akong alam na maaari nating puntahan na siguradong magugustuhan mo pero... kung papayag ka may alam akong place na kung saan ay makapag uusap tayo ng maayos at higit sa lahat ay hindi maingay." pinagpawisan ng bahagya si Lala sa sinabing iyon ni Sam ' yayayain na ba niya ako sa motel naku Diyos mio marimar ' hiyaw ng kanyang isipan. " saan naman yun? " curious na tanong nito sa kanya. " can I invite you In my house? " hindi niya maiwasang mapatingin sa kinaroroonan nina Allen at Freda na patuloy paring kumakain. " malapit lang ba ang bahay mo dito Sam? " " atleast half an hour drive from here Lala hey don't worry Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo but on contrary talagang gusto kitang isama para makita mo rin kung saan ako nakatira " " grab it! " tinig naman iyon ni Freda. " okay sige papayag akong sumama but in one condition " " aha and what was that lala? " excited na tanong ni Sam. " ipapaalam ko muna sa daddy ko na pupunta Ako sa bahay ng ka date Kong nagngangalang Sam Samonte para kung sakaling may mangayari sa aking masama ay alam na nila kung saan ako hahanapin " nakangiting sabi ni Lala. " haha yun lang ba? sige go ahead here's my address and calling card and tell your dad na ako ang kasama mo ngayon " nakangiti ring sabi ni Sam. Kinuha naman iyon ni Lala at kaagad na ini-screenshot ang calling card at isinend iyon kina Allen at Freda.Makalipas pa ang isang minuto ay eksakto naman na nagring ang kanyang cellphone at ng suriin niya kung kanino galing ang tawag ay nakarehistro doon ang pangalan ni Mrs. Kelly Morgan Wilder, ang presidente at kasalukuyang COO ng THE GROVE TOWER. Tumayo si Lala sa kanyang kinauupuan at saglit na nagpaumanhin Kay Sam na magtutungo lang siya sa may comfort room para kausapin ang daddy niya. " okay Lala take your time " naiwang mag isa si Sam Samonte sa table at minabuti niyang ipagpatuloy na kainin ang natitirang truffle roast chicken sa kanyang plate. Sa loob ng comfort room ay muling tumawag sa kanya si Mrs. Kelly at ipinaliwanag nito ang kagustuhan ng may ari ng THE GROVE na makausap ng personal si detective Leumas Nugas.Matapos ang ilang tagubilin ay kaagad na tinawagan ni Lala ang kanyang boss upang ipaalam ang pahatid na mensahe sa kanya ni Mrs. Kelly.Narinig lahat nina Allen at Freda ang mga naging paguusap nila at na curious ang mga ito sa mga bagong kaganapan. Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman ngayon ng detective sa hindi nito inaasahang imbitasyon sa kanya ng may ari ng kilalang THE GROVE na isang prominenteng tao sa Larangan ng Business and Developments na si MR. EATHAN HAWK. TUWA dahil balak din talaga niyang magtungo doon para sa isang dahilan at KABA dahil batid niyang hindi siya basta iimbitahan ng gayun nalang kung hindi ito isang napaka importanteng bagay.Hindi na halos namalayan ng detective na nakarating na pala ang taxi na kanyang sinasakyan sa harapan ng The Star Grove Tower. " Pumayag na ang daddy ko na sumama ako sayo Sam pero mahigpit niyang itinagubilin sa akin na hanggang 5 o'clock lang akong mamamalagi sa inyo at kailangang makauwi ako sa amin before mag alas sais ng gabi " pagsisinungaling ni Lala. Wala namang pagsidlan ng tuwa si Sam sa kanyang mukha. " Let's go daddy's girl " masayang nasabi ni Sam Kay Lala habang inaalalayan siya nito sa pagtayo hawak ang kanyang kamay. Nanginig si Lala ng maramdaman ang mainit na pagkakadampi ng kanilang mga palad muli na namang rumagasa ang boltahe ng kuryente na noon lamang naramdaman ni Lala sa buong buhay niya.Nang tuluyan ng nakalabas ang dalawa ay saka pa lamang palihim na sumunod sina Allen at Freda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD